Beneath the tears

55.7K 2K 444
                                    

                  

"Bakit ba iyak ka nang iyak?"

Hindi na yata nakatiis si Adonis na tanungin ako. Nasa ibabaw ako ng hood ng sasakyan ko. Nakasandal naman siya sa gilid habang binabato ang kung ano. Pinunasan ko ang luha ko at saka niyakap ang binti ko.

"Naniwala akong hindi niya ako minahal." Malungkot na wika ko.

"Tsk. Paano mo naman nasabi na minahal ka?"

"Eh di iyong mga words niya. Arabic chuchu." Umingos ako. Sinabi ko kay Adonis iyong isang sinabi sa akin ni Eos kanina.

'Ah! I cannot let you go. I don't want to leave."

Lalong nagngalit ang puso ko. Why the fuck did he say all that?

Piningot ko si Adonis. "Aray ha! Hindi ko  kasalanan kung Malabo kayong dalawa ni Tandang Eos slash Rayuma Man. Tsk! Tia, iyan ang sinasabi ko sa'yo. It's in you if you want to live in the past or throw it away. Sabi nga sa paborito kong pelikula, keep moving forward.

I found myself smiling. "Paborito ko rin iyon..."

"See! May similarities na tayo! Malapit na tayong hindi maging tao kasi magiging bagay na tayo!" He giggled. Napapansin ko na kapag tumatawa siya ay nawawala ang mga mata niya. His dimples were showing pero nawala ang pagtawa niya nang mag-ring ang phone niya.

"Hello? Third most handsome man on earth speaking!"

I rolled my eyes. Gago talaga.

"Ngayon na, Mommy? Pero nasa sideline ako? Bakit naman? Hindi ba matutuloy ang birthday niya nang wala ang ikatlong pinaka-gwapo?" Tumawa pa siya. Tumahimik tapos nagbuntong-hininga. "Fine, fine, fine. Love you din, Mommy." Matapos ang tawag ay bumaling siya sa akin.

"Uuwi na kita. Kasi may birthday party." Wika niya. Pero ayokong umuwi.

"Pwede bang sumama na lang ako?" Natigilan pa siya na tila ba nag-iisip. He sighed and then, inalalayan niya ako pababa ng hood at pinagbuksan ng kotse. Sa back seat niya ako pinauupo pero lumipat ako sa tabi ng driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pa sa kanya.

"Sa Firing range. Debut kasi noong kinakapatid ko."

My eyes widened. Debut sa firing range? That's a first.

Malayo –layo ang nabyahe namin. Nasa City kasi ang firing range samantalang kaming dalawa ay nasa Tagaytay.

Matapos ang ilang oras ay nakarating din kami roon. Pagbaba ko ng kotse ay nakilala ko agad ang Camaro ni Heath na nakaparada doon. I was actually glad na may kamag-anak ako ditto maliban kay Liv at Uncle Simoun. Sa totoo lang kasi, si Liv, parang mas malapit siya sa side na ito kaysa sa side namin. She grew up being surrounded by guns and curses habang ako naman ay pampered princess na napapalibutan ng diamonds and golds.

Pumasok na kami sa loob ng firing range. Nakipag-usap si Adonis sa kung kanino tapos ay sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. The firing range had a very military vibe. Nagkalat ang mga mannequin na naka-soldier uniform na may nakasukbit na baril. Sa pader naman ay may naka-hang na pictures ng world war II at kung ano-anong gyera. Sa kabilanh side ay may pictures ng kilalang general sa mundo. Sa isang side ay may picture ng Mt. Pinatubo habang sumasabog.

It was really something. First time ko dito.

Pumasok kami sa east wing. Agad kong nakita iyong dulong side kung saan may open area. Nakakarinig din ako ng nagtatawanan at nagmumurahan like

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon