January 04,2016
AN: I would like to greet everyone a belated happy new year!
Allysa's POV
Bagong taon. Malamang pasukan nanaman. Sino bang hindi tatamarin ng ganitong araw.
Uwian nanamin at kasalukuyan naming hinihintay si Sheila na cleaners tuwing Monday. At dahil nga balik pag-aaral nanaman, excited nanaman silang magsabay sabay.
Bago pa man magbakasyon, bago magchristmas party, bago magchritmas at new year. Nagbunutan kami para daw sa exchange gift at ngayong araw kami magbibigayan ng regalo. Siempre hindi ko muna sasabihin kung sino yung nabunot ko, pamaya maya nalang. Ngayon din namam magbibigayan. Simple lang naman yung regalo ko eh, ewan ko lang kung magugustuhan ng nabunot ko. Choosy pa naman yun!
"Hindi ako makakasabay guys ha?" sabi ni Dianne
"Hala! Bakit?" tanong ni Carmella
"Gagawa kami ng SIM"
Strategic Intervention Material yung meaning ng SIM kung hindi niyo man lang alam, baka akala niyo eh sim card na sinasaksak sa cellphone. Malungkot na umOO si Carmella. Sabagay, madami kasi talagang ginagawa ngayon. Pasukan na pasukan, tambak ang projects.
"Tara na guys" aya ni Sheila. Badmood ata yung mukha niya. Ewan ko ba, dami ng problema sa mundo!
Habang palabas school, naririnig ko na parang may pinaguusapan sila Sheila.
"Allysa! Gusto mo ba ng libro?" tanong ni Carmella sakin
"Oo baliw"
"OH Yun naman pala eh!!"
Bakit ano bang meron? Hindi ko magetsgets.
Nang makalabas kami ng gate, nagsuggest sila na dito nalang daw magbigayan ng regalo bago maghiwa-hiwalay. Sa tapat nalang ng bahay namin ko ibibgay yung regalo dahil naiwan ko.
"Oh!" ibinigay ni Jovilou yung regalo niya kay Rochelle.
Ibinigay naman ni Rochelle kay Dianne yung regalo niya tapos si Dianne ibinigay niya yung regalo kay Carmella tapos binigay niya kay Sheila.
"Ay Syeeeeet! Ang ganda Carm. I love it hehehe" biglang nagiba yung mood ni Sheila at bumalik sa pagiging sadista.
"Oh ibigay mo na kay Allysa yang regalo mo!!"
May kinuha na something si Carmella sa bag ni Sheila. Nakalagay sa isang plastic bag ng national bookstore at ibinigay ito saakin.
One of the Bob Ong books entitled "Para sa Hopeless mong mukha #TiwalaLang" Wew.
"Dapat para kay Jovilou yan eh! HAHAHA" tawa ni Sheila. Nangiinsulto nanaman po sila.
--
Nandito na kami sa bahay. Hinihintay ko lang si Rochelle na nagCr tapos yung iba nasa labas lang. Kinuha ko lang naman yung regalo ko eh. Nagbukasan na ng mga gifts. So eto na, sasabihin ko na nga diba?
Ako? Yung libro nga na galing sa National Bookstore. Maganda naman siya. Ayoko pa ngang buksan e dahil hihiramin daw nila Rochelle. Hahaha
Si Rochelle. Isang simpleng white blouse lang na may print. Cute siya pero galing kay Jovilou. Hahaha. Nagrereklamo si Rochelle kung bakit daw hindi nakabalot. Hahaha!
Si Carmella. Maliit lang na pabango yung natangap niya. Pero bench yung brand. Oy mahal kaya non. Naapreciate niya daw yung effort ni Dianne kasi mukhang paputok yung pagbabalot ng regalo niya.
Si Dianne. Doll shoes na color green or light green, basta! Siya ang pinakamagandang natanggap na regalo galing kay Rochelle. It's her Advance birthday gift narin daw kaya ganun. Ang ganda daw nga sabi nila Carmella e. Ang akala kasi namin nung una, dress. Loko si Rochelle. Haha!
Si Sheila. Natanggap niya ay pink na blouse na may print na Levi's then isang pink din na Headband. Alam na alam talaga ni Carmella kung ano yung gusto ni Sheila. Nagustuhan niya kasi talaga!
Si Jovilou. Ibinigay ko na sakanya. Reklamo pa ng reklamo sa kulay blouse na color red peach? Basta ganung kulay. Eh blouse lang rin naman yung niregalo niya.
~End~
Author's Noteyy:
Waaaah! Hello. hohoho. Late Late Merry Christmas and Happy New Year. Hehehe. Sorry kung medyo late na yung update or ngayon lang nakapagupdate! Sorry na. Busy busyhan ako nung panandaliang bakasyon. Hahaha. So eto nga, busy na ulit sa school!
Yun lang.
Thank you for reading this.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENITY [EDITING]
Teen FictionSix Gorgeous, six bestfriends with different personalities. Ano nga bang mangyayari kapag pinagsama-sama silang anim?