Note: Ang Track practice nila ay tuwing Monday at Friday. Enjoy reading!
GO
Simula ng pag-uusap namin sa Clinic, hindi na sumasabay samin si Sage. Madalang nalang rin namin syang nakikita. Siguro nalaman nya na ding alam na namin, na alam ko na. (Nagrereklamo din kasi minsan si Nurse na di sya pinapansin ng dearest cousin nya.)
Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot sa sitwasyon na ito.
Masaya kasi dumidistansya sya sakin. Yun bang alam nyang magiging awkward lang kapag nag sama-sama kami sa iisang table o lugar kaya mas pinili nalang nyang umiwas para sa ikabubuti namin.
Malungkot kasi dumidistansya sya sakin. I miss him. His teasing, his silly faces, his voice, his smile.
Maging sila Apple, Qwerty, Alvi at Rhiza ay napapansin na ang pag-iwas ni Sage. Di naman sila kumikibo, lalo na sila Apple at Qwerty since alam nila ang lahat.
Pero ng tatlong linggo na ang lumipas since nung pag-uusap sa clinic, napansin na nila ang pagiging balisa ko at madalas na pagkakatulala.
Di ko rin namang mapigilang mapaisip talaga since kaibigan ko sya at hangga't maari ayaw ko sanang mawala sya sakin, este yung friendship namin. Pero sa mga nangyayari ngayon, di na ako sigurado kung meron pa nga ba yung friendship naming yun.
Napaisip din ako sa mga sinabi ni Nurse Kit.
Yung feelings nya para sakin. Yung pag-alala nya sakin. Na di sya makatulog kakaisip sa kapakanan ko. Yung balak nyang panliligaw.
Tuwing naiisip ko yan, di ko mapigilang mapabuntong hininga nalang kasi, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.
"Sky, isa pang buntong hininga mo isasaksak ko na sa ngala-ngala mo itong kakanin na kinakain ko." seryosong saad ni Rhiza habang nakatingin ng masama sakin. Nakatingin din pala sila Apple, Qwerty at Alvi sakin.
Wala akong ibang nagawa kundi ngumiti ng pilit at mag-peace sign nalang sakanila. Inirapan nalang nila ako saka sila nagsibalikan sa pagkain nila. Maliban kay Apple,
"Okay ka lang ba talaga? Last last week ka pang ganyan." nag-aalalang saad ni Apple.
Tipid nalang akong ngumiti sakanya, "Okay lang ako. Kaya pa."
Alangan na napatingin sakin si Apple saka sya dahan-dahang tumango.
Magbubuntog hininga sana ulit ako kaso naalala ko yung babala ni Rhiza kaya napa-iling nalang ako sa sarili ko.
Kaya ko pa nga ba?
---
Track and field practice namin nang mahuli ko syang nakatingin sakin. Pati ako di ko napigilang mapatitig diretso sa mata nya nang magtama ang paningin namin.
I miss those eyes.
Pero iniwas din nya agad ang tingin nya.
Di ko mapigilang malungkot kasi kahit isang maliit na ngiti, wala akong nakuha sakanya.
Natapos ang practice namin ng ala sais. Pagkabalik namin sa dorm ay nag-shower ako saglit at dumiretso sa canteen para maghapunan.
Lumipas ang ilang minuto pagkatapos naming maghapunan ay nagpalit ako sa pang track outfit ko at pumunta sa track field para tumakbo saglit at magpahangin dala-dala ang isang maliit na towel at isang tumbler ng tubig.
