Finale

62.2K 1.1K 119
                                    

Months have passed since nung kasal namin ni J. Kakalipat lang rin namin ng bahay ay hindi pala to bahay Mansion pala, ang laki kasi eh...mas malaki pa sa mansion namin ni J sa Canada..

Ang gusto sana ni J na umuwi kami sa Canada at doon manirahan, wala naman akong problema dun... Pero wala siyang nagawa ng tumanggi ang tatlo, ayaw raw nila doon manirahan hindi raw nila trip ang klima roon, dun kasi sila nagbakasyon nung honeymoon namin ni J.

Tsaka isang buwan matapos ang surprise wedding namin, ikinasal din ang dalawang baliw. Grabe ang effort na ginawa ni Han para sa kasal nila ni Alex.. Eto kasing si bruha ang gusto Winter Wonderland Themed ang kasal nila, ang akala ko sa Canada sila ikakasal kasi winter pa nung time na yun, but to my surprise ang gusto ng bruha dito sa pilipinas ganapin..

Buti nalang talaga mayaman ang napangasawa niya at very UNDERstanding katulad ng asawa ko hahahahaha syempre joke lang yung sa part ni J...

Kaya ayun nagmukhang winter ang loob at labas ng simbahan, kaya lahat ng dumalo naka-suot ng fur coat sino ba namang hindi giginawin kung dose- dosenang high powered cooler ang ipalibot sa bawat sulok ng simbahan, at may synthetic snow flakes pa talaga... Kaya ang mga anak ko, hayun reklamo to the max hahaha ewan ko ba sa kanila ba't hate na hate nila ang snow, weird...

And in the night of March 31, my best friend delivered a bouncing baby girl and they named it Aliah Lessandra Mendez- Montefalco.. Totoo nga ang sinabi ni besh, baby diyosa nga talaga ang anak niya. Kasi kahit maliit palang makikita mo na may angking kagandahan ang bata, at siguradong maraming maghahabol sa kanya. Pero sorry nalang ang future manliligaw ni baby Lele, kasi yung loka- loka niyang nanay ay ipinagkasundo na siya sa baby TJ ko...

I can still remember TJ's reaction nung sabihin naming nanganak na ang Tita Ninang niya... Para siyang tinuklaw ng ahas at kung makakapit sa tatay niya wagas hahaha.. ayaw pa sana niyang sumama sa hospital kung hindi pa namin siya pinilit. He thought kasi na ikakasal na sila ng anak ni besh kapagka nagkita sila hahaha lumalabas parin pala ang pagiging isip bata ng anak ko paminsan- minsan..

Now kabuwanan ko na, medyo malaki nga ang tiyan ko kesa sa tiyan ni besh, at dahil matigas ang ulo ko hindi ako nagpa- ultrasound para malaman kung ilan yung bata na nasa sinapupunan ko... Sana naman isa lang to..

" Are you okay?" Tanong ni J sa akin at umupo sa kaharap na silya dito sa garden kung saan ako nagkakape..

" Oo, bakit mo natanong?" ako

" Kabuwanan mo na ngayon love, you shouldn't go on your own in this time" J

" Ang OA mo naman, hindi pa lalabas si Baby wag masyadong excited daddy" ako

A smile crept from his lips, ang gwapo talaga ng asawa ko...

" I'm just excited love" J

Di ko siya masisisi, wala siya rito nung pinagbubuntis ko yung mga panganay namin kaya ngayon kuntodo alaga siya... Keber nung nag seven months si baby sa tiyan ko, nag indefinite leave siya sa kompanya niya.

Kaya ngayon si Daddy at Daddy John muna ang humahawak sa boung empire, tsk pwede naman sanang ngayon nalang siya mag- leave. O well mas mabuti naring nandito siya, siya kasi pinaglilihian ko. Hindi ko lang siya makita nuon kahit isang minuto, nawawala na agad ako sa mood tapos pag andiyan naman siya palagi ko siyang inaaway, physically and emotionally... Ang sarap sarap kasi talagang kagatin yung braso tsaka tenga niya nakakagigil, buti nalang hindi niya ako masyadong pinapatulan, the beauty of being pregnant.. spoiled ka sa asawa mo hahaha..

Lumapit si J sa kina-uupuan ko at lumuhod sa harap ko, kaya ngayon face to face sila ng very preggy tummy ko. Hinaplos niya yung tiyan ko, and as usuall nagpasikat agad si baby sa tiyan at sinipa ang kamay ng Daddy niya...

The Triplets Father (EDITING ON GOING)( C O M P L E T E D )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon