KILLER TATTOO- Part 1.

346 11 1
                                    


"May tattoo ka ba, alam mo ba ang kahulugan niyan?" Mag-ingat ka, baka magaya ka kay Geelin, nagkaroon ng killer tattoo!"




"Hey girls, check out my new tattoo... isn't cute huh?" pagmamayabang ko sa dalawang kaibigan kong naintriga na rin sa bagong ipinagawa ko. Taas noo akong tumalikod at hinawi ko ang hanging blouse ko. "See..." nangingiti kong sambit sa kanila.

"Yucks, Geelin... saan ang ikinaganda niyan' huh, its scares me girl." tapik ni Paloma sa tattoo ko kaya napangiwi ako.

"Ouch, sakit ah... bago pa 'yan ok tsaka its an art babae kaya 'wag kang jologs." irap ko sa kanya at pabagsak akong naupo. "Oh bakit niyo ako pinatawag?" tanong ko sabay sipsip sa fresh orange juice na inorder nila para sa akin.

"Geelin... na-raid ang agency natin." seryosong balita naman ni Luraine.

Napakunot noo ako sa kanyang sinabi at iniusog ang drinks ko.

"Ano, can you clear it for me... anong na-raid, hindi naman tayo illegal ah at hello... hindi club, casino or what so ever ang agency!" bulalas ko at wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Sino ang nag-lead ng punyetang raid na 'yan at nang maharap ko!" sabi ko pa sabay bukas ko sa hand bag ko at hinanap ang cellphone.

Pero 'di ko pa natatawagan si Beall ay may incoming call na galing sa kanyang younger sister, si Antonette.

"Oh hello baby..." bungad ko sa kabilang linya pero 'di pa ulit ako nakakapagsalita nang mapakunot noo ako.

"Ate! Ate pumunta ka rito... si kuya, si kuya patay na!" pasigaw nitong pagbabalita habang humahagulgol.

Napakunot noo na naman ako at natingnan ang mga kaibigan ko.

"Baby... 'wag mo'kong biruin ng ganyan, magagalit ang ate mo." saway ko sa dalagita. Pero nawala ang ngiti ko nang mawala na sa kabilang linya si Antonette. "Baby! Antonette are you still there?!" tanong ko at tiningnan pa ang screen ng cellphone ko pero call ended na pala. Mabilis akong tumayo at nagpaalam sa kanila. "Gotta go... we'll talk later!"

Lakad takbo kong pinuntahan ang kotse ko habang nag-alala na rin ako. 'Di ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Parang binubundol ang dibdib ko sa lakas ng kabog.

Pagsakay ko'y agad ko na itong pinaharurot papunta sa condo ng magkapatid. Yes, sila na lang dalawa ang magkasama dahil around nineteen palang si Sean nang maulila na sila. Car accident ang ikinamatay ng mga magulang nila at simula 'nun ay si Beall na ang namahala sa kanilang negosyo.

Akala ko'y one night stand lang ang mangyayari sa amin pero 'di ko expected na mafa-fall ako sa kanya. Eh ako pa, 'di naniniwala sa true love. Relationship is just a sex thing for me, for pleasures only, for a temporary lust.

Pipipipppp!!!

"Huh!" bigla kong natapakan ang break nang makitang somobra na ako sa lane ng signal.

Tiningnan ko sa front mirror ang nakasunod sa akin. Salamat sa kanya dahil mavi-violate na naman ako pero kumurap-kurap na ako pero ganun pa rin ang nakikita ko.

Walang tao ang kotse!

Muli kong tiningnan at napailing lamang ako nang makita ang nagmamaneho. Isang lalaki na nakatalukbong pero napakunot noo na naman ako nang biglang mawala. Lilingunin ko na sana nang napapitlag ako dahil bumusina na ang karamihan sa mga sasakyan. Green light na kaya pinaharurot ko na rin ang kotse ko habang maya't maya kong tinitingnan ang kotse kung saan papunta and hell no!

MGA BULONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon