GET
Isang linggo na ang nakalipas. Simula nung nangyari sa track field, di na ako ginulo ni Hans. Di ko alam na suntok lang pala ang makakapaghinto sakanya, edi sana matagal ko nang ginawa.
"Okay class, di makakapunta si Ma'am Denise nyo dahil .." pagpapabitin ni Sir Gavin, ang adviser namin.
'NABITIIIIIIN! Pwak!'
'Sir, pati ba naman kayo paasa na?!'
'Sir! Wag kasi pabitin!'
Sunod-sunod na react ng mga kaklase ko. Natawa nalang ako sa mga reaction nila. Bwisit eh, di na pinagsalita si Sir.
"Kumalma nga kayo, hugot-hugot pa kayo eh. Hugutin ko mga dila nyo eh." natatawa ding saad ni Sir.
"As I was saying, Di makakapunta si Ma'am Denise nyo dahil may emergency meeting kaming mga teachers and it will take place on Grade 11-A's room. So dito muna magste-stay ang 11-A students." pagkatapos sabihin ni Sir yun, samut-saring reaksyon ang mga narinig ko sa mga kaklase ko.
'Ayyy gurl! Sakto may kwento daw si Andrea satin! Bongga!'
'Jomar! Diba may kaibigan ka dun? Sabihin mo pakopya nga ng assignment sa Trigo. Walang kwenta mga classmates natin eh.!'
'Shet tol, 11-A si Julie! Kaka-break lang namin, di ko pa sya kayang makita tol. Masakit pa.'
Habang ako, napasubsob ko nalang yung mukha ko sa table ko kasi what the hell? Lulusob ang 11-A dito, ibig sabihin interacting with other people and interacting with other people is so nakakapagod kaya no thanks nalang.
'Akhdbsdnsbkdjsk eh my ghed! Si Sage pupunta dito! I cannot!'
Aral muna bago landi ate gurl.
Speaking of Kimchi guy, na-bitch mode ko nga pala sya noong nakaraang linggo. Aba kasalanan nya rin naman, nakikisingit sya sa suntukan ng may suntukan. Pero sabagay kung hindi niya ako pinigilan nun, baka naka-abot pa hanggang Principal's office yung nangyari.
Inangat ko yung mukha ko tsaka kinalabit yung dalawang torpe sa harapan ko AKA Mansanas and Keyboard. Lumingon naman agad sila.
"Gisingin nyo nalang ako kapag may ipapagawa, neh?" tsaka ako nagpa-cute sakanila. Inirapan nalang nila ako saka sila tumango.
Mga five minutes nang nakasubsob yung mukha ko sa table nang narinig kong bumukas yung pintuan saka nagsi-'Hi Hello' yung mga kaklase ko. Agad kong inangat yung paa ko at pinatong sa upuan sa tabi ko dahil baka may upo at kumausap sakin, ang galing kasi ng seatmate kong si Ildien. Pa-absent absent pa kasi.
I was off to dreamland when someone tapped my left leg.
I looked up with my eyes closed and said, "What?"
"Can I sit here?" pamilyar yung boses kaya agad kong minulat yung mata ko at nakitang si kimchi guy pala itong kumausap sakin. Nakatitig lang ako sakanya habang nag-iisip ng mabuti.
Should I let him sit?
Marami pa namang ibang upuan dyan.
Pero kasi may utang na loob ako sakanya eh.
Fine.
"Sure, whatever." pagkatapos kong sabihin yun, agad kong binababa ang kaliwa kong hita at ibinalik ko ang mukha ko sa pagkakasubsob sa table.