November 19,2015 *EVENING*
~JOVILOU's POV
Yun Oh! May POV na rin! Hehehehe. 5:00 pm na. Exciteeeeeeeed na ko mamayaaaaaa. Wohoooo! Sana matuloy to! Hays. Sana payagan kami lahat.
As you don't know, nagplano kaming magpunta ng agro (which is FabFair every BER months)
At eto ako ngayon, magbibihis na. Hehehehez.
"JOVILOUUUUUUUUUUU! JOOOOOOOV!" Ay sila Sheila na yun!
"WAIIIIIIIITTTT!" sigaw ko sakanila. Dali dali akong nagbihis ng pang-alis. Naririnig ko naman sila Rochelle na nakikipag-usap kay Mama! Nakuh. Kung ano ano nanaman siguro yung pinagsasabi ni Mama. Hahahahaha!
Nang matapos na kong magbihis. Lumabas na ko. Nakita ko naman silang nakatayo na nakikipag-usap kay Mama. Si Sheila palang tsaka si Rochelle pala to
"Ma, Alis na po kami" paalam ko kay Mama tsaka kami naglakad na paalis. Pinuntahan namin si Carmella at hinintay namin saglit tas dumiretso na kami kila Dianne.
"Ditcheee, Hahahahaha!" sigaw ni Carmella. Ditche kasi yung tawag ng pamilya ni Dianne sakanya e. Pangalawang ate daw yung meaning. Tas ako Ngengay, Sheila-Ella, Carmella-Oleen, Rochelle-Balat, Allysa-Jose! joke. HAHAHAHA. Di ko alam e
Nakita namin si Dianne na hindi pa nakabihis.
"Paalam niyo ko" sabi niya samin
"Pwede po bang sumama si Dianne sa Agro? Manunuod lang po ng Dance Contest!" paalam ni Rochelle sa Mama ni Dianne
Si Rochelle lang nasa tapat ng pintuan na nagpapaalam, kami nila Carmella at Sheila medyo nasa bababa. Para nga kaming mga NAGMAMAGANDA e. Feeling Model amputspa! Hahahaha.
Pag sinasabi ni Rochelle na "One..Two..Three..POSE!" kaming tatlo naman sabay sabay na nagpopose. Wahahahaha! Bagong pausong pose daw ngayon sabi ni Carmella. "Sakit tyan Pose" tas nagsample siya. Ginawya naman namin siya. HAHAHAHAHA!
Nung una ayaw pa kaming payagan, pero dahil ang GAGANDA namin (lalo na ako Wahahahaha!) pumayag din pero saglit lang daw dapat si Dianne. Bago mag8:00pm dapat nakauwi na siya. 5:40 na.
Bumaba pa kami para sunduin si Allysa! Sana payagan para kumpleto kami wehehehehe. Nandito na kami sa harap nila at TENEN!!!
NAKITA NAMIN SIYA NA NAKAUPO SA MOTOR NILAAAA! YEHEY!
"Woooooh! Kumpleto tayo!" masayang sabi ni Carmella. Dapat sasama yung kapatid niya. Eh hindi pinayagan. Sayang! Pero okay na yun atleast kumpleto kami
Dumiretso na kami sa may sakayan ng jeep. Nakakatuwa lang! Nag-eenglish sa harap ng maraming collage students like "Why so tagal ng jeep!" sabi ni Sheila. Wahahaha!
Dumating na yung jeep at nagunahan kami sa pagsakay. "Uy! Ladies First!" sabi ko
"Oh edi mahuli ka! HAHAHAH!" pilosopong sabi ni Carmella tas nagtawanan sila. Grabe silaaaa! Di nila iniintindi yung feelings ko huhuhu T________T
Nang makasakay na lahat sa jeep. Tabi tabi kami siempre! pero kawawa talaga si Carmella e. Sa dulo pa kasi umupo upo, ayan tuloy taga abot siya ng bayad ng iba
"Paabot nga ulit!" sabi nung kuyang collage student
"Tinotorture mo ko kuyaaaa" reklamo niya. Natawa naman kami. Hahaha
"Sakin lagi inaabot grabe!" sabi niya ulit ng mahina pero rinig namin ni Sheila kaya medyo natawa naman kami
Maya maya, biglang nagpatugtog yung driver ng Christmas song. Mas lalo kaming natawa dahil puro pang 70's yung kanta
"Kuya pwedeng ano.. 7/11 na kanta hahah" sabi ni Sheila sa driver
"Kuya parequest po ng nae nae" sabi ni Carmella tas nagtawanan ulit kami. Mga gag* HAHAHAHA! Lalakas ng trip!
Nakarinig naman si Sheila ng kanta na ginawa niyang isang napakalaking JOKE. Hahaha!
"Uy diba classmate niyo yun?" tanong ni Sheila
Nung una di pa namin nagets.. Tas sabi niya pakinggan daw yung kanta.
Pinakinggan naman namin yung lyrics..♪♪ *la la la la blah blah blah GLORIAA!* ♪♪
"Ah Gloria" sabi ni Carmella.
Oo nga no? GLORIA! Pangalan ng classmate namin. Wahahahaha!
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa naming tatlo. Pinakinggan namin ulit tapos every sasabihin yung word na Gloria sasabayan naming tatlo tas bigla kaming matatawa Hahahaha!
Pinagbawalan naman kami nila Rochelle. Ang iingay daw naming tatlo. May sarili kasi silang mundo e. Hahahaha! Pinaguusapan nila yung sa wattpad.
> F A S T F O R W A R D
Nandito na kami sa Fab. Pumila kami at bumili ng ticket. Nang makapasok kami sa loob hindi pa nagsisimula yung dance contest kaya we decided na magikot muna. Window Shopping. HAHAHAHA Joke lang! Si Dianne, tinulungan naming makahanap ng regalo para sa debut ng ate niya bukas.
So ayun! Nauwi kami sa damit nalang daw. Ang ganda nga ng design na napili nila eh. Ang mura pa.
Tapos nun, umupo na kami sa may damuhan para hintayin yung contest. 7:20 na pero wala pa rin. Kaya umuwi na Si Dianne.. Diba nga? Bawal siyang tumagal. Hinatid namin siya hanggang sakayan ng jeep tas nung bumalik kami nagsisimula na. Humanap kami ng magandang pwesto, marami na kasing pwesto e
Napansin namin na hindi mapakali si Sheila. May katext ata. Hahaha!
"Uy ano ba!" iritang sabi ni Carmella.
"Tama ka na bingot!" sabi ko sakanya
"Di ako bingot.... Ngongo lang! Hahahaha!" sabi ni Sheila tas tumawa kaming lahat
"Tama ka ng ngongo!" sabi ko sakanya
> F A S T F O R W A R D
"Let's all welcome....! STREET FLAVAS!!" sabi nung MC sa stage. Nagsitayuan ang lahat tas kami nagsisigaw. Bigla ngang nawala si Sheila tsaka si Carmella e. Bibili lang daw!
Maya maya, Biglang may tumabi samin
"DANIEEEEEEEEL!" sigaw ko sakanya
"Tumigil ka nga! Heee! To!" sabi ni Daniel. Hahaha! Ganyan talaga yan!
So there. Pagkatapos naming mapanuod lahat ng participants lumabas na kami ng Fab. Dumiretso kami sa Ministop. Bumili ng kung ano ano. Tapos lumabas din agad
"Hi!" sabi nung mga lalaking nakasalubong namin. Mga collage students din
"Helloooo!" sabi namin nila Carmella
"Oh diba kuya? Friendly kami?" sabi ni Carmella
"Oo nga! Di kami snob kasi di kami famous!" sabi ni Sheila
Tapos nagpunta na kami sa sakayan ng Jeep. Malas lang! Wala ng sasakyang dumadaan! Puro bus,truck at tricycle kaya no choice kami kundi magtricycle. Kaming tatlong nasa loob kasama ko si Carmella and Allysa. Parang ewan =____= Uso kasi ngayon ang kidnaping! kaya ayun, Nagplano kami kung sino yung mauunang tatalon pag nagkataon. Hahahaha! Kinbisado ko pa nga yung plate no. e. Hahahahaha! Grabe!
-----
So ayun na! Tapos na ang kwento! Hays. Nice Bonding Together. First time na bonding sa Gabi na kumpleto kami. Yieeeee. Ang saya sobraaaa! Sana may NEXT TIME. Sorry kung ngayon lang naupdate!
BINABASA MO ANG
BESTFRIENITY [EDITING]
Teen FictionSix Gorgeous, six bestfriends with different personalities. Ano nga bang mangyayari kapag pinagsama-sama silang anim?