O kay bilis ng panahon Parang kahapon lang noong tayo'y pinagtagpo.
Parang kahapon lang ang ligaya'y nakamit at wala ng hinihingi pang kapalit.Parang kahapon lang ang tibok ng puso'y pangalan mo ang sinasambit.
Ngunit kahapon ay nagdaan.Ang lumipas ay di na maaaring balikan.
O kay bilis ng panahon hanggang sa sumapit ang pagkakataon.Ang binitawang salita na Mahal kita ay ngayon nauwi sa salitang Ayaw ko na.
O kay bilis ng panahon akala ko panghabambuhay ngunit panaginip lang pala iyon.O kay bilis ng panahon pangalan ko'y nakasulat sa iyong puso't isipan tila'y nalimutan at naibaon.
O kay bilis ng panahon ngayong paggising wala ka na di tulad noon.
O kay bilis ng panahon ika'y tuluyan ng lumisan at kailangan ko na alisin ang mga alaala na naidulot mong sakit na sa aking puso't isipin ay lumalamon.
O kay bilis ng panahon lahat ng sugat na iyong naibigay ay kailangan ng maghilom.
Paalam aking mahal dahil ito na ang tamang panahon na para ako'y bumitaw dahil wala ng dahilan para humanap pa ng makakapitan.
