~°Chapter 4°~

43 11 12
                                    


~°Cj Dacillo's POV°~

Ang gising ko ngayon, kakaiba.
Para bang yung ininom ko kagabi ay hindi nahaluan ng balakubak ng ginulat na gagamba o kaya ay yung kadiring tutuli ni Manang Bola. #Gross.

Kinusot ko yung mata ko saglit saka ako dumilat.

Nanlaki yung mata ko ng mapansing iba yung hitsura ng kuwarto ko. Teka, anong nangyayari dito sa kuwarto ko at nagbago yata ang hitsura?!
Napatingin ako sa damit ko.

V-neck at pantalon?!?
Inangat ko ang damit ko at nakakita ako ng oh-so-yummylicious six-pack abs.

Anak ng pokèmon?! Anong kalokohan 'to?! B-bakit ganito ang katawan ko?! Inangat ko rin ang pantalon ko at nakakita ng malagong buhok sa binti.
Nagsimula na akong kabahan. Sht.

Nagiging werewolf na ba akoooo?!

Kumaripas ako ng takbo patungo sa pinakamalapit na salamin na naroon sa kakaibang kuwarto ko.
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" Sigaw ko sabay karipas ng takbo pabalik sa kama.

Calm down Cola Jay. Panaginip lang 'to. You are not the person you saw in the mirror awhile ago. No. Yes. No. No. Yes. Yes. No. Yes. NES.

Biglang bumukas ang pinto kaya naman napaayos ako ng upo.
Isang babaeng nasa mid-40's na ang bumungad.
"Anak, what's wrong? I heard you screaming while I was cooking. Anong problema?" Alalang tanong niya.

Umiling lang ako.
"Wala po,"

"You sure, anak?" Panuniguro nito.
Pagtango ko sakanyang tanong ay umalis na siya at isinara yung pinto.

Sobra na talaga akong kinakabahan.
Ibang boses na kasi yung narinig ko nung sumigaw ako. At kilalang-kilala ko kung kaninong boses yung narinig ko.

~°~°'°~°~°~°~°~°~°'°~°

~°Jc Monteverde's POV°~

What the fucking fuck happened to my body?! A-anong kalokohan 'to?! Bakit nagkaganito ang katawan kooo?!

Bakit nagka-boobs ako?! Asan na yung pinaghirapan kong ABS?! At bakit parang medyo chubby 'tong katawan koooooo?!?

Kumaripas ako ng takbo papunta sa salamin.
"WHAT THE EFF?!? HINDI AKO 'TO!! WAAAAAAAAAHHH!!" Sigaw ko, bumalik sa kama at umupo.
Napahawak ako sa mukha ko tapos sa buhok kong medyo lagpas ng onti sa balikat.

*Knock. Knock. Knock*

"Pasok!" Sabi ko.
Bumukas yung pinto at may bumungad na babae.

"Anak what's wrong?" Naga-alalang tanong niya.

"Uh, everything's fine." Sabi ko. Tumalikod naman siya agad at dahan-dahang isinara ang pinto.

Lagot talaga siya sa ginawa niya at naging ganito ako.
Pero para kumalma ako, tinignan ko yung katawan ko.
Hindi gaanong katabaan at hindi rin naman payat. May konting curves at may flat na tiyan. Humarap ulit ako sa salamin.
Malinis at simpleng mukha na may maliit na nunal sa gilid ng kaliwang mata. Maliit at matangos na ilong. Ngumiti ako. Simple lang. Pero nakakahawang ngiti.

Ibang klase rin pala 'tong babaeng 'to.

Ng bigla akong makaramdan ng tawag ng kalikasan. Naiihi na'ko!

Maderpacker, paano ako iihi?!

~°~°~°~°~°~°~°

A Switch Of SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon