November 27,2015
~ALLYSA's FEEL
Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Masaya kami. May mga times na oo sobra sobra yung sayang nararamdaman namin kapag buo kaming anim. Pero hindi din sa lahat ng oras..
Nakakainis kasi! Ano bang problema ni Jovilou? Sinabihan lang siya na magbago dahil medyo nakakainis na yung ugali niya DATI oh tapos ganyan? Isang tanong mo lang magsusungit agad? Magmamaldita? Ang dami niyang excuses makaiwas lang samin. Tch
~SHEILA's FEEL
Naiirita ako ngayon kay Jovilou! Bwisit! Ano bang ginawa namin sakanya? Para magkaganun siya? Bawat pag-aaya namin sakanya ang dami dami niyang excuse? "Kailangan ko pang magluto!" "Pinapauwi ako ng maaga!" Tapos bigla nalang aalis. Argh! Kabanas!!
Kagaya ng kanina. Nung nasa Chi Alpha kami.. Tinatanong siya kung ano yung mga karanasang nagpabago sakanya tapos ang sagot niya "Kaibigan po" Oh diba? Kaming dalawa ni Rochelle maiiyak na dahil alam namin na KAMI yung tinutukoy niya. Tinanong ulit siya kung sa paanong nagbago sa kaibigan pero hindi siya sumagot! Enebe. Peene ne te?? >____< Err.
~DIANNE's FEEL
Alam niyo ladies and gentlemens.. Wala ako that day (may lagnat kasi yung kapatid ko kaya di ako nakapasok) pero alam ko yung nararamdaman nila syempre!
Naiinis rin ako oo pero medyo naiintindihan ko si Jovilou kasi minsan mali na rin na siya yung laging nadidihado at nabubully sating anim. Siguro akala natin okay lang sakanya pero hindi pala. Siguro akala natin nakakatawa yung mga sinasabi natin sakanya pero para sakanya deep inside masakit sa pakiramdam yon.
Oo! Ako rin! Sobra kong naiinis kasi yung pagbabagong ginawa niya Mali e. Mas doble pa. Mas worst pa! Siguro dapat. Bigyan muna natin siya ng time.
~CARMELLA's FEEL
Kengene nemen des. Ang daming problema mga tsong! Lalo na yung PAGBABAGONG ginawa daw ni Jovilou. Psh. Bakit ba nagkaganun siya? Nung kinwento samin nila Rochelle sa Chi Alpha ano yon? Iba kasi yung group namin ni Allysa pero tumitingin din ako sa group nila at nakikita ko na sobrang iba talaga yung mukha ni Jovilou nun.
Mas okay pa yung dating Jovilou. Yung siya yung sobrang ingay. Siya yung laging nang-aasar. Siya yung nauunang mang-insulto tapos tatawanan lang namin lahat ng yon. Pero ngayon? Anong nangyari sakanya?
Sana bumalik nalang yung dating siya. Kasi mas gusto namin yung DATI kaysa NGAYON. Kasi yung NGAYON lumala at sobrang BAGONG BAGO.
~ROCHELLE's FEEL
Nakakabwisit na nakakainis na nakakirita >___< Kung nandon lang kayo sa kinalalagyan namin. Ang hirap iparealized kay Jovilou na mali yung pagbabagong ginawa niya. Oo sinabi namin na magbago siya pero hindi yung magsusungit siya samin. Hindi yung mangssnob siya samin. Hindi yung ganon.
Ang gusto lang naman namin para sakanya is yung magbago siya para hindi siya yung laging talo sa mga nambubully sakanya. Yung Jovilou ngayon? Nakakatakot na yung itsura. Yung Jovilou ngayon? Ibang iba na sa Joviloung naging KAIBIGAN namin.
Dapat ng matapos tong problema naming anim. Kailangan na talaga namin siyang kausapin. Sana naman makinig siya sa mga sasabihin namin sakanya.
~JOVILOU's FEEL
(This is not her real feelings. Eto yung sigurong pakiramdam niya kung bakit siya ganyan)
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat na gagawin ko. Sabi nila Magbago ako diba? Oh ayan! Nagbago ako! Nagiba ako! tapos ayaw pa nila? Iba daw yung ginawa kong pagbabago? Anong gusto nila ha?
Bakit ba gustong gusto nilang mapabago ako? Para ano? Para maiba ha? Kung totoo silang kaibigan, bakit hindi nila matanggap na ganun yung ugali ko? Bakit lagi sila yung tama? Ako yung mali? Bakit pakiramdam ko WALA AKONG TOTOONG KAIBIGAN? Sino bang nakakaintindi sakin? Sino bang nakakaintindi sa feelings ko? Wala naman e.
Kasi ako lagi yung talo! Ako lagi yung nabubully! Ako lagi yung nasasaktan! Ako lagi yung naiinsulto! Ako lagi! Ako yun lagi!!
Kahit naman dati e. Kapag nang insulto para sakanila Joke lang! Pero hindi nila nararamdaman na nasasaktan din ako. May puso din naman ako ah? Ano bang akala nila sakin? Manhid na tatawanan lang lahat ng mga pangaasar nila? Psh.May okay na tong ganitong ako. Kaysa naman sa Jovilou na tatawanan lang lahat!
------
And this story was ended. No happy ending. No peace involved. Keh joke. Wait for another dramatic chapters. Uh, I think.Try to read Mission Impossible guys :) Akin din yan! Dedication anyone? Comment! Vote!
BINABASA MO ANG
BESTFRIENITY [EDITING]
Teen FictionSix Gorgeous, six bestfriends with different personalities. Ano nga bang mangyayari kapag pinagsama-sama silang anim?