Chapter 15

18 2 0
                                    

"What? hindi mo ba gagalawin ang pag-kain mo?" Takhang tanong ko. Kanina pa kasi ako kumakain tapos siya nakangiti lang de ja vu. Parang nangyari na ito dati.

"Busog pa ako" sagot niya.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Bahala siya sa buhay niya.

"Hindi ka na ba kakain? Uubusin ko na ha sayang naman" sabi ko sabay turo sa nakalapag sa table na kakainin niya dapat.

"Sure, sige lang ^____^" Baka kumain na to kanina bago siya bumalik. Patay gutom pa naman siya.

Naubos ko na rin iyong pagkain na binigay niya. Nagising na rin si Josh at kasalukuyang nakikipag laro kina JP (J-hope)

"Josh high five" itinaas ni JP ang kamay niya upang makipag high five kay Josh. Nagtatawanan sila. Ang ganda ng mga ngiti ng batang ito. Ang cute cute niya ^_^.

"Bakit kapag sa kanya ka nakatingin,nakangiti ka pero kapag sa akin kulang nalang mamatay ako sa sobrang sama ng tingin mo, ganun na ba talaga ako kagwapo?" Hindi nga talaga nauso ang salitang hiya sa kanya -_-





"Nicks may sasabihin ako sayo" pagseseryoso niya. Kinabahan naman ako bigla. Pag uusapan na ba namin ang tungkol sa nakaraan. Hindi pa ako handa tsaka bakit ngayon. Pwede bang paghandaan ko muna.

"Oh bat ka pinagpapawisan" sabi niya. Ginamit niya ang panyo niya para punasan ang pawis sa noo ko. Gosh!! Naka aircon. naman kami.

"Step-" magsasalita na sana ako ng pigilan niya ko dahil nagsalita rin siya. Ang sama.

"Nicks ano...................................
.

.
. wala kasi na kasi akong natirang pera dahil sa pagkain na binili ko gusto ko lang sana sabihin na may bayad yung kinain mo" O_O walang hiyang alien. Nanlaki ang mga mata ko at di ko namalayan na pinapalo ko na siya.

"WALANG HIYA KA ALIEN KA HINDI KA PARIN NAGBABAGO KAYA PALA NGITING NGITI KA KANINA" Tuloy lang ako sa pananakit sa kanya. Pagkatapos niyang ipakain sa akin lahat. Hindi ko naman sinabing ibilhan niya ko ng pagkain.

"Ara--- aray Nicks aray -naman aww tama na masakit na" nakakainis talaga.

"HINDI, BAGAY LANG SAYO ITONG PINAG GAGAWA KO"

"Waahhhh Nicks maawa ka may anak pa akong pinapakin oh maawa ka madadagdagan nanaman utang mo aray Nicks naman" Nakawala siya sa akin at tumakbo palayo. Ako naman naghanap ng pwedeng ibato sa kanya.

"Woah oyy anong nangyayari dito" Nagtatakang tanong nina Luke.

"Walang hiyang alien yan wala paring pinagbago,hoy ikaw bumalik ka dito!!"

Tuloy tuloy lang kami sa paghahabulan. Pinapanood na kami ng iba pero wala kaming pakialam.

"Sigurado ba tong mga to na ngayon lang sila nagkakilala?" Narinig kong tanong ni Suga sa iba.

"Aba malay ko ba" sagot bi RM

"Wait lang, oy Stephen" tawag ni Luke pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Tinatawanan na rin kami ni Josh aba masaya pa ata na nakikitang nasasaktan ang ama.

"Tama na Nicks please maawa ka mababawasan ang gwapo sa mundo kapag namatay ako" pagmamaka awa niya habang tumatakbo. Nagkanda dapa dapa na nga pero dahil sa takot niya ay tuloy lang siya sa pagtakbo.

"WALA AKONG PAKI ALAM KABAYARAN TO NG. GINAWA MO SAKIN DATI. GINAWA MO AKONG PANANGGA SA MAHAHAROT MONG FANS" Sigaw ko. Marami ng nanood sa amin iyong iba nga ata ay nag vivideo na yung iba naman ay tawa ng tawa at naiiling.

That Stupid Annoying Alien(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon