~°Chapter 5°~

44 7 1
                                    

~CJ Dacillo's POV~

Kasal?!

"Manang, s-seryoso po ba kayo diyan? E hindi pa po kami pwede, s-seventeen palang po ako." Nauutal na sagot ko.

Si Jc naman, na-estatwa na 'yata. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Manang.
"Hoy, unggoy! Na-estatwa ka na riyan." Tawag ni Manang kay Jc.

Napahilamos ng mukha si Jc.
"Wala na ba talagang ibang paraan?"

"Sa ngayon, 'yan lang ang choice niyo. Either magpakasal kayo or titiisin niyo muna. Baka kasi yung iba ko pang ibigay na choice, e, mas mahirap kesa dito."

Magpapakasal ako dito sa Juztine Ciel Monteverde na 'to?! At magiging Mrs. Monteverde ako?! Oh my!

"Kailangan talaga, kasal sa altar?" Tanong ko.

"Hindi, hangga't maari, kasal-kasalan lang." Sagot ni Manang.

"Pag-iisipan pa namin, Manang. Sige," Sabi ni Jc at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

'Teka, Jc—" Naputol yung sinasabi ko dahil nahilo ako bigla. Sobrang nahihilo ako. Napatingin ako kay Jc at napahinto rin siya sa paglalakad. Humigpit na rin yung hawak niya sa braso ko.

Hanggang sa bumagsak na siya. Bigla nalang din akong bumagsak sa lapag. Ang huli ko nalang narinig ay ang pagtawag ni Manang sa pangalan naming pareho bago nagdilim sa 'kin ang lahat.





Nung nagising ako, nasa clinic na kami.

Napatingin ako sa damit ko.
Nakapalda na pala ako.

Nakapalda na ako!!! ANG SAYA!!!

Nung paglingon ko, sakto yung mukha ko na malapit na malapit sa mukha ni Jc. Bigla siyang dumilat kaya naman nagkatitigan kami. Ng. Matagal.

"J-jc—"

"Lumayo ka sa mukha kooo!!!" Sigaw niya sabay tulak sa 'kun kaya naman nalaglag ako sa kama.

"Aray ko! Bakit mo ba ako tinulak ah!?" Sigaw ko.

"Tanga ka ba? Baka kasi nagbabalak ka na halikan ako!" Sigaw niya rin.

Bigla akong namula sa sinabi niya.
"H-hoy! Hindi kita hahalikan noh! Unggoy ka talaga!" Sabi ko at tumayo na.

"Teka, nakapalda ka na? A-at katawan mo na mismk yung kaharap ko.. so.. ibig sabihin.." Tumayo siya at tinignan yung yung sarili niya.

"Bumalik na tayo sa normal! Woo! Ang saya!" Sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa 'kin habang paulit-ulit na sinasabi yung sinabi niya.

Namula nanaman ako bigla.
-//////_____//////-

"T-teka! Huwag mo 'kong yakapin!" Sigaw ko at pilit na inaalis ang sarili ko sa pagkakayakap niya.

Bumelat naman siya.
"Ayaw mo noh? Kinikilig ka kasi e!" Sabi niya kasabay ng malakas na paghagalpak ng tawa.

"A-ano? Hoy! Kahit kailan talaga, ang kapal ng mukha mo! Bwisit ka!" Asar na sabi ko at umaktong bubuksan na yung pinto.

"Hep, hep, hep! Aalis ka? Iiwan mo ako dito? Ayos ka rin ano?" Nakangising sabi niya.

"Huh? Ang arte mo! Bulag ka ba? Pilay ka ba? Para namang wala siyang paa! Kailangan pang samahan!" Asar ko sakanya.

Lumapit siya ng lumapit sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa pader, saka naman niya iniharang ang kamay niya sa gilid ko.

A Switch Of SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon