Lorry•Josh•?

23 2 0
                                    

LORRY'S POV

Ang sweet naman ni Henry, sya na talaga si Mr.Effort ..

"Ehem~ Ano ba iniisip mo? Magkasayaw nga tayo pero kala Henry and Denise ka nakatinggin.. gusto mo bang ipapatay ko din ang ilaw tapos sasayaw at kakanta ako para sayo?"

-___- Well~ ito magkasayaw padin kami ni Josh.. sakit na nga ng paa ko iihh..

"Naku josh~ wag na baka mamaya mag si alisan yung mga tao pagkumanta ka"

Poker face kong sabi..

"Grabe ka naman, di ka manlang nangamba na agawin nila ako sayo~" pa cute na sabi Josh..

"Ay! Ibibigay pa kita sa kanila!"
Natahimik bigla si Josh, tumingin nalang ulit ako kala Denise at Henry tinggin ko naggiging ok na sila aahh.. nakingiti silang dalawa habang sumasayaw at nag-uusap. Hanga din ako kay Henry Never give up ang peg.

"Lorry" bigla akong napatinggin kay Josh, nakatinggin sya ng seryoso sa akin na parang ang dami nyang gustong sabihin.

"Uhmn.. Lorry gusto ko lang malaman~

May pag-asa ba ako sayo?"

Nagulat ako sa tanong nya. Seryoso ba tong lalaking to at tinatanong ako ng ganito?

"Ano naman pumasok dyan sa kokote mo at tinatanong mo ako nyan?"

Bigla syang tumigil sa pagsayaw at seryoso syang nakatinggin sa akin.

"Lorry... seryoso gusto ko talagang malaman"

Ano bang nangyayari sa kanya?.di ako sanay na ganyan sya tumitig. Pero hindi pede may girlfriend sya at ako? May~

Bigla akong napayuko nung inisip ko kung akin parin ba sya?

O kahit kelan naging akin ba sya??

"Lorry?"

Napatinggin nalang ako ulit kay Josh na naghihintay sa sagot ko. Di ako agad makapagsalita, ayoko ng ganito.

"Josh, ano ka ba hindi pede alam mo yun. Taken kang tao at hindi ko minsan naisip na manira ng ibang relasyon"

tumalikod na ako agad at lumayo kay Josh pero bigla ko syang narinig na nagsalita.

"Hindi ko na nga alam kung kanino padin ba ako Taken eh!

Sa kanya pa din ba na parang wala ng kulay yung kami

o

sayo na nagkukumpleto ng araw ko?"

Humarap ulit ako sa kanya, kahit na nasa kalagitnaan kami ng mga nagsasayaw wala na akong paki-elam.

"Gusto mo ba talaga marinig yung sagot ko sa tanong mo?

Pwes, wala. Wala kang pag-asa at kahit kelan hindi ka magkakaroon ng pag asa sa puso ko"

Pagkatapos ko sabihin yun lumabas na muna ako para mag pahangin. Mabuti nalang madaming ilaw na nakalagay dito, umupo nlang muna ako sa my gilid ng fountain. Tinanggal ko yung sandals ko sandali at
Kinuha ko yung phone ko sa secret pocket sa gown ko. Nirequest ko talaga kay Ate Monique na lagyan to ng Secret pocket at buti nalang at nadiskartehan nya..

Nag scroll ako mg picture naming dalawa, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti tuwing naalala ko yung mga araw na sobrang saya namin.

May picture kami na parehas kumakain ng favorite naming Sisig. Mga bonding time namin pati pag jogging sa favorite park namin.

Paglipat ko pa ng isang picture, ito yung pinaka favorite ko sa lahat.

Ito yung araw na pinapanuod namin yung Sunset, nakasandal ako sa kanya at naka akbay sya sa akin. Sa picture makikita mo na parehas kaming nakatinggin sa isa't isa.

Masaya at kontento

Naalala ko pa nun ang sabi nya.
Kaya gusto nya na kasama ako manuod ng Sunset kase, gusto nya na bago matapos ang araw ako padin yung huling babae na makikita nya.

Sabi ko naman.

Bakit sa sunset lang? Ayaw mo ba ako makita pag Sunrise?

Sabi nya: Hintayin ko daw yung panahon na magiging maayos ang lahat, babalik sya at hindi lang every Sunset o sunrise kundi Araw-araw na.

Napatulo yung luha ko ng naalala ko yung mga oras na yun, napayakap ako sa kanya agad ng mahigpit.

Ayoko syang mawala.

Pero kailangan ko muna sya pakawalan.

Malungkot man pero para sa ikabubuti nya at sana para sa kinabukasan na pinapangarap namin.

At hanggang ngayon hinihintay ko padin sya.

"Uy! Ano? Kamusta? Ok ka na ba huh? Mukang nakakalimot ka na huh! Pero wag kang mag alala, kase hanggang ngayun hinihintay padin kita"

Oo! Baliw na siguro ako ngayun kase kinakausap ko tong picture namin. pero ano bang magagawa ko? Dito ko lang naman sya nakakausap.

Simula ng umalis sya, sa facebook, skype, kakaotalk na.kami laging nag-uusap. Pero after ng ilang buwan bihira na kami mag usap. Minsan nag memessage nalang ako sa kanya dahil alam ko naman na mababasa nya padin yun.

Pero sa lahat ng message ko, ni isa wala syang nireplayan.

Pero di ako sumuko! Pero umabot yung ilan pang buwan, taon. Nawalan na kami tuluyan ng communication.

Pinilit kong tinatago to. Kahit sila Kate walang alam dito. Ayoko sabihin kase ayoko na pag usapan namin. Mabuti na hindi nila alam kase baka malungkot ako bigla pag bigla nilang na open up yung ganung topic. Ayoko din na.makita nila yung ganitong ako.

Kilala nila akong masayahin, wala masyadong pinoproblema.

Ayoko na mag aalala sila sa akin. Kaya ko naman i handle to.

Basta kung nasan ka man. Sana Ok ka na! Sana naiisip mo din ako kase ako, araw araw naiisip kita at araw araw ko din tinatanong yung sarili ko kung ayos ka lang ba? Naiisip mo din ba ako huh? Bumalik ka na oh! Masyado ka na ata nag eenjoy kung nasan ka man.

Pagtinggin ko sa langit kitang kita yung moon sa pwesto ko at yung mga stars na nakapalibot sa moon.

Sana pag lumabas na si Haring araw makita na ulit kita. Kahit malaman ko lang na ok ka, masaya na ako.




A/n.
Sorry bagal mag update busy mode lang..

THANK YOU PO~ SA MGA MAG ADD SA READING LIST NG STORY KO~ SHOUTOUT PARA SA INYO~ SARANGHAEYO~ ♥♥♥

Poser is me!???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon