CHAPTER 03- Ang Panaginip Ni Perseveranda
NAPAKAGANDA ng lugar kung saan naroon ako. Napakalawak na garden na puro flowers. Iba't iba ang colors. Tapos iyong nilalakaran ko ay maliliit na damo na malambot at may mga petals pa ng roses. Red, yello, white and pink petals. Nasaan ba ako? Ikakasal ba ako? Nakasuot kasi ako ng magandang baby blue gown na napaka bongga. Off shoulder kung off shoulder! Pak! Iyong buhok ko, ang ganda ng pagkakaayos. At kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam ko ay napaka ganda ko. O, 'wag nang kokontra! Sapakan na lang, ano?! Hindi naman kaya aabay ako sa kasal? Wala naman akong boyfriend kaya imposible na ako ang ikakasal. Feelingera lang ako kanina. Pero kaninong kasal? Wala akong kakilala na ikakasal.
Anong lugar ba ito? Baka naman namatay na ako-Oh my, God!
P-patay na ako? Heaven na ba ito?
Namatay ba ako sa pagtulog? Binangungot? Lumindol tapos nabagsakan ako ng kisame? O hindi kaya ay nagkaroon ng sunog tapos hindi ako nagising at natusta ako?
"No!!! Ayoko pang mamatay! Virgin pa rin ako! Hindi!" Naglupasay ako. Alam ko O.A. pero wala akong pakialam.
"Perseveranda..."
Huh?
Kanino nanggaling ang napaka gandang boses na iyon ng isang lalaki. Malalim pero may lambing. Parang automatic na kinilig ang puso ko sa boses na iyon. Pinahid ko agad ang luha ko at inayos ang aking sarili. Tumayo ako at pinagpagan ang aking magandang gown. Baka may darating na gwapong lalaki, ma-turn off pa sa akin kapag nakita niya akong wala sa ayos. Dapat maganda ako.
"Sino ka? Where are you?" Pabebeng tanong ko.
Palinga-linga pa talaga ako. Mala-giraffe na ang leeg pero wala naman akong makita.
"Perseveranda..."
'Ayon na naman ang boses! Shemay naman, o! Kumikibot-kibot ang butas ng pwet ko sa sobrang kilig. Boses pa lang iyan, ha. Paano pa kaya kung makita ko na ang lalaking nagmamay-ari ng misteryosong boses na iyon. Naku, kapag kamukha siya ni Tom Rodriguez, wala na. Talo-talo na. Baka magahasa ko siya ng wala sa oras. Hindi bale nang makulong basta dahil sa kanya. Charot lang! Joke lang iyon, baka naman maniwala kayo at gayahin ako. Siyempre, kahit kamukha siya ni Tom Rodriguez ay magpapaka-dalagang Pilipina pa rin ako. Prim and proper dapat ang peg ko. Iyong hindi makabasag pinggan para mge turn on ako sa kanya. Ganoon naman ang gusto ng mga kalalakihan, 'di ba? Iyong mayumi na tulad ko. Hindi balahura at balasubas.
"Nasaan ka ba?"
"'Andito ako..."
"Ay bwakanang ina mo!" Gulat na sigaw ko nang may maramdaman akong mainit at nakakakiliting hininga sa aking batok.
Pumihit ako sa likuran ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang isang matangkad na lalaki ang nakatayo doon. Nakasuot siya ng suit at ang bango-bango niya. Kaya lang hindi ko makita ang mukha niya dahil may kung anong liwanag na nakatakip doon. Pa-mysterious effect naman siya. Hindi ko tuloy makita kung kamukha ba siya ni Tom Rodriguez o ano. Siya kaya ang nagmamay-ari ng boses na naririnig ko kanina na tumatawag sa aking magandang pangalan.
"S-sino ka?" Kanda-utal na tanong ako.
"Perseveranda..."
Wala ba siyang ibang alam na sabihin kundi 'Perseveranda'?
Lalong nanlaki ang mata at butas ng ilong ko nang hawakan niya ako sa pisngi. Masuyo niya iyong hinaplos na nagdulot sa akin ng isang libo't isang kilig at bolta-boltahe ng kuryente. Ang init ng palad niya. Hindi ko man nakikita ang mata niya ay alam kong nakatitig siya sa akin. Halos matunaw ako. Hanggang sa unti-unti ay palapait nang palapit ang mukha niya sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Halikan Mo Ako, Perseveranda Pamintuan
FantasyAng halik na yata ni PERSEVERANDA PAMINTUAN ang pinaka mahiwaga sa lahat ng halik. Dahil sa pamamagitan lang naman ng kanyang halik ay nabubuhay at nagiging tao ang ubod ng gwapo at macho na mannequin na si MIGUEL BUENAFUE. Aba, aba! Instant jowa an...