Her thoughts

39.5K 1.4K 285
                                    

Hindi iisang beses kong itinanong sa sarili ko kung bakit ganoon ko kamahal ang asawa ko. Alam ko na mahal ko siya pero kung minsan ay nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi, mapapatitig ako sa kanya pagkatapos ay tatanungin ko ang sarili ko kung hanggang kailan ko ba siya mamahalin. Nakakatawa siguro kung iisipin pero minsan ay kinatatakutan ko na bala magising na lang ako isang araw na hindi ko na mahal si Lukas Consunji.

Natatakot akong baka hindi ko na siya mahalin at kapag nangyari iyon, ano na ang gagawin ko? Saan na ako pupunta? I don't want to unlove him. I spent years building a world around him and dreaming his dreams for him. I love Lukas with all my heart and soul and all that I can offer him...

But until when?

Bata pa kaming dalawa. Marami pa ang mangyayari.

Hindi naman kaagad nasagot ang tanong kong iyon. Kuntento na lang ako sa araw-araw na nagigising ako at mahal na mahal ko pa rin siya. Pero hindi naman ako nainip sa paghihintay kung kailan ko masasagot ang tanong na iyon.

It was answered on Ares' seventh birthday.

Hiniling sa amin ni Ares na magpunta sa Disneyland bilng regalo sa birthday niya. Hindi naman nagdalawang isip si Lukas at agad na ibinigay ang gusto ng anak namin. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na aalis kaming pamilya. First time ni Ares sumakay sa eroplano. He was very excited too.

Dumating ang araw ng pag-alis namin. Nasa airport kami at naghihintay ng boarding time. Siyam na taon na si Hera noon at wala siyang ibang ginagawa kundi ang sundan at kumandong sa ama niya, si Hermes naman ay walong taon na at busy sa paglalaro sa psp niya. Si Ares naman ay nakayakap sa baywang ko.

"Mama natatakot po kasi sabi ni Ate itutulak niya daw po ako sa window." Ares sobbed. Binalingan ko si Hera na nakangisi sa kapatid niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Sinabi mo iyan, Adriana?"

"Beast mode na naman si Mama. Bakit mo sinabi iyon, Hera?"

"Pa, I'm just kidding, Ares. Plus it's so fun when he's scared."

"Paluin kaya kita dito sa airport mismo? Apologize to your brother."

Tumayo siya at lumapit sa kapatid niya. "Sorry, Ares. Hindi na kita aawayin ngayon, pagdating natin sa Disneyland iwawala kita."

"Hera Adriana!" I hissed.

"Joke nga lang po... sorry mama." Bumalik siya sa kandungan ng Papa niya tapos ay nag-sorry na din siya. I was shaking may head. Napakamaldita ng anak ko. Manang mana sa tyahin niya.

"Ma, napupupu po ako." Wika pa ni Ares sa akin. Agad naman akong tumayo para samahan siya sa bathroom. Hindi naman siya nagtagal at lumabas na rin siya. Magkahawak kamay kaming bumalik sa inuupuan namin. Sakto naman ay tinawag na ang flight number namin.

Sa first class kami nakaupo. Ang magkatabi sa upuan ay si Lukas at Hera. Si Hermes naman ay katabi ko pati na rin si Ares.

Tulog lang ang bunso ko sa buong byahe, nagulat ako nang bigla na lang tumabi sa akin si Lukas. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ano na naman?!" Kunwari ay naiinis ako.

"Miss na kita, babe..." Kinindatan niya ako. Ninoohan ko siya. "Isipin mo, mamaya pagod ang mga bata.. are you ready for baby number four?" He winked. Bigla ay natawa ako.

"Bakit pa napakalibog mo? Nasa eroplano tayo?!"

"Pwede tayo sa bathroom. Public sex." I laughed again. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Bakit ba mahal na mahal kita? Hello, pinikot mo lang kaya ako!"

"Mama, ano po iyon malibog at sex?"

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon