CasperMan??

23 1 1
                                    

Kate's POV

Ang takaw naman nitong si Anne. Ngayun yung letche plan naman yung puntirya.

"Ay grabe Kate, may lalaki akong kasabay kumuha ng letchen plan kanina"
Sabay kwento nya pagkabalik sa table namin.

"Oh? Tapos?"

"Ayun, kinuha ba naman yung letchen plan na kukunin ko. Kaya ayun tinignan ko sya ng masama sabi ko akin yan! Tapos sagot nya na. Sa pagkakaalam ko para sa lahat ang pagkain dito!"
Kwento nya sabay subo ng letche plan.

"Uhmn.. tama naman sya~" sagot ko.

"Oo, ayun na tayu pero, pero kinuha ko yun para sa akin hindi para sa kanya!"
Badtrip lang? Haha..

"Eh? Sino ba yung lalaki na yun?"

Bigla nyang tinuro yung lalaking nakatayo at may kausap na mga babae.

"Tignan mo oohh~ akala mo gwapo payatot naman"
Inis na sabi ni Anne.

"Uhmn.. may itsura naman sya"patango tango kong sabi habang tinitignan nya na nakikipag usap padin.

"Ay grabe~ kailangan mo ba ng salamin? Ayan gwapo?"
Di makapaniwalang tanong ni Anne.

Napalakas nga ata yung boses nya at napatinggin yung lalaki na sinasabi nya sa amin. Nagulat ako ng bigla syang ngumiti at kinausap ulit yung mga babaeng kausap nya.

"Haayy~ feeling gwapo! Hmp!"
Sabay kain ulit ng letche plan nya.

Hahaha.. pumunta lang ata to si Anne para kumain.

"Senpai!"

Pag tinggin ko si Andrei pala. Member ng Taekwondo Club.

"Andrei! Gwapo naten ngayun aahh! Hahaha"

Ang cute nya sa White coat nya.
Impernes. Haha

"Ngayun lang ba?" Sabay hawi ng buhok

"Oo, ngayun ko lang napansin gwapo ka pala! Hahaha"

"Ang sama naman nun! Madami kayang nagkakagusto sa mukang ito tsk!" Sabay pa killer smile.

Well~ madami nga naman talaga nagkakagusto sa kanya. Pero di ko sya type. Para ko syang little Bro.

"Nga pala, pede ba kitang isayaw? kanina ka pa ata nakaupo dyan, di pa kita nakikitang sumayaw sayang yung ayos mo"

"Naku~ Andrei. Mabuti pa si Anne nalang isayaw mo!"

"Huh?" Gulat na tanong ni Anne

"Te-teka? Bakit ako?"

"Sige na~ para matigil yan pagkain mo kanina ka pa kumakain. Ok lang naman ako dito."

Biglang napatinggin si Andrei kay Anne.

"Pwede ba Ms. Anne?"

Napatinggin si Anne sa kamay ni Andrei na nag aabang.

"Hayss~ di ako marunong sumayaw aahh!"

Binigay nadin ni Anne ang kamay nya at naglakad nadin sila papuntang dance floor.

Naiwan naman akong mag isa sa table namin. Naglaro nalang ako ng Zombie tsunami para di ako ma feeling boring.

Nakakaasar naman eh! Kailangan ko maka 30 zombie na magkakasama eh ang daming Bomb pano ko mabubuong 30 to?? Tapos pag tatalon lagi nalang may naiiwan na iba tapos malaglag hayyss..

Bakit ba lagi nalang ang daming humahadlang? Hindi ba pede na hayaan naman nila na magkakasama na tuluyan yung mga Zombies ko?

at bakit ba kase simpleng talon lang may naiiwan padin? Pano sila magkakasama lahat kung sa simpleng pagtawid palang eh nag gigive na yung iba?

Poser is me!???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon