KILLER TATTOO Part 2.

341 12 3
                                        


It's been twelve in the midnight at nasa parking lot pa rin ako. 'Di ko alam ang gagawin ko, ayukong pumasok sa bahay ko pero 'di ko na rin kaya ang pananakit ng sugat ko. Ilang take na rin ako ng pain killer na ibinigay ng doctor pero nakakaramdam pa rin ako ng pananakit.

Pumikit ako at sumandal sa head board ng upuan nang maaninag kong may sumasalubong sa aking ilaw.

Agad akong umayos ng upo at kinilala ang nagpaparking sa harapan ko. Bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko nang makilala kung sino ang laman ng kotse. Si Dominic, ang kapitbahay kong pinagseselosan ni Beall.

Kumaway siya sa akin pagkalabas niya ng kotse.

"Hi there!" aniya at masiglang lumapit sa akin. "Bakit nandito pa sa labas ang Diosa ng kagandahan huh?" payuko niyang silip sa akin habang nakangiti pero nang makita niya ang itsura ko'y nawala na rin ang kasiglahan ng kanyang mukha. "Geelin, what happened... may problema ba?"

Ngumiti ako pero sa huli ay naiyak na lamang ako.

"Dom'..." tawag ko sa kanya at bumaba ng kotse. Agad ko siyang nayakap at 'di ko na napigilan pa ang dinadala ko. "Si Beall..." iyak ko pa rin at napadaing na naman nang masagi niya ang tattoo ko.

"Hey what happened, are you alright?" bahagya niya akong nabitiwan at nagtatakang tiningnan ulit ako. "Anong nangyari huh, bakit ka ganyan?"

Umiiyak lang akong nakatingin sa kanya habang umiiling.

"He's dead... p-pati ang kanyang kapatid."

"What?!" pabulalas niyang tanong at 'di malaman kung hahawakan ba niya ako o hindi. "Paano, keylan?" magkakasunod niyang tanong at sa huli ay nayakap niya akong muli. "I'm sorry... I'm so sorry..." anas lang niya at kinuha ang bag ko sa kotse. "I think you should get some rest right now." sabi pa niya at payakap akong hinila papuntang elevator ng building.

Tahimik lamang kaming naghihintay sa ika-13th floor at nang bumukas ito ay napakapit ako sa kanyang mga kamay.

"P-please stay..." paki-usap ko habang nababasa na naman ang gilid ng mga mata ko. "Natatakot ako Dom', s-samahan mo'ko kahit ngayong gabi lang... please."

Nakita kong bahagya siyang ngumiti at tumango.

"Kahit 'di mo sabihin Geelin, sasamahan kita..." masuyo niyang haplos sa pisngi ko at magkasabay na kaming pumasok sa unit ko.

Marahan niya akong pina-upo sa sofa at bahagyang iniwan. Since magkapitbahay kami ay naging matalik na ring magkaibigan. Alam kong may gusto siya sa akin pero 'yun ang ikinagusto ko rin sa kanya as a friend. Hindi siya nagtatake advantage sa kung anong meyron kami at kahit si Beall na ilang sa kanya ay siya pa ang gumagawa ng way para mapalapit sa huli.

"Wait, I'll just get some water for you... water theraphy is the secret remedy for depressed people." aniya at mabilis na pumunta sa kusina.

Ako naman ay inayos ang sarili sa pagkakaupo at maingat na inalis ang balabal na ibinigay ng mga pulis sa akin. Ingat na ingat ako dahil kunting daplis lang sa tattoo ko'y halos manginig na ako sa sakit.

Naabutan niya ako sa ganoong posisyon.

"Hey what's in your back, is't a tattoo?" tanong niya agad at mabilis na umupo sa tabi ko. "Take it..." aniya at ibinigay sa akin ang tubig habang sinilip ang sugat ko.

Tahimik ko namang ininom ang tubig pero natigilan ako nang marinig siya.

"My God Geelin... where did you get that?" aniya at seryosong tiningnan ako. "Alamu' ba ang ibig sabihin niyan'... Oh God, help us." sabi pa rin niya at muling tiningnan ang tattoo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA BULONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon