Chapter 9: The Cussing Machine

76.8K 1.7K 152
                                    

Where am I? Bakit ang puti ng paligid ko? Nasa langit naba ako? No hindi pwede to, kailangan pa ako ng mga anak ko... Pero ano naman kaya ang ikinamatay ko? The last time I remember before I lost conciousness, nakita ako ni J kasama ang mga anak ko.. Shit!!! nakita ako ni J kasama ang mga anak ko..NO NO NO panaginip lang yun lahat, oo panaginip lang yun lahat...Hindi hindi pwedeng mangyari yun, hindi pa ako handa... No hindi *iling* hindi yun nangyari...

And then I open my eyes, bat nasa kwarto ko na ako? Paano ako nakarating dito? Inilibot ko yung paningin ko sa palagid, sigurado akong silid ko to, pero paanong? Diba panaginip lang naman lahat ng yun...

"TJ? CJ? MJ? Munchkins where are you?" tawag ko sa mga anak ko

Ngunit walang sumagot kahit isa sa mga anak ko, bigla akong kinabahan baka kung ano ng nangyari sa kanila... Pagtingin ko sa relo na nasa gilid ng kama ko, pasado ala una na pala ng hapon... Dali- dali akong bumangon at nagbihis ng pambahay, nakakain na kaya sila? Kawawa naman ang mga anak ko

Habang naglalakad ako sa hallway, narinig kung nagsalita ang anak ko... Di ko alam kung sino sa tatlo kasi pare-pareha lang naman sila ng boses..

"Tito? "

Sinong Tito? Nandito ba sina Alex at Han sa bahay? Ang aga naman yata?

"Tito mali po ba ang answer ko?"

Huh?! bat parang umiiyak yung anak ko? Naglalaro ba sila?

Nang pababa na ako ng hagdan nasagot lahat ng mga katanungan ko... SHIT!!! Hindi nga talaga ako nananaginip.. Totoo pala lahat yung nangyari kanina... Biglang bumalik sa akin ang mgas nangyari kanina waaaaaahh nakakahiya nahimatay ako ng walang dahilan!!

Pagtingin ko sa taong naka-upo sa carpet habang pinapalibutan ng mga anak ko, bigla akong nagtaka..bakit umiiyak si J? Alam na kaya niya ang totoo? Pero imposible naman yun, sino namang magsasabi sa kanya, imposible din namang si Alex lalo na si Merry eh nasa Canada pa yun... sila lang dalawa ang nakaka-alam ng totoo... Kaya bat nag- iiyakan sila? At bakit tito ang tawag sa kanya ng mga anak ko?

Argh nahihilo na ako sa dami ng tanong na bumabagabag sa isip ko... I have no choice, I have to face this, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa kapakanan ng mga anak ko... Alam kung darating ang araw na ito, pero bakit ang bilis naman yata masyado...

"Tristan?" tawag ko sa pansin niya

Umangat ang tingin niya sa sa akin at ng magtagpo ang mga mata namin... Mas malinaw pa kesa sa sikat ng araw ang mga emosyong nababasa ko sa mga mata niya pinaghalong galit at kasiyahan... Ano bang nangyari dito habang wala akong malay?

"Mama tito is crying and we don't know why" sumbong sa akin TJ na sumisinghot-singhot pa

"Mommy waaaaahhh" iyak ni CJ sabay takbo at yumakap sa bewang ko

"Mimi!!! Bad po ako, I made tito cry waaahh!!" palahaw na iyak ni MJ at gaya ng ginawa ni CJ ay yumakap din sakin...

Hindi ko maialis ang tingin ko kay J, kahit na hilam sa luha ang mga mata niya makikita mo parin kung gaano siya kasaya sa mga oras nato, but aside from that happiness I can see anger at feeling ko para sa akin yun, galit siya sa akin.. Ano bang nagawa kung mali?

The Triplets Father (EDITING ON GOING)( C O M P L E T E D )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon