-Cj Dacillo's POV-
Habang magkakasama kami nila Clover, sobrang good mood ako.
Alam na rin kasi nila ang plano kong manguha ng tatlong hibla ng buhok ni Jin para sa gayuma."Mahirap kumuha ng tiyempo, Cj." Sabi sa'kin ni Lucy.
"Magdahilan nalang tayo!" Suhestiyon ni Clover sa pagitan ng pakikipag-usap sa boyfriend niya.
"Yes, Honeybunch, sweetheart, baby ko, azawa ckouh, sugarpop i love youuu!""Hmm, ano namang idadahilan natin? 'Uyy Jin! Kukuha lang kami ng tatlong hibla ng buhok mo ah? Kailangan kasi e. Para sa gayuma', ganun ba?" Tanong ko.
Muntik na 'kong batukan ni Lucy.
"Ay gaga ka talaga kahit kailan! Siyempre hindi, tanga!" Aray bestfriend ha?Nagkukwentuhan kami nila Lucy habang naglalakad sa gym dahil hinahanap namin siya. Basketball practice kasi nila ngayon e.
Habang hinahanao ko si Jin ay naiirita na ako.Nakakainis na kasi e! Nasaan ba siya?! Nubanamanamaniyan! -________-
Tumingin ako sa likod habang naglalakad, hoping to find Jin."Hoy miss, tabi!!!"
Nagulat nalang ako ng may biglang tumulak sa'kin.
ARGGGGGHHH!!!!"HOY! HUWAG NGA KAYONG–" Napahinto ako sa pagsasalita ng makita kung sino yung bumangga sa'kin.
Holy shit.
Si Juztine Ciel Monteverde.
Nagdi-dribble ng bola.
Titig na titig sa akin.
Pawis na pawis.
Wet look.
Shit.
Pero HOT pa din siya.
Gaaaaaaaaaah!
"Ano? Magtititigan lang tayo? Sa susunod kasi, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Sabi niya.Okay. Binabawi ko na yung sinabi ki kanina na hot siya.
Hindi siya HOT! Lezhe siya! Napaka-sungit! Akala mo naman gwapo! Well, okay. Gwapo siya pero nakakainis yung ugali niyaaaaa! Raaaaaaawwrr.Umirap lang ako saka nagpatuloy sa paghahanap ko kay Jin. Narinig ko siyang napa-" Tsk." pero wala me pake.
"Ingat ka naman sa susunod, Cj. Magulat nalang kami ni Lucy nakabulagta ka na diyan." Sabi ni Clover.
Napairap ako. Tsss. Wala akong paki sakanila. Ang paki ko lang ay ang forever baby ko–
"ATE UMILAG KAAAAA!"
Gulat na napatingin ako sa sumigaw.
Pero ang huli ko nalang nakita ay isang malaking bolang kulay pula.Oof!
"Cj! Anubayan! Sabi ng mag-ingat ka e!" Narinig kong sabi ni Lucy at inalalayan akong umupo.
Araaaaaaaaaaaaaayyy. Ang sakiiit ng iloooong kooooooo. T-T
Huhuhuhu."Tanga kasi e." Narinig kong may nagsabi.
Bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko at sinugod si Jc."HOY! Magso-sorry lang, hindi mo pa magawa?! Ikaw na nga 'tong nakatama diyan!" Galit na sigaw ko.
Beastmode ako, huwag kayong ano.Nagkibit-balikat lang si Jc.
"Sorry?""ARRRGGGHH!" Sigaw ko.
Muntik ko pa nga siyang makuwelyuhan e. Walangyang 'to.
BINABASA MO ANG
A Switch Of Spirits
Roman pour Adolescents"Masyado kasi akong naging desperada sa pag-ibig kaya ito ang naging resulta."