TO QUIT OR NOT?

63 5 4
                                    

Sa tanan ng buhay mo na pagiging fangirl, naisipan mo na bang tumigil?

Ako kasi, Oo.

Matagal-tagal na di akong k-pop fan, since 2009 pa. Pero ngayon ko lang naisipan-

"Kailangan ko na bang tumigil?"

"May patutunguhan ba 'tong ginagawa ko?"

Mga tanong na laging bumabagabag sakin.

Oo, Aaminin ko, masaya maging fangirl. Kahit ultimo pag hinga nga lang ng bias mo natutuwa ka na eh.

Ang babaw ng kasayahan natin diba?

Makita lang natin sila sh@pHüT nUüHh.

Nakakatuwa, marami kang natutunan, nakakakilala ng mga kaibigan na sa facebook o twitter mo lang nakakausap pero para bang mag-bestfriend na kayo pag naguusap kayo.

Ilang beses ko na ding naisipang tumigil sa pagiging fangirl, lalo na ngayon na college na ako.

Marami akong priorities, dahil panganay din ako. Kailangan kong itaguyod pamilya namin.

Minsan naiisip ko, may mangyayari ba sa pag bili ko ng album ng mga iniidolo ko?

May mararating ba yung mga merchandise na nabili ko? Nakatambak nga lang sa kwarto ko eh.

May mararating ba ang pag-iipon ko?

Yung hindi ko pag-kain sa school, worth it ba yun?

Yung halos lakarin ko na ang bahay namin hanggang sa school para di makagastos, para lang makita ang bias ko.

Yang paghingi mo ng sampung libo sa mga magulang mo, para lang maka-apir yang bias mo. May narating ba yun?

Kung makahingi ka pa sa magulang mo akala mo, nagtatae sila ng pera. Akala mo piso lang yang hinihingi mo. Magagalit ka pa pag di ka binigyan. Ikaw kaya mag trabaho para sa pamilya niyo.

Masaya

Yung may rason ka para ngumiti, Yung kahit badtrip ka na sa school, nabungangaan ka na ng magulang mo, makita mo lang mukha niya, masaya ka na.

Yung mga oras na makikita mo siyang nahihiya sa fans, matutuwa ka pa tapos sasabihin mo ang cute niya.

Masaya kasi, marami kang natutunan sa kanya. Nalaman mo na kahit ano posible. Na lahat makukuha sa pagsisikap. Bias mo nga, nagtrain ng ilang taon at nawalay sa pamilya nila para lang matupad yung pangarap nila. Ikaw pa kaya.

Sila yung rason kung bakit ka laging masaya.

Naisip mo na ba kung ano ang ginagawa mo ngayon kung hindi ka naging k-pop fan?

Sa tuwing malungkot ka, sa tuwing may pinagdadaanan ka, yung halos gusto mo ng tumalon sa building sa sobrang hirap ng nararanasan mo. Pero marinig mo lang yung boses niya, makita mo lang na masaya siya. Masaya ka na din.

Siya yung nag sisilbing motivation mo sa school, kahit nga yung mga projects o school work mo dapat nandoon mukha ng bias mo eh.

Masaya kasi, marami kang nakilalang bagong kaibigan. Hindi mo inaasahan na magkakaroon ka ng kaibigan na taga- australia pero nagkaroon ka pa din, Halos lahat na yata ng lugar sa pilipinas may kakilala kang isang tao eh.

Yung kahit sa twitter, facebook, kakao o kaya line mo lang sila nakakausap, feeling mo ilang taon mo na sila nakilala. Minsan nga sila na rin ang nasasabihan mo ng sikreto mo eh. Partida hindi pa kayo nagkikita sa personal.

Sa totoo lang, sobrang saya ko nang naging k-pop fan ako, sobrang saya ko dahil nandiyan ang bias ko.

SOBRANG SAYA.

des penséesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon