January 25, 2015
~ALLYSA's POV
(A/N: Ay oh! May POV din! Si Author ansaya! Haha Eksdi! Enjoy!)
"Ang tagal nila oh! Nakakainis!" reklamo ni Jiggy. Kaklase namin.
Nandito kami ngayon sa school. Wala namang pasok pero nandito kami dahil magpapractice daw at gagawa ng props para bukas.
"Akala ko ba 8:00!? Aba 10 o'clock na sampu palang tayo!" reklamo ni Carmella. Wala na kasing dumadating na kaklase namin, puro ibang sections and grade level lang. Kahit holiday ngayon, ang dami pa ring busy tulad ng section namin.
After 1hour, wala pa ring nagagawa. Puro laro lang at upo yung ginagawa namin, pano ba naman! Lahat tinatamad dahil konti lang kami.
Gagawa pa ko ng script sa Filipino eh. Tsk. Maya maya, inilabas ni Nikka yung palda sa bag niya. Yun ata yung hinihiram ni Jov sakanya. Tapos may inilabas ulit siya na palda, parang pangschool siya pero may design na bulaklakin kaso lang maliit yung bewang.
Nandito kami sa Math Park ng school dahil dito kami naghihintay. "Kasya sayo to Carm! HAHAHA!" pang-aasar ni Nikka
"Bagay sakanya to!" sabi ko na hawak yung palda. Payatot kasi yan si Carm pero matangkad.
"PAG AKO TUMABA!" sigaw niya kaya nagtawanan kami. Ibinigay ko yung palda kay Carm tapos inihagis niya kay Jov.
"Try ko! Try ko!" sabi ni Jov.
Isinuot niya yung palda pero hindi naipin dahil masikip nga. Hinubad ulit ni Jovilou tapos ginawa niyang parang dress.
"Pfft. HAHAHAHAHAH" tawa naming lahat.
Sikip na sikip siya sa palda kaya yung mukha niya akala mo tumatae. Hahaha! "Ganto kasi yan Jov!" tumayo yung kaklase naming si Jene Bave at tinulungang isara yung palda
"ARAAAY!" sigaw ni Jov. Pinipilit kasi talaga ni Jene Bave na isara hanggang sa yung boobs niya nawala na. Naflat chested daw. HAHAHA.
"HAHAHAHAHA" tawa naming lahat.
"Wait konti nalang! HAHAHA!" sabi ni Jene Bave. Nang naisuot na yung palda na ginawa niyang dress, halos mamatay na siya sa sikip habang nagtatalon pa.
"TENGENE TANGGALIN NIYO OY! ARAY!" Sigaw niya
Kami? Halos mamatay din sa kakatawa dahil parang natatae yung mukha ni Jovilou
"ANG SIKIP! ANG SAKIT! HUY TANGGALIN NIYO NA!" sigaw ulit niya
At dahil naawa kami, hahaha siempre tinanggal namin.
Pagkatapos, nagpractice lang kami ng nagpractice. Mga alas tres na kaming nakapagsimula pero hindi pa rin naayos. Hayy. Hindi narin kami nagtagal sa paghanap ng props dahil medyo wala namang kaylangang props sa performance namin. Pinagmeetingan lang din namin yung mga susuotin.
I therefore conclude, Di ko feel na bukas na pala ang performance dahil hindi parin maayos.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENITY [EDITING]
Teen FictionSix Gorgeous, six bestfriends with different personalities. Ano nga bang mangyayari kapag pinagsama-sama silang anim?