TSAA:Chapter 9

31 3 2
                                    

Bwisit na Alien yun. Muntik na akong walang makuha sa quiz dahil siya ang sumasagi sa utak ko yung mala alien niyang ngiti.

Natapos ang morning class namin. May two hours kaming vacant for lunch, so tatambay nalang muna ako sa side ng gym.

Isinalpak ko ang headset sa tenga ko. Wala akong magawa kaya matutulog nalang muna ako.

Minsan lang din akong kumain ng lunch kapag nasa mood lang ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang bawat linya ng kantang aking pinapakinggan.







"What the heck, alien" nagulantang ako dahil pagkagising ko si Stephen ang nasa harapan ko.

Kelan pa siya nandito.

"Hi Princess Nichole Scott Sebastian" ngiting ngiti siyang nakatingin sa akin.

"Can you please stop calling me by my whole name" inis kong sabi. Inirapan ko siya.

Tumayo ako at pinagpagan ang likod ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito tumingin ako sa kanya.

May hawak siyang plastik na may lamang pagkain.

"Wala ka na dun"

"Ito naman dito ka na muna"

"Pwede ba tigilan mo nga ako, kung umasta ka parang walang nangyari ah, parang hindi ka ng iwan, na parang ayos lang sayo ang lahat kahit ang totoo ay hindi naman" nabigla ako sa mga sinabi ko, pero hindi ko iyon binawi.

Natigilan siya sa mga narinig niya.

"Nicks" mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Great Nichole ang galing mo ang akala ko ba ay okay ka na?

" *sigh* ang akin lang naman, bakit saka mo lang ipinaalam na aalis kana kung kelan nagdadalamhati ako, kung kelan kailangan ko ng kasama" naiiyak kong sabi.

"Nicks sorry, nung araw na din yon ko lang din nalaman na aalis pala kami" paliwanag nito.

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"Sorry na Nicks,please lang ang pangit mong umiyak"

Yung totoo nang co-comfort ba to o nang-iinis?

Pinalo ko ang kamay niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo alien ka, mas pangit kapa nga sa akin"

"Huwag ka ng umiyak huh? may ibibigay pala ako sayo"

Maliban sa plastik na may pagkain ay may isa pa pala siyang hawak.

Nilabas niya ang alam.

Kyaaaa ang cute

"Waahhh ang cute naman" si Stitch ang cute niya kulay blue.

(A/N yung nasa multi media po hehe)

"Wow ha pa siya lang talaga pinuri mo, nakakatampo naman" nag pout siya.

"Ewwww Alien huwag kang mag pout di mo bagay" sinamaan niya ako ng tingin.

"Tara dito may dala akong pagkain, ang payatot mo talaga"

Umupo ako sa tabi niya at walang pakundangang nilantakan ang ang binigay niya sa akin.

Nahalata kong hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.

Nakatitig lang siya sa akin na may ngiti sa labi.

"Tigilan mo nga yang kangingiti mo alien" pagsusungit ko.








Matapos ang lunch break ay sinamahan niya ako sa room. Ten minutes before the time.

"Salamat, dito alien" sabi ko sabay pakita nung stuff toy na binigay niya.

"Salamat ka diyan, may kapalit yan pati yung kinain mo kanina" Nawala ang mga ngiti ko. Bwisit!!!!

"Walang hiya ka!!!!! Sabi na eh kaya ka siguro nakangiti kanina, bwisit ka!!" tinawanan niya ako ng tinawanan.

"Haha kilala mo ako Nicks, wala ng libre sa panahon ngayon."

"Lumayas ka nga sa harap ko Alien ka" ipinagtatabuyan ko ito palayo.

Walang pinagbago tss.

Natanggal ang sumbrero niya.
Oh shit!!!!!








Tumingin ako sa paligid, parang hindi sila makapaniwala na nandito si Stephen sa school.

"Ummmmm. Alien umalis ka sa tabi ko" sabi ko sa kanya.

Ngumiti nanaman siya na parang may iniisip.

"Ah ano sige papasok na ako ha" unti unti akong umatras ng hatakin niya ako.

Dinumog siya ng mga estudyante at alam niyo ang malala akO ang ginawa niyang sangga.

Saklap lang dahil na lukot na ang uniform ko.

Mga walang hiya.

"TEKA LANG!!!!!" natigilan sila sa pagsigaw ko.

"Pwede bang tigilan niyo na muna si Stephen, Pagod siya,pumunta lang siya dito para bisitahin ang kapatid niya, hindi kayo naka schedule para sa kanya kaya kung maari lang pumunta nalang kayo sa mall tour niya"

Sinamaan nila ako ng tingin. Hindi ko sila inatrasan.

"Oops sorry huh, nagalit na po siya, punta nalang po kayo sa mall tour namin" sabi nito.

Maraming nanghinayang at bago sila umalis ay napatingin sila sa akin.

Hinarap ko si alien.

"May balak ka bang patayin ako?"

"OA naman nito, dahil diyan bayad kana" ang kapal talaga ng mukha niya.

"Sobra sobra yon kaya ikaw ang may utang sa akin" tinalikuran ko na siya bwisit siya.

Pumunta ako sa pwesto ko. Ang cute talaga ni Stitch(tama ba spelling? ) hehe.

"Unnie!!!!, awww ang cute kanino galing iyan?" tanong niya. Saan kaya galing ang babaeng ito.

"Sa kuya mo" sagot ko.

"Ah.. kay ku-. ANO KAMO KAY KUYA"

"Ayyy putek naman Shane ang lakas ng boses mo"

Umupo siya sa harap ko.

"Pero seryoso, si kuya nagbigay niyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngiting tumango tango ako. Hindi parin makapaniwala.

"Paano? Bakit? Akala ko ba?" Haha nakakatawa naman tong batang to.

"Next time ikwekwento ko kapag nasa mood ako"

Napangiti siya. Kung may mood lang naman ako. Pasensyahan nalang kung wala haha.

Ang cute talaga.



A/N hello po sana po suportahan niyo po itong story ko. ^_^

Feel free to suggest po.

Short update lang po ngayon.

Nov. 27,2015

Gusto ko lang po mag share hehe
Kinikilig po ako kasi nagka eye to eye contact kami ni crush grabe lang tsaka lang siya bumitaw ng tingin nung nasa tapat na siya ng pader kyaaaa napagalitan man ako ng teacher namin pero wala na akong paki dun ang mahalaga nagkatitigan kami ni long time crush. ^_____________^

That Stupid Annoying Alien(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon