Red's POV
Ilang araw narin matapos yung sagupaan namin ng kuya ni Verenz. Ang cool niya ah hahahaha nakaligtas pa siya dun sa ginawa ko xD Galing !!
Kung hindi siya malakas siguradong patay na siya ngayon.
Si Verenz naman nakalabas na ng Hospital kaso hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako pinapansin sa School.
Bigla bigla na lang siyang nawawala.
"Hey !!! Red !!!" Sigaw saakin sabay akbay.
"Who you ?"
"Hindi mo ako maalala ?? Aeron John." Sabi niya. Ah oo siya yung , lalaki noon. Teka tama ba ako ?? Hahahaha xD hindi ko alam. La naman akong paki sakanya kaya bakit ko pa aalamin yung pangalan niya? Hays !!
"Ahy. Ok." Sabi ko sakanya. Namimiss ko na si Verenz. Sana pansinin niya na ulit ako. Wala naman akong ginawang masama ah ? Bakit niya kaya ako iniiwasan ?
Habang papauwi daldal ng daldal tong lalaking to. Ahhhh. Naalala ko na kung sino na ulit siya.
Siya pala yung nabebelieve sakin dahil sa vampire powers ko.
Haiissstttt. Himalang dumikit siya saakin ngayon.
"Hmmm. Kanina ka pa hindi nakikinig eh." Sabi niya saakin. Actually, tama siya. Wala eh. Namimiss ko si Verenz kaya yun.
"Hayyyy. Wala ako sa mood." Sagot ko sakanya. Tapos bigla siyang nalungkot tapos tumahimik.
Infernes kahit pala yung mga taong putak ng putak nananahimik din hahahaha.
Habang papalapit kami sa bahay ko. Bigla kaming hinarang ng isang babae. Hmmm. Siguro girldfriend ni Aeron na pinagseselosan ako. Hahahaha sa ganda kong ito, hindi ako pagseselosan ? ASA hahahaha
"Say hello, my sister." Sabi nung babae. Wow !! Iba na talaga ang mundo ngayon. Sister ?? Hahahaha xD Isa lang kapatid ko nuh. Si Blue lang. Kaya nagbibiro lang ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko nalang pinansin yung babaeng yun dahil baka baliw lang yun hahahaha. You know naman na maraming baliw sa mundo ngayon. Including Verenz. Hahahaha.
"Huwag mo akong iniisnob sister dahil baka maiparanas ko sayo ang sakit ng pang iisnob mo." Sabi niya sakin.
Humarap ako sakanya. Nakita kong pinag gray niya yung mata niya. At.
Bigla nalang siyang sumugod.
Sisipain niya na sana ako ng biglang humarang si.
Si.
Si.Verenz ?
"Know you place!!!" Sigaw ni Verenz. At sumuntok agad si Verenz.
Pero nakailag itong si babae. Wala eh. Labanang bampira ito. Na out of place naman si Aeron hahahaha.
"Teka bakit siya ginawa mong bampira ? Bakit ako hindi ?"
"Kasi hindi mo kailangan." Sabi ko sakanya. Totoo naman eh , hindi niya kailangan.
"Well, well, well may ginawa ka palang bampira. Hahahahaha tignan natin ngayon, Mga kasama !!!!" Sabi nung babaeng bampira na mukhang mangkukulam. Tapos biglang lumabas yung ibang mga bampira.
Teka ? Ano yung hawak nila ? No way !!! Tubig.
Sabay sabay nilang ibinato yung tubig kaya parehas kaming nanghina ni Verenz.
Maya maya pa ay kinuha nila si Aeron, pinatay at pinalibutan kami.
"Dearie, His blood is so sweet and yummy." Sabi nung isang kasamahan nung babae.
"Yeah, kaya nga I wanna taste the Royal blood of your sister." Sabi dun nung isa.
"TASTE YOUR OWN BLOOD, IDIOTS !!!" Sigaw mula sa itaas at nakita ko si Blue.
Si Blue na kapatid ko at mortal kong kaaway ay nandito para iligtas kaming dalawa ni Verenz. Astig.
Maya maya pa ay ibinuhos ni Blue yung tubig sa kanila maya nanghina din sila.
"Sister !!! I love you !!! Umalis kana !!!" Sabi saakin ni Blue nung nakaapak na siya sa lupa.
"Pero paano ka?!!!"
"Huwag kang mag alala !!! Tadhana ko na ito !!!" Sabi niya.
"Mabuting sundin natin ang kapatid mo, Red." Sabi ni Verenz.
Umalis kami ni Verenz sa lugar na yoon nang hindi kasama si Blue.
End of Chapter
BINABASA MO ANG
Vampire + Gangster
Teen FictionSa love , hindi importante kung sino talaga siya o kung ano talaga siya. Basta ang alam ko lang ay sobrang mahal na mahal ko siya kaya proprotektahan ko siya kahit pa kamatayan ko ang kapalit. -Jay Verenz Schrenk