Chapter 1- Twin

151 7 0
                                    

Mabait

Mapagmahal

Maunawain

Masipag

Lahat na ata ng magandang ugali nasa kanya na

Kumpara sa kakambal niya

Kung ano ang kinaganda ng ugali niya , yun naman ang ikinapangit ng ugali ng kanyang kakambal.

Ako si Orine Serafica , ang nag aalaga kina Syrine Blue at Sorene Red , nakakatakot pero carry lang ang pag aalaga ko sa dalawang batang bampira. Magkamukhang magkamukha sila maliban sa mata , kapag galit si Syrine nagiging asul ang kulay ng kanyang mga mata. Kapag si Sorene naman ang nagagalit nagiging pula naman ang kanyang mata. Iniwan sila saakin ni Drecius at Crysius ng makipaglaban ang mga ito sa ibang bampira.

Tumagal ang buhay ko ng dahil sa kanila.

"Orine !!! Nasaan ka ?!!!" bulyaw saakin ni Blue.

Dali dali akong pumasok sa kanyang silid at nakita ko ang mga nakakadiring katawan ng mga tao.

Punong puno ng dugo at halos hindi na makilala sa kanilang mga itsura.

"Ano ang iyong ipag uutos ?"

"Maaari ka bang lumapit saakin ?"

"Sige."

Nagulat na lamang ako sa biglaang pag katumba ko sa sahig.

Dumugo ang aking ulo.

"7 taong gulang na ako at ang aking kakambal , kaya na namin ang sarili namin kaya wala ka ng pakinabang saamin."

"Blue , maawa ka saakin." sabi ko habang umiiyak ako.

Kapalaran kong mamatay sa kamay nila pero hindi ko akalaing ganito kaaga.

"Bampira ako at uhaw ako sa dugo ng tao kaya pasensiya na Orine."

Pag kasabi nun ni Blue. Kinagat niya ako at unti unti kong nararamdamang nanghihina na ang aking katawan.

Blue's POV

Habang patuloy kong sinisipsip ang dugo ng kaawa awang si Orine. Bigla namang pumasok sa silid ko ang aking kakambal.

"Blue !!" bulyaw niya saakin. Tinignan ko lang siya habang unti unti siyang lumapit.

"Bakit ba napakasama mo ?! Walang awa mong pinatay ang babaeng nagpalaki saatin !!"

"Eh ano naman ? Hindi na natin siya kailangan , May pag iisip na tayo Red !!"

Agad akong sinakal ni Red at idinikit sa dingding.

Bakit ganun ? Kahit magkakambal kami , higit siyang mas malakas kesa saakin ?

"Sa susunod na ulitin mo yan Blue. Ako !! Ako na mismo ang puputol sa kadiring ginagawa mo."

Inalis ko ang kamay niya sa leeg ko.

"Hindi kadiri ang gawaing ganito Red. Bampira tayo kaya dapat lang na uminom tayo ng dugo ng tao lalo pa kung nauuhaw tayo."

"Hindi kailangang tao Blue !!"

"Pwes ! Huwag mo akong itulad sayo Red !"

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Kapatid ko siya , purong bampira kami pero ayaw niya ng dugo ?

Sinong bampira ba ang ayaw ng dugo ?

Anak ng tukneneng yung kakambal ko lang ata eh !

End of Chapter 1

Author's Note:

Oo , alam kong boring hayaan niyo readers ko :) Sisikapin kong magkaroon ng twist ! Para happiness naman diba ;) :*

Vampire + GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon