"Hoy, Skyler Reyes! Nagsimula na try outs, pinapatawag ka na ni Coach!" narinig kong tawag ni Qwerty sakin.
"Kailangan ba talagang nandoon ako? Wow ah, di ako na inform na in demand na pala ako ngayon." sarcastic kong sagot sakanya.
"Tumayo ka na nga dyan. Para naman kasing napakabigat ng katawan mo samantalang kabilis bilis mong tumakbo, kababae mo pang tao tapos ganyan ka umupo!" saad nya habang nakaturo sa pagkakaupo ko.
Kasalukuyan akong nakaupo at nagre-relax dito sa pinaka-taas at dulong upuan sa bleachers ng open field namin, mag-isa lang naman ako kanina dito dahil busy ang buong team dahil sa mga magta-try out, kaso na-timing-an nyang naka-slouch ako at naka-upong panlalaki (or nakabukaka) ako. At least jogging pants kami ngayon.
Napakamot nalang ako sa ulo habang naka-simangot ng konti, "Mauna ka na nga! Sabihin mo kay Coach susunod nalang ako dun." saka ko sya binugaw na para bang isa syang malaking langaw. Tinignan nya lang ako ng masama saka ako sinabihan ng 'Siguraduhin mo lang kundi ako ang lagot kay Coach nyan.' saka sya umalis.
Nag-unat muna ako saka ako tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa track field. Baka mabulyawan pa ako ni Coach kapag di ako dumating kaagad dun.
---
"Whoooo! Sa wakas dumating nadin ang Track St--" agad kong napahinto sa pagsasalita si Apple ng sinupalpal ko sa bibig nya yung hintuturo ko. Agad din naman itong napasimangot dahil sa ginawa ko.
"Shut up, Mansanas." saka ko tinanggal yung hintuturo ko sa bibig nya.
Masyado nang nasusupalpal sa mukha ko yung word na 'Track Star'. Mamaya isipin ng ibang tao,
'Feel na feel nya naman masyado yung bansag sakanya. Pinapalaki naman masyado yung ulo nya.'
O kaya naman,
'Di nya naman deserve yang title para sakanya. May mas magaling pa dyan.'
Bakit? Di naman ako ang tumawag sa sarili ko nun ah. Kasalanan ko bang mabilis akong tumakbo?
"Bakit ba ayaw na ayaw mong tinatawag kang 'Track Star'? Eh samantalang 'yan naman ang tawag ng buong school sayo." nakabusangot na tanong ni Apple sakin.
Si Apple. Isa sa mga ka-member ko sa track & field team. We've been in the team for 5 years. Unfortunately bestfriend ko na din sya since we were 10 years old.
"Para kasing ang laki ng responsibility na kailangan kong gampanan kapag naririnig kong tinatawag akong Track Star. People expect me to win every competition I join when it comes to track. Nakaka-stress kaya." seryoso kong saad.
"Don't engrish me. I'm thank fine you?" sagot naman nya sakin, wala nalang akong ibang nagawa kundi pabirong irapan sya habang nakangiti ng konti.
"Madami-dami din'g magta-try out this year. Balita ko pati yung transferee magta-try out eh." bigla akong napatingin sa left side ko, si Qwerty pala.
Transferee?
Bago pa ako makapagtanong, inunahan na ako ni Apple,
"Class 11-A. Oh Sage. 18. Mother is Half Filipino-Half American and Father is Korean. A transferee from US. Matalino at sporty din daw. Ilang beses narin daw syang nag champion sa track and field. Matangkad, maputi, chinito tsaka gwapo." dire-diretso nyang saad.
"Crush mo?" tanong ko naman habang nakangiti ng nakakaloko. Lumingon sya sakin saka ako tinignan with her 'duh' look.
"Porke't updated, crush agad? Di ba pwedeng na-curious kaya nagtanong?" sarcastic nyang saad kaya natawa nalang ako.