"Ang bagal ng oras."
"Ang tagal ng bagong prof!"
"I want to go home naaa!"
Ito ang mga salitang kanina pang binubulong ni Karylle sa sarili. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa kanilang classroom. Hinihintay dumating ang bago nilang professor sa accounting.
"Pag wala pa si prof within 10 seconds, I'm outta here." Muling bulong ni Karylle sa sarili at sinimulan ang pagbibilang.
"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.... Yes! Uwi na koooo!" Biglang sigaw ni Karylle kaya naman lahat ng mga mata ng kaklase ay naka-tingin sa kanya.
"He-he-he! Uhm, sige guys ha. Una na ko!" Sabi ni Karylle sabay dampot ng kanyang gamit.
Kinuha niya ang cellphone para mai-text ang kaibigan nitong si Anne. Sa pagkaka-alala kasi niya ay wala itong klase sa mga oras na ito. Dire-diretsong naglalakad si Karylle palabas ng classroom habang nagtetext.
To Sis Anne:
Where are you? May utang ka pa saking chika!
Sending..."Ano ba yan. Ayaw magsend!" Sabi ni Karylle habang itinataas pa ang cellphone para makasagap ng signal. Palabas na siya ng classroom at nasa tapat na ng pintuan. Naka-taas pa rin ang kanyang kanang kamay habang hawak ang kanyang cellphone, hinihintay na mag-send ang text niya kay Anne.
"Sa wakas! Nag se-- SH%T!!" Bigla kasing may pumasok sa pintuan kaya natamaan ang noo ni Karylle at nalaglag ang hawak nyang cellphone. Napaupo pa ang dalaga sa lakas ng pagkakatama sa kanya ng pintuan.
"Mygod. I'm sorry miss. I'm really sorry." Agad syang dinaluhan ng lalaking nagbukas ng pintuan na naging dahilan ng pagkaka-tumba ng ating bida.
Naka-tingin na sa kanila ang buong klase dahil sa eksenang naganap. Palipat-lipat ang tingin ng mga ito kay Karylle at sa lalaki.
"Kotang kota na ako sa aksidente ngayong araw. Lord, tama na please." Bulong ni Karylle habang hinihimas ang pwet na napalakas ang bagsak kanina.
"Let me help you." Sabi ng lalaki sabay lahad ng kamay kay Karylle.
"Aba dapat lang noh!" Pataray na sabi ni Karylle sa lalaki habang pinapagpagan ang pwet. Tinitingnan din niya kung may galos ang kanyang braso o kung may pasa ba siya sa hita.
Agad namang inabot ni Karylle ang kamay ng lalaki dahil gusto na rin niyang makatayo. Hiyang hiya sya sa kanyang mga kaklase na kanina pang nakatingin sa kanila kaya naman naka-tungo lang ito.
Tumungo din ang binata upang silipin ang mukha ng dalaga at para na din tingnan kung okay lang ba ito.
Karylle's POV
Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan para matumba ng dalawang beses sa isang araw. Kaya eto ang lola nyo, naka-tingin lang sa baba dahil sa kahihiyan. Ie-enjoy ko muna yung magandang view ng mamahaling rubber shoes nitong lalaking shunga na hindi marunong kumatok bago pumasok.
Te.. Teka. Parang pamilyar yung sapatos! Hindi ako pwedeng magkamali!
Agad kong ini-angat ang ulo ko para makumpirma kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Ngunit laking gulat ko nang magtama ang mga labi namin! Narinig ko rin ang pagsinghap ng aking mga kaklase, sign na nagulat sila sa eksena.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang malambot nyang labi. Lasang strawberry! Hindi ko maintindihan pero parang may pwersa talagang humahatak sa akin papunta sa kanya; yung sparks! Hindi ako makagalaw. Para akong na-estatwa sa harapan ni bakla..