Forbidden

38.6K 1.5K 599
                                    

Tia Vejar took me home that afternoon. I never liked her rotten spoiled brat attitude because it's getting to my nerves. Nakisakay lang ako sa kanya kanina dahil matatagalan ang driver ko sa pagsundo sa akin dahil nagkasakit ang driver ni Mama kaya ipinahiram ko muna ang akin. Pwede namang sunduin ako ni Daddy or ni Heath or Hunter pero hindi ko bet kaya inasar ko na lang si Tia. Natuwa naman ako sa reaksyon niya. Her reaction made my day. Pikon talaga si Tia.

"Nandito na si Daddy? Si Mama po?" Tanong ko sa maid nang masalubong ko siya. Sinabi niyang nasa itaas daw su Daddy at nagpapahinga. Agad naman akong tumakbo paakyat sa itaas para puntahan siya.

"Daddy!" Bungad ko sa kanya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at para bang may binabasa. Agad naman niyang ibinaba ang papeles at tiningnan ako. Sinalubong niya ako ng ngiti.

"Hello, baby girl."

I giggled when he called me that. Sabi niya kahit ilan taon na daw ako, ako pa rin ang number 1 baby girl niya. Naupo ako sa visitors chair na naroon sa harapan ng table niya. I stared at him. He is growing old pero gwapo pa rin ang Daddy ko. Kamuka niya si Kuya Hyron at Hunter. Si Kuya Heath kasi ay kahawig naman ni Uncle Yllak.

"Ang aga mo. Sinong naghatid sa'yo?"

"Si Tia na napakasungit po, Dad. Naisip kong tawagan ka pero kaya ko namang asarin siya sa ride home so okay na. Daddy gusto ko ng goto." Ungot ko sa kanya. I know kung maririnig ako ni Lola Laide ngayon ay pagagalitan niya ako. Gusto ko kasi iyong goto doon sa may street kung saan nakatira dati sila Mama ko. Noong bata ako panay akong dinadala ni Mama doon lalo na noong matagal nawala si Daddy dahil tumira silpya sa Greece nang mag-isa.

Pagbalik naman ni Daddy tatlo na kaming panay kumakain doon.

I giggled when Daddy put down his eye glasses and smiled at me.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon