A letter to my bias (20 years later)

31 3 0
                                    

Kamusta ka na?

Ako 'to yung nagmamahal sayo ng lubusan HAHAHA di mo na ako natatandaan pero okay lang, basta ikaw, di kita makakalimutan.

Ikaw yung naging rason kung bakit ako masaya eh.

Gusto lang kitang kamustahin. Alam mo ba nung nalaman ko na ikakasal ka, umiyak ako ng lubusan. Hindi ko inaakala na dadating yung araw na yun, na may nakabihag ng puso mo at hindi ako iyon. Ang swerte niyang babae. Naiingit nga ako eh.

Pero sino ba ako? Fan mo lang ako. Hindi nga tayo magkaintindihan eh HAHAHA napaka-imposibleng maging tayo, diba? Akala ko noon handa na ako pag nalaman kong may gusto ka, akala ko kaya ko, kaya ko na matanggap na may nagustuhan ka na.

Pero hindi eh, hindi ko inaakala na ganon kita kamahal. Mahal kita hindi bilang fan eh, kung alam mo lang.

Nang malaman kong may grupong mag dedebut, nabihag mo agad ang puso ko, sobrang naging attached ako sayo. Hindi mo ako kilala pero ikaw, kilalang kilala na kita- actually hindi nga eh. Hindi pa kita kilala, hindi ko alam kung ano ka pag walang camera, di ko alam kung paano ka makitungo sa mga tao bago ka maging idol.

Marami akong hindi alam sayo, ang tanging alam ko lang ang nakikita ko sa internet pero sapat na yun para mapamahal ako sayo.

Inantabayanan ko ang pag debut niyo, todo tili nga ako dito ng izoom in ang mukha mo, para akong proud na nanay.

Di nagtagal nagkaroon kayo ng variety shows. Ang cute mo dun! Nung una mahiyain ka pa, di mo nga alam kung saang camera ka titingin eh HAHAHA. Pero dahil diyan sa mga variety shows na yan. Lalo kitang nakilala. Nalaman ko na ayaw mo pala sa ganitong bagay, nalaman ko kung paano ka makitungo sa tao.

Pero, Sana, kung ano yung pinapakita mo sa camera yun ka din sa totoong buhay.

Alam mo ba kung ilang beses ako sumigaw ng "Mahal kita" sa tapat ng computer pag tinatapat yung camera sa mukha mo? Iiyak pa ako niyan. Kasi sobrang proud ako sayo, narating mo yung pangarap mo. Ilang taon mong pinaghirapan yan para makatungtong ka sa entablado. Sobrang proud ako sayo! Ang dami mong hirap na dinanas pero nandyan ka pa din, todo ngiti ka pa din!

Lalo kayong sumikat, tapos nagkaroon pa kayo ng 1st win, sobrang saya ko nun! Sabay pa nga tayong umiyak nang kunin niyo yung trophy eh! Lalo kayong sumikat, sunod-sunod na tuloy ang schedule niyo. Naiiyak ako pag nakitang pumapayat ka at lumalalim ang eyebags mo. Masyado ka ng napapagod pero wala eh- trabaho mo yun. Diyan ka masaya pero sana naisipan mo na tumigil muna, magpahinga muna kahit ilang sandali. Wag mong pahirapan yung sarili mo kaka-practice.

Alam mo ba, dati nagkaroon ng mga fanwars. Syempre pinagtanggol ko kayo. Wala naman silang karapatan para ganunin kayo eh, bakit alam ba nila yung dinaranas niyo? Hindi naman diba. Anong karapatan nila na ganunin kayo.

Ilang taon na din ang lumipas simula ng debut niyo, tapos nag-announce pa kayo ng world tour! Kaso di ko inaasahan na kasama ang pilipinas kasi ang nasa mapa lang naman ng kompanya niyo ay japan at china.

Pero nagulat ako na kasama ang pilipinas! Todo iyak ako nun kasi pupunta kayo dito saka dahil wala akong pera HAHAHAHA.

Hindi ko pinaglagpas yung pagkakataon na makita ka syempre. Kahit dalawang oras lang concert niyo sapat na sakin yun!

Alam mo ba yung baon ko na 100 pesos? Pamasahe lang ang nababawas diyan! Minsan nga linalakad ko nalang pauwi eh. Yung lunch ko? Psh! Di problema yan, uso naman mangburaot.

Ilang beses din akong humingi ng pera sa magulang ko pero ang sagot lang nila "Gagastos ka ng ganyang kalaking pera para lang sa concert?"

Napapa-isip din ako, kailangan ko ba talagang gumastos? Worth it ba 'to? Pero mawawala lahat ng yan pag nakita ko mukha mo sa laptop ko. Wallpaper kaya kita!

Nung pre-selling, pumila ako ng sobrang aga, kasi gusto ko makita kita ng malapitan. Para masabi ko sayo na mahal na mahal kita.

Natatandaan mo pa ba yung babae na sigaw ng sigaw ng pangalan mo at umiiyak nung concert niyo? Hindi? Hindi naman nakakapagtaka, ang daming tao sa venue, tinatawag yung pangalan mo. As if naman na maalala mo ako.

Sobrang dami kong naramdaman ng araw na yun! Di ako makapaniwala na nasa harap kita. Di ako makapaniwala na totoong tao ka HAHAHA. Naiyak ako tuwing kumakanta ka kasama ng mga members. Nakakaiyak kasi namemorize ko na yung english translation ng lahat ng kanta niyo kaya lalong mas dama ko yung mga kinanta niyo.

Thank you.

Gusto kong magpasalamat sa'yo, Nagpapasalamat ako na nabuhay ka sa mundong ito. Nagpapasalamat ako na hindi ka sumuko sa pangarap mo. Nagpapasalamat ako dahil naging matatag ka, hindi ka umurong sa lahat ng problema at paghihirap na dinanas mo.

Nagpapasalamat ako na lahat ginagawa mo para ipakita lang ang pagmamahal mo sa aming mga fans. Nagpapasalamat ako na kahit hindi ka na nakakatulog, gusto mo pa rin mag-ensayo para sa fans.

Nagpapasalamat ako kasi di mo pinabayaan yung sarili mo.

Nagpapasalamat ako at naging rason ka para mabuhay ako. Nagpapasalamat ako na ikaw yung rason kung bakit ko gustong magsikap sa buhay.

Gusto kitang pasalamatan dahil napangiti mo ako araw araw.

Nagpapasalamat ako na isa ako doon sa mga fans na pinapasalamatan at iniingatan mo.

Nagpapasalamat ako dahil lahat ginawa mo para maging masaya ang mga fans mo, kahit di ka na nakakatulog ng maayos kaka-practice.

T
Sorry.

Sorry kasi hindi kita matulungan pag malungkot ka.

Sorry dahil sa social media accounts mo lang kita nakakamusta.

Sorry kasi hindi ako naka-attend ng first concert niyo. Hanggang audio stream nga lang ako eh, nagla-lag pa.

Sorry kasi wala ako nung first win niyo, pero wag ka mag alala todo boto ako para sa inyo.

Sorry kasi naisip ko dating tumigil bilang isang kpop fan.

Sorry kung nagalit ako nang malaman kong may girlfriend ka na, sorry kasi naging makasarili ako.

Sorry.

Ang hiling ko lang, sana masaya ka sa buhay mo ngayon. Sana inaalagaan mo ng mabuti yung asawa mo- Alagaan mo siya ah. Kasi maraming tao ang nagkakandarapa na maging asawa mo.

Sana wag mong kalimutan yung mga memorya mo bilang idol.

Alagaan mo yang sarili mo ah! Ilang beses ko na yan sinabi sa twitter mo pero syempre di mo nakita yon. Wag mong papabayaan ang sarili mo.

Sana humaba pa yung buhay mo, sana wala kang nararamdaman na masamasa katawan mo.

Wag mong kakalimutan kung sino ka bago ka pa maging singer.

Wag mong kalimutan yung mga kamyembro mo.

Wag mong kalimutan na kahit nasaan ka man, kahit ano na ang itsura mo, kahit di mo na ako nakikilala, kahit lalo ka pang tumanda, kahit may asawa ka na at anak, kahit anong mangyari, Mahal na mahal kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

des penséesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon