CHAPTER 04- He's A Plastic But Fantastic!

3.7K 165 52
                                    

CHAPTER 04- He's A Plastic But Fantastic!

A-ARAY KO... Ang ulo, ang sakit. Ano bang nangyari? Bakit ako nakahiga dito sa sahig?

Mabagal akong bumangon at kinurap-kurap ang aking mga mata. Sinapo ko ang aking ulo at pilit na inaalala ang nangyari. Hanggang sa maalala ko na. Mannequin! Tama! Nabuhay iyong mannequin! Hinanap agad ng mata ko iyong gwapong mannequin at nakita ko siya na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Teka, bakit mannequin na ulit siya? Hindi na siya tao. Ibig bang sabihin ay panaginip lang ang lahat? Napapadalas na yata ang pagkakaroon ko ng mga weird na panaginip, ah. Hindi naman ako nagdo-droga. Malinis ang dugo ko sa bawal na gamot.

Nilapitan ko iyong mannequin. Medyo natatakot pa ako dahil baka magkatotoo iyong panaginip ko na nabuhay siya. Sinundot-sundot ko ang ilong niya. Hindi naman gumagalaw. Doon ko na nakumbinse ang aking sarili na panaginip nga lang na nabuhay siya. Saka isa pa, imposible naman na mabuhay ang isang bagay na yari sa plastic. Ano ito? Fantaserye? Sa TV lang 'yon, uy! Wala no'n sa realidad.

Oo nga pala, kailangan ko nang ayusin ang mga mannequin na ito baka biglang bumalik si Mama Jisella, yari na naman ako doon.

Binihisan ko na ang mga mannequin at dinisplay.

Bigla na naman akong napatingin sa gwapong mannequin. Parang kakaiba isang ito. May kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Parang may something strange na hindi ko ma-explain ng maayos. Siguro ay dahil sa napanaginipan ko siya. Iyon lang siguro iyon.

-----***-----

"PERSEVERANDA..."

"Sino ka ba? Bakit palagi kang nagpapakita sa panaginip ko?"

Hinawakan ng lalaki ang pisngi ko. Naramdaman ko na naman ang init ng palad niya. "Kailangan kita, Perseveranda..." anas niya. Parang nang-aakit.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Naguguluhan kong sagot. Kulang na lang ay manghimatay ako na bumubula ang bibig sa sobrang kilig. Grabe kasi ang epekto ng hawak niya sa pisngi ko.

"Halikan mo ako..."

Napamaang ako. "Ano? Halikan? Ayoko nga. Baka isipin mo, easy to get ako!"

"Halikan mo ako, Perseveranda..." turan niya at napapikit na lang ako nang makita ko na papalapit na sa labi ko ang labi niya.

-----***-----

"HAAA!" Grabe ang hingal ko nang bigla akong magising sa panaginip na iyon.

For the third time ay napanaginipan ko na naman siya- iyong mannequin na nabuhay. Una, noong binuhusan ako ni Ate Bernadeth ng tubig sa mukha, tapos sa shop at ngayon ulit dito sa kwarto ko. Ano bang meron at binubulabog ako ng gwapong mannequin na iyon? Hindi naman kaya... may sumpa iyong mannequin?! 'Yong parang sa mga horror movies. Tapos mamamatay ako in seven days! Hindi, ayoko!

Teka, masyado naman yata akong O.A. Sa pelikula lang ang mga ganoon, e.

Tagaktak na tuloy ang pawis ko sa mukha dahil sa panaginip na iyon.

"Sino ka ba talaga? Bakit palagi mo na lang ginugulo ang dream land ko?" mahina kong tanong.

Ang sakit nito sa ulo, ha. Alas-dose pa lang ng hatinggabi pero gisng na gising na agad ako. Hindi pa nga ako masyadong nakakapahinga.

Medyo nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman pumunta ako sa kusina para uminom. Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw dahil sa memorize ko naman kung saan nakalagay ang mga gamit dito. Hindi ako mababangga kahit madili pa. Habang umiinom ako ay naisip ko na naman iyong gwapong mannequin. Hanggang ngayon kasi ay nagdududa pa rin ako kung panaginip ba o totoo iyong nabuhay siya. Para kasing totoong-totoo lahat. In-assume ko lang na panaginip siya dahil imposible naman na mangyari iyon. Pwede pa sana kung nababaliw na ako pero alam ko naman sa sarili ko na matino pa ako. Hindi pa maluwag ang turnilyo ko sa utak. Mahigpit na mahigpit pa nga, e.

Halikan Mo Ako, Perseveranda PamintuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon