~°Chapter 6°~

44 4 4
                                    

*Intro ng Fallin' for You - Colbie Caillat*

~°Cj Dacillo's POV°~

[Kinabukasan]

Nagulat ako nung habang nag-aayos ako ng buhok ay tinawag ako ng mudrakels ko.
"Anak! Bilisan mong mag-ayos riyan at naririto na yung kaklase mo!"

Kinuha ko na yung bag ko.
At sino naman ang tinutukoy ni mama na kaklase ko? Kung sina Clover man 'yon, sasabihin naman niya. Oh, waait! Baka si Jin-myloves na pala yuuuuun! Eeeeehh, ermegesh, kailangan, maganda ako sa paningin ng bebeloves ko! :3

Nagulat ako sa bumungad sa 'kin pagbaba ko.

Nagtatawanan lang naman ang mudrakels ko at ang hayup na kupal na si Juztine Ciel Monteverde! Ang FC ni Kups noh? Tsk, tsk, tsk.

"Mama, umalis na ba si papa?" Tanong ko kay mama sabay sulyap kay Jc and gave him a what-the-ever-loving-hell-are-you-doing-here?!-look. Ngumisi lang ang loko.

"Kanina pa. Sige na, gora na kayo ng kaibigan mo dahil anong oras na o." Sabi ni mama.

May kung ano nanaman akong naramdaman sa tiyan ko. Lintek, bakit ba nandito si Jc?! Bakit niya pa ako sinundo?! Whyy, whyyy, whyyyy delilaaaaaaaaah?!

"Tara na Cj," Nakangiting sabi niya. Nakah, ang plastik ng lokooo. Gaaah!

"Bye 'Ma! Alis na kami!" Sabi ko, humalik sa pisngi ni Mama at lumabas na ng bahay.

"Hoy! Ano nanamang kaplastikan 'yang—" Hindi ko natuloy yung sinasabi ko dahil nagulat nalang ako ng alalayan ako ni Jc na ikinapula ko ng bonggacious.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo. Muntik ka ng matapilok o." Sabi ni Jc.

Sobrang naguhuluhan ako ng pumasok ako sa loob ng kotse(siyempre, hindi ka naman makakapasok sa labas ng kotse e. Galing mo naman kapag ganun beh).
Sa totoo lang, gusto kong kiligin dahil sa ginagawa ni Jc! Pero anak ng impokrita, ang plastik niya kasi e! Supeeeeer!

Pero bakit niya ba 'to ginagawa? Para saan? Seryoso kaya siya? Pero teka ngaaa!
Liligawan niya ako agad, e Chapter 6 pa nga lang 'tong kwento ko?! Ano 'to, nanggu-goodtime lang siya?! Nantitrip?!

O kasalanan ng mapagtrip at tamad niyong author?! Argghh.

Tumabi si Jc sa 'kin.
"Sige, alis na tayo." Sabi ni Jc 'dun sa driver niya.

Na-o-awkward ako. Naguguluhan kasi talaga ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi o ano e.
Nakayuko lang ako.
"Jc, bakit mo ba ginagawa 'to? I-i mean, kasi bigla ka nalang naging ganito. A-ang sweet mo sa'kin tapos, ewan, basta! Bakit nga ba? Nililigawan mo ba 'ko?" Punung-puno ng emosyong tanong ko sabay tingin sakanya.

Hayun, ang hayup naka-earphones at nakatingin sa malayo. Saya nuh?

Anak ng [£^¢\£=¥™©™~}Π*#-%+#(!!!!! Awatin niyo 'ko! Ihahagis ko talaga 'tong lalaking 'to! Ibibigay ko 'to sa NASA para naman mabigyan ako ng Nobel prize dahil naka-discover ako ng bagong specie ng alien galing Mars! Pigilan niyo talaga ako! RAAAAAAAWWRR. ( ≧Д≦)

Hindi pala siya nakikinig! Nagkanda-buhul-buhol pa man din ako!
Hinampas ko siya sa braso na ikinagulat ng impakto.
"Whoy! Bakit mo ba ako sinundo?! Tinopak ka ba ha?! Tsaka bakit close agad kayo ni Mama?! Anong ginawa mo sa nanay ko?! Magsabi ka ng totoo!" Sabi ko sakanya.

Hinimas niya ang braso niya saka tinanggal yung earphones niya.
"What the hell did you say?!" Sigaw rin niya.

"Ang plastik mo kay mama, alam mo 'yon?! Tsaka ano bang meron ha?! Bakit mo ba ako sinundo?!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero wala me pake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Switch Of SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon