Paano

34 0 0
                                    

Nais sana sumulat ng galing sa puso, nais magkumpas ng mga salitang tagos sa damdaming hihigitan ang sakit, sakit na iyong pinaramdam sa panahong iyong iniiwan

Pero paano? Paano pa magagalit ang pusong sinugatan kung ang iyong pangalan pa rin ang sinisigaw?

Ako'y nalilito paano din ba malilimutan ang mga pag-iyak na ikaw ang dahilan?

Paano ba malilimutan ang sakit kung ikaw pa din ang aking minamahal?

Paano ba tuturuan ang pusong ito na makalimot?

Paano ba lalakad palayo sa mga pangako mong napako noong pinili mong ako'y saktan?

Paano ko masasabing hindi na kita mahal kung sa saya man o lungkot ika'y naaalala?

SugatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon