Maurine's POV
Gustong gusto ko ng anak.
Pero kahit kelan hindi kami biniyayaan ng diyos.
"Hon , bakit hindi ka pa natutulog ?"
"Wala lang hon. May iniisip lang."
"Ano yun han?" Sabay yakap saakin.
"Hon , ilang beses na tayong nag try pero bakit ganun ? Wala parin tayong nabubuo ? May problema ba saakin hon ? Wala naman sabi ng doctor hon."
"Huwag kang mag alala hon. Bibigyan din tayo ng diyos ng anak. Sa tamang panahon."
Yinakap uli ako ni Fredirico at hinalikan sa noo.
Malambing , mapagmahal , mabait nasa kanya na ata lahat ng katangian ng isang mabuting lalaki kaya naman bilang ganti gusto ko siyang mabigyan ng anak.
Kahit na hindi Jr. basta may maging taga pag mana lang kaming mag asawa.
"Hon.... Matulog na tayo"
"Sige hon."
Red's POV
Uhaw na uhaw na ako.
Hinang hina na ako.
Gusto ko ng uminom ng dugo.
Kaso masama yun.
Nahihilo na ako.
Maya maya pa ay tumumba nalang ako sa kalsada at unti unting nawalan ng malay.
Fredirico's POV
Habang nagmamaneho ng sasakyan may nakita akong isang batang babae.
Nakahandusay sa sahig. Naawa ako sakanya.
Kaya imbis na hindi ako malelate sa meeting ko with my clients , malelate ako dahil sa batang ito.
Bumaba ako ng kotse ko at isinakay ang bata.
Dinala ko siya sa bahay namin.
"Hon... Anong nangyare?"
"Nakasagasa ako hon!"
"Ano?!"
Halatang gulat na gulat ang asawa ko sa sinabi ko. Nuh ba hindi mabiro ang loko kong asawa. Gusto ko tuloy matawa ng dahil sakanya.
"Joke lang hon. Nakita ko siya sa kalsada hon. Nakahandusay."
"Hon , dalhin mo muna siya sa kwarto. Para makapagpahinga. Kawawa naman siya."
"Sige hon."
Inilapag ko sa kama ang batang babae.
Nagulat nalang ako dahil may nakita akong marka sa dibdib niya.
Markang nagpapatunay na anak siya ni Drecius.
Sabi saakin ni Drecius bago siya mamatay , inaalagaan sila ni Orine.
Eh bakit palaboy laboy nalang ang isa sa kambal ?
"Hon.... May problema ba ?"
Nagulat ako sa pagsasalita ni Maurine.
Ayokong patirahin dito ang anak ni Drecius dahil isa itong bampira.
Pero paano kong magustuhan siya ni Maurine?
Kailangan kong itago ang katotohanan dahil baka kapag nalaman ni Mau na bampira itong batang ito , Atakihin pa siya sa puso.
"Nothing hon ko."
Then I smiled at her para lang hindi niya mahalatang may malaki akong problema.
Problemang pwedeng tumapos saaming mag asawa.
Red's POV
Nagising nalang ako sa isang kwarto.
Napakaganda at napakalawak.
"Gising ka na pala. Gusto mong kumain ?"
Nakaamoy ako ng fried chicken at beef kaya dali dali kong kinuha ang pagkain sa babaeng nasa harap ko ngayon.
"Dahan dahan iha."
"Nasaan po ako ?"
"Nasa bahay ka namin iha."
"Nasaan ba ang parents mo iha ?"
"Patay na po sila , Ang kapatid ko po naman namatay din dahil sa isang aksidente."
"Wala ka bang kamag anak iha?"
"Wala po."
Maurine's POV
"Wala po."
Ibig sabihin pwede namin siyang ampunin.
Gusto ko siya.
Gusto ko siyang maging anak.
Maganda siya at mabait.
Pagkatapos kumain ng bata lumabas ako ng kwarto at kinausap si Fred.
"Hon... Gusto ko siya."
"Hon naman"
"Hon , diba mahal mo ako ? Yung gusto ko , susundin mo hon diba ?"
"Oo hon."
"Well, gusto ko siyang ampunin hon."
"Sige na nga hon. Ako ng bahala sa mga files na dapat ayusin."
"Thank you hon. I love you."
Fredirico's POV
"Thank you hon. I love you."
Hinalikan niya ako saka siya umalis.
Kitang kita ko kung gaano kasaya ang asawa ko sa pagdating ng batang yun.
Kaya naman , labag man sa kalooban ko na ampunin siya.
Gagawin ko.
Para lang sa asawa ko.
End of Chapter 3
Author's POV
Kaway kaway naman diyan mga pare !!! Unti unti bang gumaganda ?? O pumapangit ?? Bwahahaha xD
Sorna xD BTW Thanks for reading loves !! Mwah :-*
BINABASA MO ANG
Vampire + Gangster
Teen FictionSa love , hindi importante kung sino talaga siya o kung ano talaga siya. Basta ang alam ko lang ay sobrang mahal na mahal ko siya kaya proprotektahan ko siya kahit pa kamatayan ko ang kapalit. -Jay Verenz Schrenk