Kasalukuyang naglalakad si Ana Karylle tungo sa kanyang classroom na nasa ikalawang palapag ng kanilang building sa Kuyaneo, ang kanyang kasalukuyang paaralan; nang makasalubong niya ang isang magandang mestizang babae na halos lumamon sa kanya.
"K!!! I miss you ng bongga girl! Musta sembreak?" Wika ng babaeng mestiza sabay yakap kanya ng mahigpit.
"Sobra ka Anne Curtis-Smith ha! Kaka-kita lang kaya natin nung isang araw. Pero sige na nga, I miss you too!" Sagot ni Karylle sa kanyang bestfriend habang tumutugon sa yakap nito.
"Excited lang ako girl! Lam mo na, may pasok na ulit. Makikita ko na ulit syaaaaa!" Eksaheradang tili ni Anne. Kaya agad namang napatakip ng tenga si Karylle.
"Jusko Anning, gandang pampagising nyan ngayong 2nd sem ha. Di ko makeri ang golden voice mo!" Natatawang sagot ni Karylle.
"Nako girl, mamaya na ang chika! I'm super duper late na. Gora na 'ko sa building namin ha. Bye!" Wika ni Anne sabay takbo nang matulin.
Hinabol naman sya ni Karylle nang naisip nyang hindi pa nya nasasabi sa kaibigan ang "agenda" nila sa araw na ito.
"Tuloy ba tayo later, Anne?" Wika nang hingal na hingal na si Karylle habang kinakalabit ang kaibigan.
Nagulat naman ang huli kaya napatigil ito sa pagtakbo.
"Kaloka ka girl. Di naman ako informed na ikaw pala si Flash. Bilis mo tumakbo. Oh and btw, diba nga sinabi ko sayo na di na muna ako magba-bar, gigimik and gagala na parang si Dora." Dire-diretsong wika ni Anne sa kaibigan habang tumitingin pa sa kanyang wristwatch.
"Ang KJ mo na Anning! At ano ang dahilan? para dun sa crush mong dean's lister? Loka ka. Maigsi lang ang buhay kaya kailangan enjoy enjoy enjoy. Wag mo muna intindihin yang crush mo. Makakalimutan mo din yan. Remember our motto, You Only Live Once! Yolo nga diba?" Sagot naman ni Karylle sa kaibigan habang winawagayway pa ang dalawang kamay sa ere na ginagawa ang quotation sign.
Inip na inip naman si Anne habang pinakikinggan ang litanya ng kaibigan dahil nga huli na sya sa klase.
"Ah basta, I made up my mind. I'll be studying hard for my self, for my family, and syempre, for Vhong na din. Ihhh! For a change naman, girl! Operation Pag-aaral ng Mabuti para sa Ekonomiya!"
"Hopiang hopia ka na talaga jan kay Vhong noh? Hopelessly devoted to you, ang peg mo eh!" Bitter na wika ni Karylle matapos marinig ang sagot ng kaibigan dahil syempre, mukhang simula sa araw na ito ay hindi na sila makakapag lamyerda ng kanyang bestfriend.
"Maiintindihan mo ako kapag nakahanap ka na ng inspirasyon. Goodluck sa 2nd sem! I wish you luck girl! Sana mahanap mo na si Mr. Right para naman sipagin ka din ng very light like me. Bye mwaaah!" At tumakbo na nga si Anne papunta sa kanyang building dahil huli na sya sa klase.
Hindi magka-klase ang magkaibigan dahil magkaiba sila ng kurso. Si Anne ay kumukuha ng kursong Fashion Designing samantalang Accountancy naman ang kinukuha ng ating bida.
Naiwang nakabusangot si Karylle dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Inspirasyon, tss! Hopeless romantic na talaga yun kay Vhong. Kaya kung ano ano sinasabi. Pati ako dinadamay sa Mr. Right chenes nya." Sabi ni Karylle sa sarili.
Kinuha naman nya ang kanyang cellphone para makapagtext kay Anne dahil nakalimutan nyang mag goodluck sa "Operation Pag-Aaral ng Mabuti para sa Ekonomiya" ng kaibigan. Kahit naman nainis sya ng slight kay Anne dahil di matutuloy ang party nila mamaya, ay suportado pa din naman sya dito dahil nga bestfriend nya ito. Magta-type na sana sya nang nadako ang tingin nya sa oras. Napa-"sh%t" na lang si Karylle nang marealize na huli na nga rin pala sya sa klase. Agad niyang ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone at dali daling tumakbo tungo sa kanyang classroom.