Chapter 17- YES

34 3 0
                                    

Red's POV

Nandito kami sa lugar kong saan ako dinala ni Verenz. Bilog na bilog ang buwan ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa lap ni Verenz.

Bakit?!

Kasi narealize ko kasing hindi kami tapos ganun ? Nakahiga ako sa Lap niya.

Ang pangit tignan. Para lang akong nang aakit ng tao, chos.

Sandaling katahimikan ang nabuo saaming dalawa pero binasag yun ng isang malakas na ingay.

Isang taong napakalakas ang umapak sa lupa, ang nakita naming dalawa ni Verenz.

"Hello sister." Sabi niya. Ngayon alam ko na kung sino ang babarng iyon. Si gray na kapatid ko daw.

DAW ah. Sister, sabi niya eh.

Baka gahaman kaya gusto niya akong patayin para sa trono. Tsssttttt !!

Sakanya na yun. Ano bang silbi nun ??

Wala naman akong pakialam sakanya o sakanila.

Ang gusto ko mamuhay ng maayos at normal , hindi yung ganito.

Hinahabol ng kapatid para sa trono, nanaisinig magpatayan kami at kung ano ano pa.

Hindi ko pinangarap to nuh, baka si Blue, oo, ako? HINDI.

Sisipa siya.

Pero nahawakan ni Verenz yung paa ng bruha.

Hinagis niya ito sa malayo.

Pero nakabalik rin agad yung baliw na babae.

"Infernes sis. Kahit kunting dugo lang isinalin mo diyan sa lalaking yan, malakas siya ah." Sabi niya

"Ngayon hindi ko na pipigilan ang sarili ko." Dagdag pa niya.

Ngayon, sobrang bilis na mga galaw niya.

Halos hindi namin makita ni Verenz yung tunay na kinalalagyan niya.

"May plano ako." Sabi ni Verenz. Halatang seryoso yung mukha niya. Syempre nasa kalagitnaan ng laban tapos hindi magseseryoso? Sinong ugok naman ang gagawa nun?

"Pero dapat magtiwala ka saakin ha. At kapag ito gumana, please lang. Please. Payagan mo akong manligaw sayo kasi gusto kita." Dagdag niya pa. Yung tipong nasa kalagitnaan kayo ng laban tapos yun parin iniisip niya. Shocks !! Kabaliw hahahaha xD

"Oo nalang." Sagot ko sakanya. Inilahad niya ang dalawang kamay niya at pinatong ko naman ang kamay ko sa palad niya.

Hinawakan niya ako ng mabuti at hinagis at ipinaikot ikot niya ang kanyang sarili na parang turumpo.

Oo alam ko. Nakakahilo pero ito nalang naiisip niyang way eh.

Tumigil na siya ng mapaupo si baliw.

"Now, sister! Know your place!!!!"

Pagkasabi ko nun hahampasin ko sana siya ng itak sa ulo para pugutan kaso biglang may dumating.

Isang matandang lalaki.

"Iha. Hindi mo na siya kailangang patayin. Kami na ang bahalang magpataw sa kanya ng parusa." Sabi nito. Ttsssttt. Bakit? Nung pinatay ba nitong baliw na to yung kapatid ko, dumating rin ba siya?

"Sino po ba kayo?!" Tanong ko sakanila.

"Ako ang kapatid nang iyong ama. Ako si Tito Lancilot mo." Sagot nito. Kaya pala parang pamilyar saakin yung mukha niya. Parang nakita ko na yung mukha niya sa isang photo album noon.

"Tito. Pero paano niyo nalaman na." Sabi ni baliw.

"Gahaman ka! Napakasama mo! Ngayon, inaalisan  na kita ng karapatan upang maging Reyna!" Sabi ni Tito Lancilot.

"Ano po ?! Pero---" Aangal pa ang baliw eh.

"Walang pero, pero. Si Sorene Red na ngayon ang bagong Reyna."

"Pero--" angal nanaman ni baliw. Pero sa pagkakataong ito. Pinatulog na siya ni Tito.

"Bukas, magkakaroon ng pagtitipon sa Murayuki Academy upang ipagdiwang ang pagiging Reyna mo iha. Iaayos ko narin pala ang mga papiles mo para makaalis kana sa dati mong eskwelahan." Sabi ni Tito.

"At ikaw iho, dahil bampira kana sa pagkakataong ito. Kailangan mo naring sa Murayuki Academy mag aral." Dagdag pa nito.

Wala naman narin kaming nasabi kay Tito kaya umalis narin siya kasama yung katawan nung baliw na babae.

"Bagong simula." Sabi ni Verenz.

Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin siya saakin.

"Paano ba yan ? Pwede nabakong manligaw ngayon." Sabi pa nito.

Natatawa ako sakanya. Dispirado talaga siya.

"Hindi mo na kailangang manligaw." Sabi ko. Halla. Bakit naiiyak siya? hahahaha

"Ba-bakit?" Sabi nito habang may pumapatak na luha sa mata niya.

"Di mo na kailangang manligaw dahil sinasagot na kita." Sabi ko.

"Hindi naman panliligaw ang pinapatagal eh kundi yung relasyon." Dagdag ko pa.

Hinila niya ako at naisubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Yinakap niya ako ng sobrang higpit.

Para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Mahal na mahal kita Sorene Red." Bulong niya saakin.

"Mahal na mahal din kita Jay Verenz."  Bulong ko din sakanya.



End of Chapter

Mwah !! :-*

Vampire + GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon