Kung ang tamang panahon na ating pinagkakatiwalaan ay ang panahon pala na ako'y iyong iiwan, masakit man isipin at mahirap man tanggapin ngunit kailangan gawin.
Kung ang pagibig na iyong ibinigay ay babawiin lang ng isang araw wala na akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan.
Kung sa paggising mo di na ako ang mahal mo isipin mo na ang pagmamahal ko sayo ay hindi magbabago.
Kung ang tadhana na sa pagkakilala ko sa iyo ay tadhana para malaman ko ang salitang kuntento mahal isa lang ang sasabihin ko sayo, kung ikaw minahal ko ng totoo bakit ka nagbago?
