~°Prologue°~

161 16 8
                                    

"Sigurado kang gusto mo to ha?" Sabi sa'kin ni Manang bola.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Sino ba naman kasi ang tatanggi kung PANG-GAYUMA na para kay crush ang i-offer?! Halerr hirap kaya maghanap nu'n dito!

Ngumiti si Manang sa akin saka lumapit sa kanyang glass bowl at inilagay ang main ingredient ng potion: ang tatlong hibla ng buhok ng ultimate crush kong si Jin Sotto, ang bestfriend slash older brother kunwari ko(siya may gustong older brother siya).

Kaya ko 'to ginawa ay dahil crush na crush ko si Jin at desperada akong magustuhan niya rin ako.

Kung ano-ano pa ang mga ingredient na nilagay ni Manang sa glass bowl. Umilaw ito ng iba-ibang kulay saka inilagay ni Manang sa isang maliit na lalagyan.

"That should taste sweet," Paalala ni Manang.
Dali-dali akong umuwi ng bahay at kumain ng mabilis para mainom ko na yung potion.

Pero laking pagtataka ko ng malasahang sobrang pait niya.

Bakit?

Bigla akong kinabahan.
Jusko, bukas na effect neto, paano kung may mali?!

At ayun nga, kinabukasan, kakaiba ang gising ko.
Nasa iba akong kuwarto, nagaaway ang magulang ko at higit sa lahat....

Iba na ang hitsura ko.

Ako si Cola Jay "Cj" Dacillo at ito ang kwento ko.

----------

Comment down on what you think guys. :)
Vote na rin kayo. Please? :3

A Switch Of SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon