Chapter 22

12 0 0
                                    


"Hindi kita tatanungin kung,ayos kalang ba dahil halata naman na hindi" sabi ni Lory.

Nasa park kami ngayon. Nakaupo sa damuhan. Its already 9 in the evening. 3 pm pa naman ang start ng shooting bukas kaya sasamahan ko muna sila,lalo na ngayon at may broken hearted.

Ang mga lalaki ay seryosong nag-uusap medyo malayo sila sa amin. Boys talk kumbaga.

"Go cry, dont be afraid to show us you crying" nag-aalalang sambit ni Shane.

Nanatili siyang tahimik kaya hinayaan namin siya. We respect her at hindi namin siya pipilitin.

"Pupuntahan ko lang si Stephen baka kung anong kabudoyan nanaman ang pinagsasabi niya" paalam ko sa kanila.

HAbang palapit ako ng palapit sa kanila ay naririnig ko ang usapan nila. Hindi nila nararamdanan ang palapit ko dahil abala sila.

"Ang gago mo talaga brad" narinig kong wika ni Luke.

"Sinagot ko lang yung tanong niyo" sagot ni Tommy.

"Mali kasi kayo eh" ani Stephen.

Hanggang ngayong nandito na ako malapit sa kanila ay hindi parin nila napapansin ang presensya ko. Mga manhid!!!!

"Bakit nanaman?" Tanong ni Bryx.

"Ako magtatanong sayo, dapat sagutin mo ng walang paligoy ligoy" seryosong sambit niya.

"Baka naman kabudoyan nanaman yan Stephen,isusumbong kita kay Nichole" alinlangan ni Luke.

"Takot ako dun,siya batas kaya huwag kayong mag-alala seryoso to"
Natawa ako sa sagot niya sarap niyang sapatusin.

"Mahal mo ba si Aiselle?" Walang paligoy ligoy niyang tanong.

Namula ang tenga ni Tommy. Katahimikan ang pumaibabaw at pinalipat lipat niya ang paningin niya sa mga lalaki. Napaupo ako bigla ng tumingin siya sa gawi ng babae kung nasaan ako kanina.

"Mahal na mahal"

"Kyaaahhhh, sabi na eh!!!!"

Nagulat sila sa pagtili ko.at sa biglaang pagtayo ko. Nagtakbuhan ang mga babae sa gawi ko. Ang epic ng itsura ng mga lalaki dahil nasa likod lang nila ako. Tawa ako ng tawa ng makita ko ang mga reaction nila.

Nakahawak sa tenga niya si Luke habang nanlalaki ang mga mata. Napatalon naman sa gulat si Tommy,si Bryx naman ay napaupo at si Stephen....

"Teka nasan si Stephen,nandito lang siya kanina ah?" nagtatakang tanong ko. Nagpalinga linga ako and there I saw him. Sa likod ng malaking puno. Ang pinagtataka ko lang bakit siya napunta dun mukhang hindi naman ang pagtili ko yung dahilan niya.

"Wait lang ha" paalam ko sa kanila. Nilapatitan ko si Stephen. He is looking somewhere na parang may minamanmanan.

"Hey" tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at nginitian ako.

"Lika dito" pagaaya niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at napatingin rin ako sa tinitignan niya.

"Sino siya?" Tanong ko.

Sa di kalayuan may babae at lalaki na masayang nagkwekwentuhan. Mahahalata mo naman dahil panay ang tawa nila. Tanga na lang ang magsabing sobrang lungkot nila -_-

"Di ko rin kilala" kibit balikat na sagot ni Stephen.

"Tss -_-"

"De joke lang yung kapatid ni Luke tapos si Lance yung lalaki"

Tinitigan ko ng mabuti ang babae. Si Jasmine nga.

"Tara na baka sumunod si Luke dito" sabi niya at hinila niya ako paalis sa pinaagtataguan namin.

"Saan kayo galing?"

Nagkaitinginan kami ni Stephen at sabay na bumalik ang tingin kay Luke.

"Jan lang" sagot ko.

"Oh kamusta na pala?"

"Ayun sila oh" turo ni Bryx.

"We gave them time to talk and settle nahurt kasi si Aiselle eh and you know for privacy na rin" sagot ni Shane.

"Teka si Bryan ba yun?"

Pare pareho kaming napatingin sa lalaking nagmamadaling naglalakad.

"Parang" di siguradong sagot ko.

"Wait tawagan ko" Dinial ni Luke ang number ni Bryan at parepareho kaming naghintay kung sasagot ba o hindi.

"Nasan ka?" Tanong ni Luke.

"Anong ginagawa mo jan?........Janine? ....teka ano bang meron?......sino?....Dude ang daming babae...okay sige sige" pinatay ni Luke ang tawag.

"Ano daw?" Tanong ni Stephen.

"He's up into something sinundan niya ang kapatid niya dahil may kikitain daw" kunot noong sagot ni Luke.

"Sino?boyfriend?" Hula ni Shane.

"No Idea" kibit balimat ko.

"Umn. I think hindi,kasi nakita ko si Janine na may kasamang babae I think Its Andrea" sambit ni Lory.

Pare-pareho kaming napatingin kay Lori. Tumango tango siya.

"Saan mo sila banda nakita?" kyuryusidad kong tanong.

"Sa may fountain,actually if im not mistaken meron din sina Jasmine at Prince "

"Anong gimagawa nila ng ganitong oras dito?"

"To get some fresh air like us, I guess" kibit balikat na sagot ni Lory.

"Im bit curious,sundan ko lang si Bryan"

magtatangka nanaman sanang umalis si Stephen ng pigilan ko siya.

"Sasama ako" sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay at ganun din ako.

"Oo na" sagot niya.
Tumakbo kami para mahabol si Bryan.

Hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami. Napatungin ako sa mukha niya abala siya sa paghahanap kay Bryan.

Hindi na ba talaga pwedeng maging tayo?

"Ayun siya" turo niya kay Bryan na ngayon ay kaharap ang kapatid niya at ang babaeng hindi ko kilala..

______

May readers pa ba ako???
I am planning to make an account for my fictional characters but then I cant make it alone so if you are interested comment down. Hope may makabasa hanggang sa part na to tho'. Alam kong Im not that professional in writing stories. Yun lang.

That Stupid Annoying Alien(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon