CHAPTER 09- Bonggang Pasabog!

2.5K 108 6
                                    

CHAPTER 09- Bonggang Pasabog!

"SURE ka ba talaga na sasama ka kay Carlos? Baka naman magalit sa'yo si Miguel niyan. Ikaw din!" sabi sa akin ni Charcoal nang sabihin ko sa kanya na magla-lunch kami ni Carlos. Nandito na ako sa parlor niya at dinalhan ko na siya ng pagkain niya. Nasa labas si Carlos at hinihintay ako.

Itinirik ko ang mata ko. "Hay naku, ang hirap kasing maging maganda! Ang daming nahuhumaling sa akin. Paano ko ba kasi mabibigyan ng solusyon ang biggest problem kong ito?" turan ko.

"Wow, 'te! Saang banda? Saka iyang malaki mong mukha ang biggest problem mo. Literal! At isa pa, pawis na pawis ka nga diyan! Haggardness..."

"Ang init kasi sa labas. Nahulas na ang ganda ko. Pake mo ba?"

"FYI. Nahulas ka lang. Wala kang ganda!"

"Sige lang, ipagpatuloy mo lang iyan at makakatikim ka sa akin ng upper cut at malupit na flying kick sa panga! Namemersonal ka na naman, ha!" banta ko sa kanya. "Kaya lang naman ako sasama sa kanya kasi sasabihin ko na sa kanya na wala siyang aasahan sa akin kasi may mahal na ako."

"Nanliligaw ba sa'yo?"

"Hindi pero parang ganoon na rin 'yon. Sunod kaya siya nang sunod sa akin. Anong tawag mo do'n?"

"Edi, ikaw na. Pinagpala sa lahat! Basta, kapag binasted mo, akin na lang iyan si Carlos, ha? Kahit tira-tira, keri na iyan. Yummyness pa rin naman! Gusto ko rin naman na magkaroon na ako ng jowa bago matapos ang taon na ito. I need an inspiration."

"Haliparot! Sige na, aalis na kami. Pauwi rin naman ako after naming kumain-"

Biglang pumasok si Carlos at lumapit sa amin. "Tara na, Perseveranda?" aniya.

"Ah, sige. Sorry, may sinabi pa kasi ako kay Charcoal. Hoy, Charcoal, alis na kami."

Teka, ano bang nangyari dito kay Charcoal at parang natuka ng ahas? Nakatingin kay Carlos at nanlalaki ang mga mata. Naku, mukhang malaki talaga ang pagnanasa niya dito. Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon ni bakla at umalis na kami doon ni Carlos.

-----***-----

ABA nga naman, hindi lang pala mukhang mayaman itong si Carlos kundi mayaman talaga nang totoo. Ang sosyal ng kotse niya na sinasakyan namin. Hindi ko alam ang model pero mukhang mamahalin. Halos thirty minutes din kaming bumyahe hanggang sa makarating kami sa isang subdivision.

Akmang magtatanong sana ako kasi ang akala ko ay sa isang restaurant kami kakain pero inunahan na niya agad ako ng pagsagot. "Sa bahay ko tayo magla-lunch. Sorry, hindi ko nasabi kasi baka hindi ka sumama kapag nalaman mo. Pero, don't worry, safe ka doon. Kakain lang tayo." Nang ngumiti si Carlos ay medyo napanatag naman ako.

Kaya lang hindi pa rin maalis ang kaba ko dahil siyempre, bahay niya iyon. Lahat pwede niyang gawin. Mukhang hindi naman gagawa ng masama itong si Carlos. Magtitiwala na lang ako sa kanya.

Inihinto na niya ang kotse sa harapan ng isang malaking bahay. Hindi rin papahuli sa pabonggahan ang bahay niya, ha. Sa labas pa lang ay ang ganda-ganda na. Mayamaning tunay!

Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok ng bahay. Very gentleman naman siya dahil nakaalalay siya sa akin hanggang sa makapunta kami sa dining area. Doon ay may mga nakahain nang pagkain. Ang dami. Parang fiesta!

"Birthday mo ba, Carlos? Ang daming pagkain!" bulalas ko.

"Hindi. Pinaluto ko lahat ng iyan sa maid ko. Sana magustuhan mo. Let's eat?"

"Sige, gutom na rin ako, e. Hindi na ako mahihiya, ha."

At talaga nga namang pinanindigan ko ang sinabi ko dahil lafang kung lafang ang kinain ko. Ang sarap no'ng buttered shirmp at 'yong soup na hindi ko alam ang tawag. Maya maya lang ay tapos na kaming mag-lunch. Nagtitinga na ako nang maglabas si Carlos ng wine. Tumanggi ako pero ang sabi niya ay hindi naman daw iyon nakakalasing. Isa pa ay maganda daw na uminom ng wine na iyon after kumain. Nakumbinse naman niya ako at sinalinan niya ako sa aking kopita.

Halikan Mo Ako, Perseveranda PamintuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon