"Ha hahaaaa.... si Nenita na lang ang kulangggg..." bulong na naman ng boses kaya muli kong binuksan ang cellphone ko pero ilang beses ko nang pinipindot ang apat na pin code pero sadyang nagkakamali ako.
'Di ko na kasi mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
Dios ko, ano bang nangyayari... tulungan niyo po ako, kami ng mga kaibigan ko...
Nang mabuksan ko ang cellphone ko'y agad kong hinanap ang number ni Nenita pero 'gaya rin ng kay Aisa ay nakasara ito.
"Sh*t!" mura ko at mabilis na hinablot ang jacket ko. Pupuntahan ko na lang siya at sasabihin ko ba ang nabasa ko sa baraha?
Sasabihin ko bang kamatayan ang nabasa ko?
Bahala na!
Maingat na akong lumabas ng kwarto pero bumalik ulit ako nang maalala ko ang wallet ko. Nanginginig na naman ang mga kamay kong kinukuha ito sa bag pack pero napatigil ako nang may makapa akong kakaiba 'run.
Nang kunin ko ito'y bigla kong nabitawan!
Ang pulang joker!
Paanong napunta sa bag ko eh itinapon ko na ito 'di ba?! Inapakan ko lang at kinuha ko ulit ang wallet ko. Pagkakuha ko'y agad na akong lumabas ng bahay.
Kanina pa ako mangiyak-ngiyak sa paghihintay ng pampasaherong jeep pero bakit ba napakamalas ng araw na'to. Gusto ko nang makasakay dahil natatakot ako sa paligid na walang katao-tao pero kanina pa nga akong nag-aabang dito'y wala talagang dumadaan.
Nang may matanawakong paparating ay nabuhayan ako ng loob. Mabilis kong pinunas ang namumuo ngluha sa mga mata ko at kinawayan ang sasakyan. Agad akong sumakay at iniabot ang sampung piso. Nasa dulo lang ng highway na'to ang kina Nenita pero dahil sa gabi ay takot akong lakarin 'yun.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay panay ang dasal ko at maya't maya ko ring dinadial ang number niya pero wala talaga, sarado!
Nang natatanaw ko na ang poste kung saan sa likod lang nito ang bahay ng tita ni Nenita ay pinara ko na ang sasakyan. Halos madapa na ako sa pagbaba pero 'di ko na pinansin ang pag-papaalala ng ibang pasahero sa akin.
Tinakbo ko na ito at nang makarating ako sa gate nila'y sunod-sunod ko nang pinindot ang doorbell pero ang malaking aso lang nila ang sumagot ng malalakas na kahol sabay ang pagbukas ng ilaw sa balcony ng bahay.
"Kuya Bert! Kuya Bert si Michelle poi to!" sigaw ko nang mapansing tinatanaw niya ako. "Si Michelle po ito, please po gusto kong makausap si Nenita kuya!"
Mabilis naman itong lumapit sa akin at binuksan ang personal gate.
"Hindi mo pa ba alam?" tanong ng boy nila sa akin.
"Ang ano po, nasaan si Nenita? 'Andiyan ba, please gusto ko po siyang makausap..." naiiyak na naman ako sa kaba.
"Wala na ang kabigan mo Michelle, 'ako lang ang natira rito kasi sumunod na ring pauwi sila Maam Tess, naaksidente si Nenita at George kaninang mga alas-otso, kani-kanina lang..." malungkot nitong pagbabalita sa akin. "P-patay silang magpinsan Michelle..."
Bigla akong napaupo sa tabi ng gate habang nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko.
Kasalanan ko, kasalanan ko!
"Tahan na, pumasok ka muna sa loob..." sabi pa rin ni Kuya Bert pero tahimik lamang akong umiiyak.
"Ha haha, sabi ko sa'yo... wala ng orassss..." napaangat ako ng ulo nang marinig na naman ang boses na 'yun.

BINABASA MO ANG
MGA BULONG
Horor. . MY COLLECTIONS OF HORROR SHORT STORIES. . . By: ionahgirl23 . .