The POV for this chapter will be Sage's. Hihihi. Enjoy reading. This chapter is dedicated to ANDREA and ALVI. I love you guys.
HAPPY BIRTHDAY RHIZA! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT DI MO BINABASA STORY KO KAIYAQ.
Warning: Long chapter ahead.
-
SET
"Mom, I'll be fine. You said it yourself, everything will be fine." I said while looking outside through the car's window.
"I know, I know. Nag-aalala lang ako na baka mahirapan ka sa bago mong school at baka awayin ka or i-bully--"
"Mom." pagpapakalma ko kay Mama.
Lumipas ang 5 segundong katahimikan ay nagsalita din si Mama.
"Yes?" saad nya na parang batang nagpapacute dahil papagalitan sya.
Napabuntong hininga muna ako bago magsalita, "Ma, di na ko elementary. I can take care of myself. Nandoon din naman si Kuya Kit kapag kailangan ko ng tulong." kalmado kong sinabi.
Narinig kong napabuntong hininga din sya bago sya sumagot, "Fine! Fine. But if you need anything just call me or your sister. Your Dad's pretty busy this past few days but you should still text and assure him that you're alive or something." natawa nalang ako sa huli nyang sinabi.
This woman might worry so much and drive me crazy, but she's still the coolest and bestest Mom ever.
"Of course," nang makita kong palapit na ako sa school premises ay agad na din akong nagpaalam kay Mama. "Ma, I have to go. Nandito na ako sa school. I'll call when I'm done fixing my stuffs, 'kay? Bye. Love you."
Pagkatapos kong kunin ang mga baggage at gamit ko, agad akong dumiretso sa Main Gates kung saan daw ako hihintayin ni Kuya Kit.
Inangat ko ang kaliwa kong kamay para tignan sana kung anong oras na pero agad ko din itong binaba ng makita at realize kong wala pala akong suot na wrist watch. I mentally facepalmed myself.
Kinuha ko nalang yung cellphone sa bulsa ng coat ko,
Time Check: 9:36 PM
36 minutes late. Well it's not my fault that I'm late, it's the traffic's fault.
Iaangat ko palang sana ang ulo ko sa pagkakatingin sa cellphone ko ng may biglang pumukpok ng nakarolyong magazine(?) sa ulo ko.
"Araay!" well actually di naman sya masakit since manipis lang naman ata ang pinalo sakin. Sadyang nagulat lang ako kaya yun na ang nasabi ko.
"Aray aray ka dyan! Kung ikaw kayang paghintayin ko dito sa labas ng halos kalahating oras habang sinisipsip na ng mga lamok yung dugo mo sa katawan!"
Kahit di ko iaangat ang ulo ko ay alam ko na agad kung sino itong satsat ng satsat.
Di parin sya nagbabago, mabunganga parin.
Unti-unti kong inaangat ang ulo ko habang naka ngiti ng nakakloko sakanya.
"Kuya Kit! Ang bakla mo parin, daldal mo~"
Siguro mga ilang minuto pa kaming nag-stay sa tapat ng school gates dahil sa walang humpay nyang pagpapalo sakin.
-
Lumipas ang mahabang paluan, yakapan at kamustahan, tinulungan ako ni Kuya Kit sa pag dadala ng mga gamit ko papunta sa Dorms.
Habang papunta din kami sa dorm ay ine-explain nya narin sakin yung ibang rules and regulation ng school, tips para sa dorm, itinuro nya rin yung ibang lugar dito sa school.
