Tomboy. Yan ang salitang ayaw na ayaw kong nakikinig. Bakit? Nakaka sawa kaya! Araw araw nalang sa school inaasar nila ako na tomboy daw ako. Hindi naman sa ayaw ko sa mga tomboy pero kasi hindi naman talaga ako tomboy. Mukha lang ngang tomboy. (_ _)
Eh kasi ganito yun..
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"Patay! 7 am na! 8 ang pasok ko. Waa! First day of school pa naman baka ma late ako nito!"
Nahulog pa ako sa kama. Ano ba naman yan. Napasarap pa kasi ang pag Xbox ko kagabi ayan late na naman! Okay lang. Senior year ko na naman to. Konting kembot nalang graduate nako! Ay teka mahuhuli nako!! Bilisan ko nalang maligo!
*..after 5 mins..
"Bihis na!"
*..after 3 mins..
"Suklaaay!"
*..after 2 mins
"Good morning Ma, good morning pa."
"Anak... (O.O) Ano ba naman yang itsura mo!" - papa
"Georgina naman baby you have to look pleasing in the eyes hindi ganyan!" - mama
Ayy nako ayan na naman sila! Sa tagal tagal ko ng ganito hanggang ngayun di pa nasanay.
Saka pleasing pleasing in the eyes. Kaya nga pumapasok ng school para matuto hindi pumorma!
At saka ano bang masama sa suot ko? Ok naman ung uniform ko. Bagong polish naman sapatos ko. Naka pony tail naman na maayus ang buhok ko.. yun nga lang naka cap ako. Yung ang butas nasa harapan. Tapos ang bag ko messenger bag. Ako lang sa batch namin ang nagamit ng ganito except sa mga lalaki. Tapos ang itim ko pa. Nababad sa kaka soccer ng summer.
Ito yung laging binabanggit sakin ni Mama. Dapat daw nakalugay ang buhok at naka curl para lady like. Wag daw mag cap ng ganun kasi mukha daw akong pedicab driver. Wag daw malaking messenger bag ang gamitin ko dahil mukha daw akong delivery boy ng Mcdo. At wag daw mag babad sa araw para hindi mukhang uling.
Hay ewan. Basta okay nako sa ganito. Makapag almusal na nga!
(O.O) (O.o) - mama and papa
"Ahket?"
Hindi na nila ako maintindihan kasi punong puno ang bibig ko ng pagkain. Gabundok na kanin, dalawang itlog, 5 hotdog at isang supot na bacon ang kinakain ko ngayon. Aminado ako! Matakaw talaga ako pero hindi naman kasi ako nataba kaya walang kaso!
Pinagalitan na naman ako nila Papa. Kumain daw ako parang 10 araw akong nag trabajo sa construction site at hindi pinapakain. Eh sa ganito talaga ako eh.
Oops. Teka pala. Dami nyo ng alam sakin pero yung basic di nyo pa alam! Ako nga pala si Georgina Cruz. Only child ako kaya naman sakin lagi ang puna. (-_-) Senior student ako at 17 years old. Hindi naman sa pag mamayabang pero madaming negosyo ang pamilya namin. Nasa shipping and production ang sa side ni Papa at hotels and resorts naman ang sa side ni Mama. Parehas din silang mga only child kaya parehas silang busy sa mga negosyo na minana.
Kaya ako laging nakakatikim ng sermon dahil sa hindi daw appropriate ang itsura ko sa family namin. Naturingan pa man daw na unica ija. Mukha naman daw tambay. Pero usually hindi na nila ako sinisita. Wala din naman kasing mangyayari alam naman nila na hindi ako mapipigilan.
Tatakbo na akong nakarating sa school kahit hinatid ako ni Kuyang Driver. Sa totoo lang kasi sa mejo malayo ako nag papa hatid at sundo kasi ayaw kong may nakaka alam sa family status ko. Ayaw ko kasi magkaroon ng fake friends eh.
Kaya naman, ang aking nag iisang bespren ay walang iba kundi si..
"Hoy! Gabriel Montenegro!..."
Si Gab. Simula grade 5 kami na ang magkabarkada nyan. Lalaki sya pero okay lang. Vibes kami eh. Magkaka sosyo ang parents namin kaya okay sakanila na mag kaibigan kami ni Gab.
Hindi na rin ako mag tataka kung biglang isang araw sbaihin nila samin na naka arrange ang kasal naming dalawa. Haha! Ang feeling ko lang noh? Uy shh lang ha. Osige aminin ko. Mejo crush ko kasi si Gab pero hanggang dun nalang yun. Ayaw ko kasi masira ang barkadahan namin at bukod pa dun, ang dami kasing kaagaw sakanya.
Pogi, maputi, matangkad, soccer varsity player, matalino, mayaman.. What more can you wish for? Pero, may pagka seryoso at tahimik. Dami nga nagagalit sakin dahil pag kami lang, di yan tipid sa pakikipag daldalan. Lapitin ng chicks. Pero ewan ba dun. Hanggang ngayon wala naman nagiging matinong gf. Puro lang fling fling.
Anyways, so yun na nga.. Tinawag ko si Gab..
"..walanya ka kanina pa ako nag tetext sayo. Wala man lang reply!"
"Ah? Ganun ba? Pasesnya na ha. Hindi ko napansin."
"Umagang umaga ang bitter mo! Tara na nga! Mahuhuli na tayo!"
Sabay hinila ko si Gab sa braso. Wala na rin syang nagawa kaya sumunod nalang.
------------
GAB'S POV
"Hoy! Gabriel Montenegro!..."
Ayun! Malayo pa lang kinig na kinig ko na ang sigaw ni George. Kahit kailan talaga parang lalaki tong babaeng to eh.
Ka uma umaga tatakbo na agad. Amoy pawis na naman yan sigurado!
"..walanya ka kanina pa ako nag tetext sayo. Wala man lang reply!"
"Ah? Ganun ba? Pasesnya na ha. Hindi ko napansin."
Sa totoo lang, nabasa ko. Gusto ko lang malaman kung hanggang ngayon, alam mo pa kung saan ako mapupuntahan.
"Umagang umaga ang bitter mo! Tara na nga! Mahuhuli na tayo!"
Hinawakan ako ni George sa braso. Napatingin ako at namalayan ko nalang na nagpa hatak na ako sakanya.
Teka.. bumilis ata ang tibok ng puso ko..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yey. Wala lang masaya lang. New story, new plot! Sana basahin nyo po. Hindi ako skilled writter kaya sana pag pasensyahan nyo na po :) Basahin nyo din po yung isa kong story ung Love Shades: Destiny. Pinaka unng kwento ko po yun. Tapos na sya at magkakaroon po ng book 2 :) ABANGAN!
Pls. Vote and comment. thank you! <3
BINABASA MO ANG
My Undercover Lover
Teen Fiction21st century na, pero ang arranged marriage uso pa ba? Eh pano kung ikaw mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyon na yun? Eh worst e pano kung yung taong yun pala e may tinatagong malaking sikreto, kakayanin mo kaya? Cast: Jang Keun Suk as Ashl...