Chapter 18

24 1 0
                                    


Ilang buwan na rin ang dumaan mula noong sinimulan namin ang proyekto. Naipalabas na ang limang episode ng movie na ginagawa namin at natuwa kami sa naging resulta nito.

"Walang shooting bukas kaya mahaba haba ang oras niyong makapagpahinga"

Lahat kami ay natuwa sa sinabi ni Direct.

Ano kayang gagawin ko bukas? Hmn. Hindi ako pwedeng lumabas ng basta basta na mag-isa ko lang hindi ko kakayanin kung sakali mang dumugin ako ng fans ko.

Ibuburo ko nalang ang sarili ko sa condo ko?Lagi ko namang ginagawa yun nakakasawa na rin.

"Manager!" Tawag ko kay Pam. Lumapit siya akin.

"Ano bang pwedeng gawin bukas?" nag-isip siya bago sumagot.

"Lagi ka nalang sa condo mo lumabas ka rin naman paminsanminsan" suggest niya.

"Ng mag-isa? Tingin mo kakayanin ko kaya,paano kung dumugin ako ng fans?"

"Mag disguise ka teh"

Nag-okay sigh ako. Oo nga bakit hindi ko naisip yun.

_______

"Okay na to hindi na nila ako mamumukhaan"
tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Gumamit ako ng wig na hanggang balikat ko. I also put a fake mole on my right cheek na bumagay naman sa ayos ko.

Ni-double check ko ang dala ko kung may naiwan ako. Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay lumabas ako ng condo unit ko. Ill test if someone will recognize me then I'm going back to my condo at hindi na lalabas.

Nakarating ako sa parking lot ng walang nakakakilala sa akin. Success ang make-up transformation ko.

Dito sa Mall ko naisipaang gumala. Matagal tagal na rin kasi mula noong huli kong punta dito hindi pa ako sikat noon. Nakaka miss maging ordinaryong tao,hindi ko kailangang mag maskara para makalabas. Malaya akong nakakapunta kung saan ko gusto. Ngayon lahat nalang aalamin nila sa akin I feel like I have no freedom to do what ever I want dahil sa konting pagkakamaling magagawa ko malaking issue iyon.

Bumili ako ng kung anu-ano. Waaahhhh sa wakas ay nararanasan ko na rin ang maghintay sa napakahabang pila. Walang special treatment na nagaganap.

Marami-rami na rin akong napamili. I thinks it's enough gutom na ako,saan kaya pwedeng kumain.

Ni-text ko si Pam para humingi ng suggestion kung saan masarap ang mga isiniserve na pagkain.

May nabunggo akong babae. I admit it was my fault kaya humingi ako ng tawad. Ang kaso yung kaibigan niyang bakla ay naitulak ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. Napangiwi ako ng tumama ang pwet ko dahilan para masaktan ako.

"Migz!!!" lumaki ang mga mata ng babaeng nakabanggaan ko.

"Natapunan ako ng juice" iritang wika nito.

Tinulungan akong tumayo nung babae. Hinarap ko yung bakla na na tumulak sa akin.

"Nag sorry naman ako diba?" mataray kong sabi. Hindi siya nagpatalo.

"Pwede ba next time tumingin ka sa dinadaanan mo tignan mo natapunan yung damit ko ng juice" reklamo niya.

"Wala akong intensyon na tapunan ka ng juice, and tingin ko hindi lang naman ako ang may kasalanan if you also looking on your way hindi niyo rin ako mabubunggo"

Sinasabi ko lang ang totoo kaya wala siyang karapan na magalit sa akin. Kahit siguro naman malaman nila na ako yung Nichole na napapanood nila sa TV kung alam kong sila ang mali syempre ipagtatanggol ko ang sarili ko.

"Sorry miss, pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko" she sincerely said.

"Huwag ka ngang mag sorry sa kanya Andrea" masungit na wika nung baklang kaibigan niya.

"Migz naman"
Inirapan ako nung Migz. Walang kaso sa akin yun.

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Tinignan ko ang kamay na nakapatong sa balikat ko pataas sa mukha ng taong nakaakbay sa akin.

"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap"
Natameme ako sa mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Stephen ang lalaking umakbay sa akin. Kahit pa naka disguise siya ay alam na alam ko parin.

"Nicks,uy! Natulala ka nanaman" pinitik niya ang noo ko kaya bumalik ako sa realidad.

"Aray naman alien,masakit" reklamo ko. May tumikhim sa bandang likod namin.

Napagasp ang grupong nasa harap ko. Walang masyadong taong nagdadaan sa lugar na ito kaya walang takot na tinanggal ni Bryan ang facemask niya.

"You....." tinuro nung isa sa mga kaibigan nung Migz si Bryan na para bang hindi makapinawala.

Tumingin siya sa mga ito na blanko ang ekspresyon. Nakaramdam ako ng tensyon sa paligid.

"Andrea tara na" nagmamadaling tawag nila.

Nagulat ako sa reaksyong ibinigay nila. Hindi ba dapat silang mamangha na nakakita sila ng isang artista?

"Wai-wait lang teka naman makahila kayo oh,miss sorry talaga"

Hinila siya ng mga kaibigan niya papalayo. Nagbulungan sila at napatingin sila sa gawi namin.

"Ang weird ng reaction nila" sabi ko.

"Kuya!!!" Nanggaling ang sigaw sa direksyon kung saan gumawi ang mga nakabanggaan ko kanina. Nagmadali siya lumapit sa amin.

"Kuya, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Pinangunutan ko sila ng noo.

"Ofcourse I am, why shouldn't I be?"

Umiling lang ang kambal niya.

'
"Hi kuya Stephen, hello there Nichole" bati niya sa amin.

Tinanguan ko siya. Hindi siya plastik talagang ipinapadama niyang ayaw niya sa akin. I dont care about that anyway.

"Gutom na ako, mauuna na ako sa inyo" paalam ko. Hindi ako hinayaang umalis ni alien.

"Gutom na rin ako, tara mag lunch"

"May pupuntahan pa kami ni kuya kayo nalang"

Sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Isinuot ni Bryan ang facemask niya at nag-hood siya para hindi siya mapansin.

Sinundan ko ang cotse. Ni Stephen. I decided to remove my wig and my make-up. After this naman uuwi na ako kaya okay lang na ma expose ang itsura ko.

Tumigil ang sasakyan niya sa...

"Star City?".

Lumabas siya sa cotse niya at kinatok ako. Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan ko.

"Ang sabi ko gutom ako"

Ngumiti lang siya. Inabutan niya ako ng facemask at sunglasses. Inirapan ko siya at tinanggap yung inaabot niya. Isinuot ko ito at lumabas ng sasakyan ko.

"Ready?" Tanong niya. Tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko...

_____
May umabot pa sa part na to???

Please do comment salamat!!!

That Stupid Annoying Alien(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon