Finish Line

73 4 26
                                    

Note: Thank you sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng istoryang ito. But everything has got to come to an end. And for this story, this is the end.

Finish Line


Sky

Lumipas ang Pasko at Bagong taon na mapayapa. Well, kung maiko-consider na payapa ang pag babalita ni Apple sa parents ko na may boyfriend na ako kaya buong holiday ay walang ibang sinasabi si Mama kundi 'Skyler anak, kailan ba namin makikilala ang boylet mo?' *insert mapangaasar na boses ni Mama* at ang halos isang oras kong pagsisigaw kay Apple sa telepono tuwing tumatawag sya sakin.

Alam kong bestfriends ang madalas na nagdadagdag sa listahan ng 'embarassing moments' natin sa ating buhay pero yung ginawa ni Apple sakin, ibang level na yun teh. Halos di ko kineri.

Tuwing naaalala ko yung mga pinagsisigaw ko sa airport noon, di ko mapigilang mapa-facepalm sa hiya.

'WALANGHIYA KA! PAGKATAPOS NG LAHAT, AALIS KA LANG? IIWAN MO KAMI SA ERE? IIWAN MO AKO SA ERE?!'

'MUKHA NAMANG MASAYA KANG ISE-CELEBRATE ANG PASKO MO KASAMA YANG BABAENG YAN SA KOREA KAYA SIGE, INGAT KAYO AH. PAKASAYA KAYO. PASALUBONG NALANG.'

'PARA SANA HINDI NADIN AKO NAHULOG SAYO. OO, SAGE. MAHAL DIN KITANG GAGO KA.'

Pero sa lahat ng sinabi ni Sage, ito ang hinding-hindi ko makakalimutan,

'Third, that girl is Stine,

.. my sister.'

Tuwing naaalala ko yung mismong moment na yun, naluluha na talaga ako sa hiya, habang yung bwiset at bruha kong bestfriend ay walang ibang ginawa kundi tawanan ako ng tawanan.

"Paano na yan sa pasukan? Anong gagawin mo?" tanong sakin ni Apple.

Ano nga baaaaaaaaa?

"Hindi ko alaaaam."

"Don't whine at me bitch. Ngayong nasabi mo na lahat kay Sage, 'hindi ko alam'? Yan lang masasabi mo? YAN LANG? PAGKATAPOS KITANG PALAKAHIN NG MAAYOS AT PAKAININ TATLONG BESES SA ISANG ARAW, YAN LANG MASABI MO? SKYLER VEE REYES, WHAT THE F---"

"Shut up Maria Cecilia Apple Palarca Mendrez."

".........."

".........."

".........."

"You did not just said my whole name."

"I just did, bitch."

"I'll see you in the court." tsaka nya in-end yung call. Pero pagkalipas ng dalawang minuto ay tumawag din ulit ito. I rolled my eyes before answering her call.

"What now?" bored kong saad.

"Seryoso Sky, anong gagawin mo sa pasukan? Tatlong araw nalang pasukan na." seryosong saad ni Apple sa telepono.

Napaisip naman ako bigla. Ano nga ba talgang gagawin ko pagdating ng pasukan?

"...siguro mag-uusap kami tapos.. ewan ko na." dahan-dahan kong saad.

Narinig kong napabuntong hininga si Apple bago sya nagsalita.

"Well, okay then. Just so you know, kahit na feeling mo ako ang dahilan ng kahihiyan na ginawa mo sa airport, which is ako naman talaga actually.. suportado ako sa kahit na anong desisyon mo. Kahit minsan katangahan na. We may not be as sweet as those 'friendship goals' thingy we see in facebook, but still, I want you to know that I care for you and that I love you always."

RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon