Kung aking iisipin may isang dahilan kung bakit ikaw ay dumating. Ngunit ano nga ba?
Kung aking sasabihin ang laman ng isipan tanong sa sarili ito nga ba'y iyong magugustuhan?
Sa mga nakaraang panahon na ikaw ay nakasama puso ko ay tumatalon sa sobrang saya.
Kung aking sasabihin na ika'y mamahalin, pang habangbuhay iyo bang gagawin?
Kung sa bawat katahimikan ikaw ang naaalala bakit ka pa mawawala?
Sa bawat kumpas ng awit, sa bawat himig ng pag-ibig na naririnig bakit ikaw lagi ang bukambibig?
Sa mga alaala bakit kailangan pang sumaya kung mawawala rin pala?
Masakit man isipin ngunit kailangan tanggapin, na tayo'y pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana.
