Hi Casper. :)

11 0 0
                                    

IKAW??????

T-teka? Si Louis sya ng basketball team. Ayun yung pagkakaalam ko.

"Ah-eh.."  kamot nyang sabi na parang hindi mapakali

Nag cross arm ako sa kanya
"So ngayun ah eh.. nalang kaya mong sabihin. Ang lakas lakas mo naman makapang creepy sa text at chat hm?''

"Ahh! Ito naman. Hehe!"
Bakit ba hindi sya mapakali?

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah! Wala, ito naman! Tara dito tayo oohh!"

Umupo muna kami dalawa, ramdam ko pa din yung pagiging uneasy nya kaya parang na awkward nadin ako.

"Pasensya na huh! Ahmmn.. hindi ko expect na ganito pala mangyayari"

"Uhm? Bakit? napapansin ko yung pagiging uneasy mo aahh.. may problema ba?"

Bigla nanlaki yung mata nya pero tumingin nadin sya sa iba.tapos inayos nya ang upo nya.

"Uhmn.. ehem! Ano hahaha.. wala ang ganda mo kase ngayun kaya (lumingon sya sa akin mukang kalmado na sya ng konti) ah mali araw araw ka pala maganda, mas lalo ka lang gumanda ngayun"

Napatinggin tuloy ako sa iba, feeling ko namumula yung muka ko.

"Naku! Bolero ka talaga!" Awkward na sabi ko.. paglingon ko sa kanya nakangiti sya na mapang asar.

"Ano naman ngiti na yan?"

"Nakita ko namula yun muka mo hahaha!" Tinuro nya pa yung muka ko kaya binaba ko yung kamay nya.

"Ano ka ba! Akala mo lang yun. Yu-yung ilaw yun nagrereflect sa muka ko. Oo tama yung ilaw" sabi ko habang tumitinggin sa iba.

"Talaga? Hahaha.. eh sa pagkalaalam ko dilaw yung mga ilaw dito eh!"

Nanlaki yung mata ko..

"ANONG PURO DILAW?? TIGNAN MO!"
Pagturo ko sa paligid..


Sh*t


Puro dilaw nga ilaw dito.. aixt. Anu ba!

"Ok lang yan! Hahaha"

Ok sige na napahiya na ako!
Tinatawanan nya tuloy ako. Haysss.. nakakaasar amp.



Halos hindi nanamin napansin yung oras, puro tawanan lang kami dito ni Louis. Naging komportable kaming dalawa sa isat isa..

"Hahahahaha! Ewan ko sayo niloloko mo na ako eh!"

"Anong niloloko? Hahaha.. totoo nga kase! Hahahaha"

Sumakit na tyan ko kakatawa sa kanya. Nagkwento kase sya tungkol sa mga kalokohan sa basketball team.

Madalas daw silang humugot pag sa praktis nila.

Mas lalo na daw pag my mga nabasted o kaya na broken hearted.

"Teka? Gutom ka na ba? mag dadalawang oras nadin pala tayo dito!"

"Huh? oo nga.. di ko napansin yung oras tara na!"

bumalik na kami sa loob ng event hall, pagkapasok na pagkapasok naman namin sumalubong yung ibang membro ng basketball team na parang nagulat pa yung iba.

"Bro! Naks lakas mo talaga!"
Bati nung isang kasamahan nya. Nakipag apir nalang sya sa iba.

"Ah! Nga pala si Kate, uhmn.. mga unggoy nga pala, iba't ibang uri nga lang. Saka mga indangered na din mga yan"

Poser is me!???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon