TSAA:Chapter 2

44 1 0
                                    


Hingal na hingal akong dumiretsyo sa dining room. Napatigil naman ako saglit ng mapag tantong si mommy  pala ang nag seserve ng pag-kain. Nakatalikod siya at agad akong napatakbo upang yakapin siya.

"Wahhhhh mommy kelan ka pa dumating? Si daddy kasama mo ba?" napaharap siya sa akin at nakangiting tumango.

"Nag bihis lang nak, buti naman at nagising ka na" magsusumbong sana ako ng bigla nang sumulpot si Stephen sa likod ko.

"Nako tita ang hirap kaya  niyang gisingin,tulo laway pa man din kapag natutulog". Sinaman ko siya ng tingin binelatan niya ako.

"Ang cute niyo talaga" saad ni mommy

"Cute? Hindi rin po GWAPO po ang tamang term tita" nag pogi post pa siya. Kakapalan ng mukha ang tawag diyan.

"Saan banda? gwapo ba ang mga alien? Diba hindi naman?" Pangongontra ko sa kanya.

"Ikaw ha kunwari ka pa alam ko namang may lihim kang pagtingin sa akin kaya ka ganyan" he wink at me, nag act akong parang masusuka.

"Mahiya ka nga sa mga pinag sasabi mo alien ka"

Inawat kami ni dady ng maabutang nagbabangayan. Ganado akong kumain dahil kaharap ko sina mommy at daddy sa hapag kainan.

We talk about random things. After eating dinner, ipinag patuloy namin ang kwentuhan namin sa sala.

I'm lucky to have such a great parents like them. Kapag alam nilang nawawalan na sila ng time for me, they always think of a good way makasama lang nila ako.

"Stephen wala naman bang umaaligid na mga lalaki kay Nichole?" tanong ni daddy

"Wala naman po ang pangit niya kasi, ako lang po talaga  ang nagpupursiging makasama siya" natawa sina mommy at dady sa sinabi niya.

"Hindi talaga na uso sayo ang salitang makapal ang mukha at walang hiya ano?" tinaasan ko siya ng kilay at nag cross arms ako.

"Ang labo mo talaga Nicks  kapag sinasabihan kang maganda nagagalit ka, kapag naman sinabihan kang pangit nagagalit ka rin, ayy huwag ganyan Nicks dapat maging masaya ka ng masabihan ng pangit" wala talagang pakialam ang alien na ito maski kaharap nila ang mga magulang ko. Ang kapal ng mukha.

"Tama na yang bangayan niyo,mabuti pa ay magsitulog na kayo at may pasok pa kayo bukas" awat sa amin ni daddy.

"Tabi tayong matulog" suhestyon ko. Hinila ako ni Stephen palayo kina mommy.

"Bigyan mo naman sila ng privacy" bulong nito. Binatukan ko naman siya.

Nag pumilit akong maki tabi sa nga magulang ko pero hinila hila ako ni alien kaya ayun bagsak ko sa room ko.

"Lumayas ka nga dito" ibinato ko sa kanya ang unan na hawak  ko,nailagan niya ito kaya binelatan ako.

"Ano ba yan Nicks" umiling iling siya. Ayung hawak ko namang libro ngayon ang ipinangbato ko sa kanya ayun sapol haha.

"Belat, haha layas ka na nga dali" hinawakan niya ang mukha niyang natamaan lumapit siya sa akin uh oh.

"Waaahhhh tama na hahahahaha a-hahahaha ano hahaha bahahahahahah"

"Hahaha ayoko nga nag eenjoy pa ako eh"

Pinalo palo ko siya. Nakaramdam kami ng pagod kaya nahiga siya sa tabi ko.

"Mas maganda kapag lagi kang nakangiti" sabi nito sa akin. Pinalo ko siya sa balikat niya.

"Layas na matutulog na ko"

"Tabi nalang tayo" tumanggi ako kaagad. Ayoko siyang katabi. Gahaman siya eh kawawa naman ako laging nahuhulog sa floor.

"Ayoko nga malikot kang matulog mamaya mahulog nanaman ako"

"Kaya ka nahuhulog dahil mas malikot ka sa akin, dali na promise hindi ka mahuhulog at kung mahulog ka man hihilaun kita o di naman kaya sasaluhin kita para hindi ka masaktan" .natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ganun parang double meaning.

"Saan ka humuhugot sa floor?" He pinch my nose.

"Matulog na tayo, goodnight Nichole" ipinikit na niya ang kanyang mga mata.

"Goodnight" bulong ko sakto lang para marinig niya.

Hindi pa ako natulog. Nakatunganga lang ako.

Bakit ganun dati okey lang na tabi kami ni Stephen matulog pero ngayon parang ang awkward. May gusto na ba ako sa kanya? Nah, wala naman siguro hindi ba? Twelve years old lang ako. Pero posible naman kaya?

Ayyy Nichole ano bang iniisip mo? Matulog ka na nga baka mapuyat ka nanaman. Gabi-gabi mo na nga siyang  iniisip eh.

Maaga akong nagising. Pagka tingin ko sa tabi ko nakita ko ang mukha ng alien kong kaibigan. Ang gwapo niya posible kayang magka gusto ako sa kanya?

Kinusot niya ang mata niya at napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at binati.

"Good morning alien" :)
"Good morning Nicks" nginitian niya ako pabalik.

Sabay kaming bumaba at naabutan namin sina dady na nag bbreakfast.
Lumapit ako sa kinila at hinalikan sa pisngi. Umupo ako sa tabi ni Alien.

Nawalan akong ng ganang pumasok sa school ng malaman kong aalis sina mommy. Umuwi lang pala sila dito dahil gusto nila akong makita. Matatagalan daw kasi sila sa pupuntahan nila mga two months siguro.

Ayoko man ngunit wala akong nagawa. Inihatid kami ni dady dahil ni request ko iyon bago sila umalis.

"Dad uwi ein kayo kaagad,okay" she kissed me on my chick
"Sure baby , promise pagkauwi namin tayo naman ang mag o-out of town or if you want we can go to Paris" I hug him so tight. Nagpaalam na siya at kami ni alien ay dumeretsyo sa room.

"Ayan nanaman ang hindi maipintang mukha mo, sayang mahal pa naman kita pero kasi pumapangit ka na sa paningin ko" ano pa bang aasahan ko sa budoy kong kaibigan.

"Ikaw Stephen magseryoso ka nga rin minsan,mamaya hindi ka na nila paniwalaan sa mga sinasabi mo dahil ang magiging dating nila sa sinasabi mo ay pawang kalokohan lang" umilng iling si Farra. Hindi namin siya kaklase pero nakiki seat-in siya minsan kapag wala ang isang teacher nila.

"Seryoso naman ako sa sinabi kong mahal ko si Nicks eh" tumawa nanaman siya ng malakas. May nakakatawa ba?

"Oo nga eh ramdam namin iyong sinseridad ng pagkakasabi mo" sarkastikong sabi ni Farra at lumabas siya ng classroom.

"Oyy Nicks maniwala ka sa akin kapag sinabi kong mahal kita" parang may kung ano sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag alam ko namang pinag titripan nanaman niya  ako  pero hindi ko maiwasang kiligin.

Oh wait did i say kalig? Tss. Mali ano ba Nichole huwag kang kiligin nang titrip lang siya.

"Whatever". Isinandal ko ang ulo ko sa may pader inaantok ako napuyat ako kagabi dahil sa kaiisip kay ano.... kay alien.

That Stupid Annoying Alien(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon