"Wag mong gawing laro ang pagbabasa ng baraha... Baka sa huli'y kamatayan mo na ang "kanyang" binabasa..."
"Please Macky, alam ko namang marunong ka eh..." pangungulit pa rin ng kaibigan kong si Aisa.
Nasa boarding house niya ako ngayon kasama ang kaibigan rin naming sina Nitz at Lyn. Inirapan ko lang silang lahat habang patuloy pa rin akong kumakain ng chichiria.
"Ilang beses ko bang sinabi na biro ko lang 'yun... naniwala agad kayo." nguso ko habang ngumunguya pa rin.
"Wag ka na diyan, kayong may dugong muslim ay minsanan lang ang walang alam... tsaka tumama ka naman 'nung sinabi mong magkakasakit si mama ah, sabi mo lang 'yun pero nagkatotoo na nga eh, how much more kung may basehan ka na." giit pa rin ni Aisa. "Please naman Michelle oh, gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit binreak ako ng ganun'-ganun' na lang ni Jack."
"Baliw, kahit 'di mo 'yan pahulaan isa lang ang dahilan... babae!" singit naman ni Nitz' at nilingon ako. "Pero why not nga naman... wala namang masama kung subukan mo, magpapabasa rin ako hehe he."
Marahan ko siyang sinipa at kunwari'y tinignan nang masama.
"Ayun... may gusto rin palang magpabasa!" sambit ko at tumayo.
Iniwan ko sila sa sala at pumunta ako sa kusina. Doon lang pumasok sa isipan ko ang pagbibiro ko minsan.
Tumigil ka na sa pagpapadala mo ng pera sa atin. Try mo'ko, akala mo wala akong alam... meron' to uy haha ha!
Totoo ang sinabi nila at hindi ko kinakahiya. Mestisa ako kumbaga', si papa ay christian samantalang si mama ay muslim. Pero dahil nga sa ang ama ang haligi ng tahanan eh napunta kami dito sa San Rosario, isang city sa Region IIX kung saan site engineer si papa.
Bilang may dugong muslim ay 'di rin kaila sa akin ang iba't ibang witchraft. Meyrong 'di naniniwala especially 'yung sobrang devoted sa religion. Meyron namang devoted rin pero naniniwala sa witchcraft. Siguro sa pamilya ni mama eh dun' mabibilang sa second type, devoted pero naniniwala.
Si lola ang alam kong maraming alam. Minsan eh ipinakita niya sa akin kung paano basahin ang simpleng baraha. 'Di ko masasabing tinuruan niya ako kasi 'di na naulit 'yun. Naalala ko lang.
Sabi ni lola,'Wag mong gawing laro ang pagbabasa ng baraha... Baka sa huli ay ang kamatayan mo na ang "kanyang" binabasa...
"Michelle! Halika ka na!" napakislot ako sa pagtawag ni Aisa kaya nagmamadali na akong maghugas ng kamay.
Pagbalik ko nga sa sala ay nakatingala silang lahat sa akin.
"Sige na Macks' pagbigyan mo na si Aisa." sang-ayon na rin ni Lyn.
Wala na akong nagawa kundi' ang umupo sa kanilang harapan.
"Sige na nga, oh may baraha ba kayo diyan ah?"
"Baraha ba o tarot?" tanong ni Aisa.
"Baraha sira, 'di nga ako marunong pinipilit niyo lang ako."
"Eto," sabay kuha niya sa drawer. "Kompleto pa 'yan." bigay niya sa akin.
"Pagkakaalam ko, 'di bibisa 'yan kung nagamit na..." tinignan ko lang ang binigay niya. "Bumili ka run' ng bago at nang masimulan na... may pupuntahan pa'ko eh." Kumaripas na ng takbo si Aisa para bumili ng bago pero at 'di rin nagtagal ay humahangos na itong sinasarhan ang pinto. "Akin na." sabay kuha ko dito at binuksan agad. "Alisin muna natin ang mga joker kasi 'di sila kasali." sabi ko at inisa-isa ko nang buklatin ang mga baraha.
BINABASA MO ANG
MGA BULONG
Terror. . MY COLLECTIONS OF HORROR SHORT STORIES. . . By: ionahgirl23 . .