Prologue

95.4K 2.2K 212
                                    


Nagsimula tayo sa Arrange Marriage

Araw-araw para tayong aso't pusa, pusa't daga

Hanggang sa unti-unti naging espesyal kang parte ng buhay ko

Nagturingan tayo bilang matalik na magkaibigan.

Hanggang sa nagtapat ka ng nararamdaman mo

Yun na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko

Isinuko ko ang sarili ko sayo ng buo.

My Body, Heart, and even my Soul

Naging perpekto kang asawa sa akin, we've became an ideal man and wife.

Pinaramdam mo sa akin, na ako lang ang babaeng nagpapatibok ng puso mo.

Wala na akong ibang mahihiling pa, kuntento na ako sa piling mo.

Ngunit lahat ng iyun ay naglaho na parang bula.

Bumalik ang unang babaeng minahal mo.

Naging malamig ang pakikitungo mo sa akin.

Nag-iba ka, ngunit tiniis ko, alang-alang sa anghel na nasa sinapupunan ko.

Sa araw ng anibersaryo natin, ang araw ding na-isipan kung magpaka martyr.

Nais ko na sanang ipaalam sayo ang pagbubuntis ko, gusto kitang surpresahin.

Ngunit ako pala ang nasurpresa mo.

Isang papel, na siyang nagwasak sa kunting pag-asang meron ako.

Papel na siyang nagpapatunay na wala na talaga akong halaga sayo.

Kaya akoy magpapakalayo.

Ililigtas ang munting piraso ng puso kung winasak mo

At bubuhaying mag-isa ang anghel na nasa sinapupunan ko.

Hanggang sa muli, mahal ko.

The Triplets Father (EDITING ON GOING)( C O M P L E T E D )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon