Chapter 9-Real her

35 4 0
                                    

Aeron's POV

Nakita ko yung babaeng kasakasama ni Jv nung nakita ko siya.

Teka.

Bakit may dalawang tao doon na nakahandusay ?

Nagtago ako sa likod ng isang puno malapit sa kinatatayuan ng dalawang tao.

Narining ko ang lahat ng sinasabi nila doon sa babae.

Gusto kong lumabas pero humarap yung lalaki sa likod ng hilain niya yung katawan nung dalawang patay.

Nakita ko si Hadji.

Nakakatakot.

Kakilakilabot.

Si Hadji , siya yung taong hindi ko gustong banggain. Pwede pa kapag si Jv pero siya? Pumapatay siya.

Si Jv , bubugbugin niya lang o tuturuan niya lang ng leksyon.

Pero siya diretsong kabaong na.

Baka siya pa mismo maglibing saakin.

At ayoko nun.

Liligawan ko pa yung babae eh.

Pero teka? Paano ko liligawan yung babae kung papatayin nila siya?
Baliw ko nuh?

Leader ako ng kabaliwan sa Gang.

Hahahaha ,joke.

Matino naman ako pag seryoso.

Maya maya pa Umalis na sila Hadji at yung kasama niya.

Kaya naman naisipan ko ng magpakita kay Ms.Beautiful.

"Kailangan mo ng tulong ?"

Sabi ko. Nakita ko siyang lumingon sakin.

Tumutulo yung luha niya sa mata.

Kitang kita ko yung kamay niya nakapiklo na parang gustong sumuntok.

"Miss?" Tanong ko sakanya. Pero di parin siya sumagot. Maya maya tinanong ko ulit siya.

"Miss ?"

"Ano bang problema mo ? Hindi ako sumagot diba ? Edi syempre hindi ko kailangan !Ano ba sa tingin mo isasagot ko doon ?"

"Kailangan mo."

"Pwes! Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino ! Lalo na kung galing sainyo ! Diba nakita mo kung anong ginawa nila sa parents ko ?! Alam mong pwede silang pumatay diba? Kaya bakit ko pa kakailanganin yang tulong mo ? Eh wala. Wala ka rin lang naman magagawa.!!!"

Sigaw niya.

Tumingin ako sa mata niya.

Sobrang galit siya.

Nakita kong naging pula yung mga mata niya.

Anong ibig sabihin nun ?

.
.
.
.
Anong klaseng tao siya ?

Hindi naman siguro siya nakacontact lense nuh xD

(A/C: Nagawa mo pang tumawa sa lagay na yan ?)

"Tao kaba talaga?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

Maya maya pa ay, nagulat ako dahil nasa harap ko na siya.

Binulungan niya ako.

"Sa tingin mo tao pa ba ako ?"

Bigla akong lumingon sa direksyon niya.

At nakita ko ang mga matutulis niyang pangil.

Pulang mata.

Napakaseryosong mukha.

Gusto kong tumakbo pero hindi ako makatabo.

Parang naidikit sa semento ang aking mga paa.

Gusto kong sumigaw.

Pero tila naubusan ako ng boses.

"Huwag kang mag alala , hindi ako umiinom ng dugo ng tao lalo na kung dugo ng unggoy." Sabi niya.

Lumayo siya saakin.

Kaya naman naalis ang takot ko sakanya.

"Gusto mo akong sumama sa gang niyo diba ? Ngayon , alam mo na kung bakit hindi ko kailangan ng gang."

Tumalikod siya.

"Sana lang , hindi na makarating ito sa iba. Tayong dalawa nalang sana ang nakakaalam nito."

Sabi niya.

"Masusunod boss." Sabi ko.

Boss na ?? Oo !! Kasi natatakot na ako sakanya.

Paano kung bukas patay na ako?

Paano ko pa siya liligawan diba ?

"Tara sa bahay , tulungan mo ako sa bangkay nila mama at papa. Ako magbubuhat kay mama. Ikaw kay papa."

"Sige."

Binuhat namin yung bangkay ng parents niya.

Naghukay siya at siya na mismong naglibing sa kanila sa bakuran nila.

Naaawa ako sakanya.

Natatakot din.

Kakaibang babae siya.

.
.
.
.
.
.
.
.
Kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan eh.

Kinagabihan
.
.
.
.
Isinakay niya ako sa likod niya.

At tumalon siya ng napakataas.

Tumakbo takbo siya sa bubong.

Tatalon talon naman siya kapag malayo na yung bubong.

Ang ganda.

Ang galing.

Sana bampira narin ako tulad niya.

Bata pa lang , gusto ko ng makalipad.

At ngayon , parang nararanasan ko narin sa tulong niya.

"Nabebelieve kana ?" Tanong niya.

"Oo."

"Kaya di ko gustong sumama sa WALANG KWENTANG GANG MO. Kasi.
.
.
.
.
Alam kong mabibilib ka sakin unggoy."

Sabi niya saakin.

Wow ha ? Sabagay totoo naman sinabi niya.

Wala eh , nakakabilib talaga siya eh.

"Oo na. Eh bat di mo nalang ako gawing bampira?"

"Unggoy ka kasi , kaya di pwede. Oh andito na pala tayo sa bahay niyo."

Ibinaba niya na ako. Bago pa ako makapagpaalam sakanya , nakaalis na siya.

So ganun ? Wala ng good night kiss ?

Joke !! XD

"Thank you."

Bulong ko sa hangin.

Pumasok narin ako sa loob ng bahay namin.

Kumain

Nag toothbrush

Nag shower

Siya parin nasa isip ko.

Hanggang sa pag tulog ko siya parin.

End of Chapter

A/N: Thanks for reading guys

Vampire + GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon