BFTY 13: Nagdahilan

6 2 0
                                    

January 29, 2016

DIANNE's POV

Uwian na YES!! Okay. Hahaha. It's reli reli prayday. Witur! HAHAHA.

Napag-usapan namin na HINDI muna dadaan sa park. My ghad! Namumulubi talaga kami kapag dumadaan sa park at bumibili ng pagkain. HAHAHA. Pero siempre, sa monday, back to normal naman.

"Oy tara na! Wag tayong tatambay sa park ha?" paalala ni Carmella

"Oo nga, lagi nalang tayong nandun" comment naman ni Allysa

"Hala? Bakit?" tanong ni Jovilou

Hindi niya nga pala alam na pinagusapan namin yon kahapon, NAG HALF DAY kasi yang bruhildang yan!

For sure, as in SURE NA SURE naman kami nagdadahilan lang yan. Napagchismisan pa nga namin siya kahapon eh.

F L A S H    B A C K ~

(January 28 MORNING)

Last subject na namin to ng umaga, konti nalang lunch na!

"Araaaay! Ang sakit ng puson ko huhuhu!" biglang sigaw ni Jovilou.

Wala kaming teacher ngayon kaya medyo may kanya kanya kaming mundo. At halos lahat kami ay sabay na sabay na tumingin sa gawi ni Jovilou.

Nakahawak siya sa tiyan niya habang namimilipit daw sa sakit. Abay! Drama ng babaitang to?

"Jovilou! Wag ka nang maingay!" saway ng mga kaklase namin sakanya

"Ano ba yan! Pwede namang tumahimik nalang diba? Kailangan pang isigaw!" reklamo ni Carmella. Oo nga naman, usually ang babae kapag masakit yung puson tahimik lang at walang kibo. Eh si Jovilou? Ayun! Nagpapapansin.

Bigla siyang tumahimik saglit and then after some minutes nakita ko siyang naglalakad. Maayos naman yung lakad niya ah? Parang normal lang. Akala ko ba-- Ay tangene. Parang alam ko na!

"Oh akala ko ba masakit puson mo!? Bakit palakad lakad ka diyan?" tanong ni Nikka, one of our classmates.

"Masakit naman talaga eh!"

"Tss. Masakit ba yang ganyan? Parang normal lang yung lakad mo" sabat ko sa usapan nila kaya ayun umupo nalang siya at dumukdok

E N D   O F   F L A S H B A C K~

Nung uwian na namin nung tanghali, ayun hindi na pumasok. Nagpagawa pa nga ng excuse letter kay Allysa. Oh diba? OBVIOUSLY.

Maya maya, nakaisip nanaman kami ng trip. Hehez. Mapapasabak kami sa todo acting dito ah! Magagamit ko na yung acting skills ko. Sana madiscover. Joke hahaha!

Habang naglalakad sa daanan, nagkatinginan kaming lahat except kay jov na medyo nauunang maglakad.

Then, 3...2...1... "ARAAAAY! ANG SAKIT NG PUSON KOOO!" sigaw naming lahat habang may pahawak effect pa sa tiyan. Bigla namang napatingin si Jovilou samin at pinaghahampas kami.

"Ay syet ang sakit talaga!" reklamo ni Sheila pero acting lang

"Oo nga! Hindi ako papasok mamaya!" acting ni Rochelle

"Ang saket ng pusooon ko! Araaay!" acting ko rin

Lahat kami ginaya lahat ng ginawa ni Jovilou. Kuhang kuha nga namin eh! Hahahaha! Hindi namin siya tinigilan

"Umamin ka muna samin!" sabi ni Rochelle

"Oyah. Nagdadahilan ka lang kahapon eh!" sabi ni Carmella

"Obvious naman na hindi talaga masakit puson mo!" Allysa

"Hindi nga, totoo naman. Masakit talaga yung puson ko!" Jovilou.

"Talaga lang ha? Sabi mo kaya sakin kahapon ayaw mo lang pumasok" sabi ni Rochelle kay Jovilou. Oh kitams?

"OO NA! AYOKO LANG PUMASOK!" sigaw niya. Oh diba? Diba? Ayown. Nagsabi rin

"HAHAHAHAHAHAHA!" sabay sabay na tawa namin. Nakakatawa lang yung expression ng mukha niya.

"Pfft. Hahahaha! Naniwala ka naman sa sinabi ko? Wala ka namang sinabi na hindi ka papasok kahapon. Eh hindi nga tayo nagkita nung tanghali! hahahahaha!" sabi ni Rochelle habang tawa ng tawa

Hindi narin namin napiglang tumawa "Pfft. HAHAHAHAHAHA!" tawa namin. Walang kupas! Jovilou for Vice President! IMBORNAL! HAHAHA. Hayuuuup!

"Hala? Eh totoo naman yun eh! Masakit talaga!" Oh, magpapalusot pa to!

"WALAAAA!" sigaw ko

"Bistado ka na!" sabi ni Carm

"Kami pa lolokohin mo?" sabi ni Allysa

"Oya. Kilala ka na namin!" sabi naman ni Sheila

Sabi ko na nga ba, NAGDADAHILAN LANG SIYA. Kilala na namin yung buong pagkatao ni Jovilou. Haha. We know each other very well. Sa 3 years pagsasama ng barkada diba?

BESTFRIENITY [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon